BAGUIO CITY – Nagsimula nang maramdaman ang ginaw sa Summer Capital of the Philippines nang maitala ang aabot sa 13.6 degrees Celsius na temperatura kahapon ng umaga. Ayon sa PAGASA-Baguio, patuloy pang bababa ang temperatura sa lungsod at sa lalawigan ng Benguet sa susunod na mga araw hanggang Pebrero sa susunod na taon. Sinabi ng weather bureau, inaasahang mas mababa …
Read More »Lumahok sa SSS voluntary provident fund mga batang millenial
HALOS dalawa sa bawat tatlong miyembrong naglagay ng pera sa voluntary provident fund ng Social Security System (SSS) ay mga batang miyembro na 35 anyos pababa batay sa enrollment data ng SSS Personal Equity and Savings Option (PESO) Fund sa pagtatapos ng Setyembre 2016. Ayon kay SSS Officer-in-Charge ng Voluntary Provident Fund Department Marichelle L. Reyes, sa kabuuang 3,649 sumali …
Read More »19 pulis kakasuhan sa Espinosa killing
NAHAHARAP sa kaso ang 19 pulis na nagsilbi ng search warrants sa Leyte Sub-Provincial Jail na nagresulta sa pagkakapatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. at isa pang preso. “At this point, we believe that we will be levying for administrative complaints for operatives involved both from the Criminal Investigation and Detection Group Region 8 and Regional Maritime Unit,” pahayag …
Read More »Marcos burial sa LNMB ‘di babawiin ni Duterte
WALANG balak si Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang kanyang desisyon na pahintulutan na ihimlay sa Libingan ng mga Bayani si dating Presidente Ferdinand Marcos. “Well, as I have said, as a lawyer, I stick by what the law says. The law says that soldiers and ex-presidents, ‘yung namatay o maski hindi siguro ex, basta presidente ka, doon ka ilibing,” …
Read More »LNMB dinagdagan ng ‘magnanakaw’ (Google namanipula ng maraming request)
MAINIT pa ring tinatalakay sa social networking sites ang isyung napipintong paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ito’y makaraan maglabas kamakalawa ng ruling ang Korte Suprema na pumapabor sa paghahatid sa dating presidente sa nabanggit na sementeryo. Ngunit kahapon ng umaga, marami ang nagulat nang lumabas sa Google Maps ang pangalan ng lugar bilang “Libingan …
Read More »Media sinabon ng Pangulo (Sa pinalaking ‘tuhod joke’)
SINERMONAN ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang isang media man sa tila pagpinta sa kanya na bastos dahil sa biro niya tungkol sa tuhod ni Vice President Leni Robredo sa Tacloban City kamakalawa. Sa press briefing sa NAIA Terminal 2 bago magpunta sa Malaysia, inamin ng Pangulo na ginawa niyang biro ang makinis na tuhod ni Robredo para maibsan ang …
Read More »‘Tuhod joke’ tasteless remarks — Robredo
BUMUWELTA si Vice President Leni Robredo sa hindi angkop na remarks at mapanlamang na pahayag laban sa mga kababaihan. Ayon kay Robredo, walang puwang sa lipunan ang ganitong aksiyon at pag-uugali. Bagama’t hindi pinangalanan, si Pangulong Rodrigo Duterte ay matatandaang nagpakawala kamakalawa ng pagbibiro ukol kay Robredo. Maging ang tuhod ng vise president at rumored boyfriend ng opisyal ay binanggit …
Read More »Trump nahalal na 45th US president
NEW YORK – Muling nabawi ng Republicans ang White House, makaraan manalo ang pambato ng partido na si Donald Trump sa isang upset victory, sa katatapos na presidential election sa Amerika. Tinalo ng 70-year old business mogul, ang pambato ng Democratic Party na si dating Secretary of State Hillary Clinton. Tinawagan na ni Clinton si Trump para mag-concede. Si Trump …
Read More »Tagumpay ni Trump hangad ni Duterte
UMAASA si Pangulong Rodrigo Duterte na magtatagumpay ang apat na taon administrasyon ni US president-elect Donald Trump at makipagtulungan para maisulong ang relasyong Filipinas-Amerika na nakaangkla sa respeto’t benepisyo ng isa’t isa at magkasama sa commitment para sa demokratikong kaisipan at rule of law. “President Duterte wishes President-elect Trump success in the next four years as Chief Executive and commander-in …
Read More »Mag-utol, 1 pa tigbak sa parak
PATAY ang magkapatid at isa pang lalaki na hinihinalang tulak ng droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa magkahiwalay na buy-bust operation kahapon ng madaling-araw at Lunes ng gabi sa Navotas City. Ayon kay Senior Supt. Dante Novicio, hepe ng Navotas City Police, nakatanggap sila ng impormasyon na patuloy ang pagbebenta ng ilegal na droga ng magkapatid na sina Jhun-Jhun, …
Read More »Negosyante todas sa tandem, misis kritikal
PATAY ang isang negosyante habang kritikal ang kanyang misis makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Alfredo Bautista, 42, ng 84 D. Sanchez St., Brgy. Tinajeros habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital ang misis niyang si Delia Bautista, 43-anyos. Patuloy ang follow-up investigation ng mga awtoridad upang …
Read More »Radio block timer sugatan sa tandem
DAGUPAN CITY – Sugatan ang isang radio commentator makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa bayan ng Villasis, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Virgilio Maganes, 59, residente ng Brgy. San Blas. Ayon kay Chief Insp. Norman Florentino, hepe ng Villasis-Philippine National Police, bandang 5:40 am habang papasok ang biktima sa kanyang trabaho sa power radio sa Lungsod ng Dagupan sakay …
Read More »Pot session sa Makati niratrat (2 patay, 1 sugatan)
DALAWA ang patay habang isa ang sugatan makaraan pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo habang nagpa-pot session ang mga biktima sa loob ng isang pampasaherong jeep kahapon ng madaling-araw sa Makati City. Agad binawian ng buhay ang mga biktimang sina James Abad at Romeo Sudanio, pawang nasa hustong gulang, ng Brgy. Pio del Pilar, Makati …
Read More »Lola patay sa QC fire
BINAWIAN ng buhay ang isang 60-anyos lola habang dalawa ang sugatan sa sunog sa isang residential area sa Quezon City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni Fire Senior Supt. Jesus Fernandez, Fire Marshall ng Quezon City, ang namatay na si Emerita Duyan, residente sa 96 General Luis Avenue, Tandang Sora, Quezon City. Habang sugatan sina Helen Goloran, 70, at Patrick Yanguas, …
Read More »Bong Revilla buhay pa — lawyer
ITINANGGI ng abogado ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., ang mga balita sa social media na sinasabing namatay ang dating senador. Sinabi ni Atty. Rean Balisi, nasa mabuting kalagayan ang 50-year-old actor-turned-politician na kinakailangan lang sumailalim sa iba pang mga laboratory test. Kaugnay nito, pinagbigyan ng Sandiganbayan first division ang mosyon ng kampo ni Revilla Jr., na manatili sa …
Read More »Caloocan City Meralco’s K-Ligtas finalist
KABILANG ang pamahalaang lungsod ng Caloocan sa patimpalak ng Meralco sa K-Ligtas (Kuryenteng Ligtas) Awards Local Government Unit Category makaraan makakitaan ng “excellent electrical safety management.” Ayon sa Meralco, na-promote ng Caloocan ang best practices lalo’t higit sa lahat ang electrical safety. Ang K-Ligtas Awards ay ang kauna-unahan sa bansa na magbibigay ng karangalan sa mga organisasyon at business establishments …
Read More »Chinese timbog sa drug bust
ISANG Chinese national ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District sa buy-bust operation sa loob ng isang hotel sa Binondo, Maynila kamakalawa ng hapon. Nakapiit sa MPD Meisic Police Station 11 ang suspek na si Zhao Xin Min, alyas Mr. Zhao, may-asawa, Chinese national, naka-check-in sa room 2032 ng Golden Phoenix Hotel, matatagpuan sa Diosdado Macapagal Avenue, Pasay …
Read More »Lovelife ni Robredo ibinisto ni Duterte (Sa anibersaryo ng Yolanda)
BISTADO na ng publiko na aktibo ang love life ni Vice President Leni Robredo nang ipahiwatig kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na may nobyo siyang mambabatas. Sa kanyang talumpati sa ikatlong anibersayo nang paghagupit ng Yolanda sa mass grave sa Tacloban City, sinabi ng Pangulo, desmayado siya sa kapabayaan ng gobyerno sa mga biktima ng Yolanda partikular sa pabahay. Bilang …
Read More »Digong nadesmaya sa Yolanda rehab sa Tacloban
DESMAYADO si Pangulong Rodrigo Duterte sa nakitang resulta ng rehabilitasyon sa Tacloban City tatlong taon makaraan hagupitin ng supertyphoon Yolanda. “It is this kind of service that I came here for. I’m really, I’m sorry I said, I do not want to offend anybody. I am not satisfied. Now three years, how many days—?” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati …
Read More »Senator Manny Pacquiao, PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa. Bitbit ang WBO welterweight title belt
MAGKASABAY na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nanatiling pound-for-pound king na si pambansang kamao at senator Manny Pacquiao, at si PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa. Bitbit ng dalawa ng WBO welterweight title belt sa pagharap sa mga mamamahayag sa NAIA. (JSY)
Read More »Pacman sumabak agad sa Senado (Pagbalik sa PH)
AGAD sumabak sa trabaho si Filipino boxing champion Manny Pacquiao. Sa kanyang pagdating nitong umaga sa bansa, sinabi niyang papasok agad siya sa kanyang trabaho sa Senado. Ipinaabot ni Pacquiao ang pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mamamayang Filipino dahil sa suportang pinakita sa laban niya. Kanya ring ibinida na siya ay natutuwa na maraming Filipino ang nanood sa …
Read More »Marcos sa libingan ng mga bayani aprubado sa SC (Sa botong 9-5 ng mga mahistrado)
PINAHINTULUTAN ng Supreme Court (SC) ang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani (LNMB). Sa desisyong inilabas ng Korte Supreme, siyam mahistrado ang bumoto pabor sa panukala, lima ang kumontra habang isa ang nag-inhibit. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na ilibing si Marcos sa LNMB. Sa kabila ito nang pagtutol ng mga biktima ng …
Read More »Aktibong pulis sa KFR tinutugis (2 grupo target sa Binondo kidnapping — PNP-AKG)
KINOMPIRMA ni PNP AKG Director, Senior Supt. Manolo Ozaeta, may isang pulis na aktibo sa serbisyo, ang sangkot sa kidnapping for ransom na kanilang bi-nabantayan sa ngayon. Sinabi ni Ozaeta, ang nasabing pulis ay miyembro ng sindikato sa likod ng anim kaso ng kidnapping na naitala sa Binondo, Maynila. Ayon sa kanya, nakalalaya pa ang pulis ngunit binabantayan na …
Read More »2 sugatan sa sunog sa Parañaque City
DALAWANG residente ang nasugatan at halos 40 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nasunog na residential area sa Paranaque City kahapon ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Medina Vargas, 59, at Gilma Carasco, 39, kapwa ng Glenn St., Brgy. Moonwalk ng nasabing lungsod. Sila ay bahagyang nasugatan sa paa makaraan tumalon sa bakod habang nasusunog ang kanilang bahay. Base …
Read More »5 drug suspect patay sa parak sa drug den raid sa Bulacan
LIMANG hinihinalang sangkot sa droga ang napatay ng mga pulis sa operasyon sa hinihinalang drug den sa Norzagaray, Bulacan nitong Linggo ng gabi. Kinilala ng Norzagaray Police Station ang mga napatay na sina Richard Calonzo, Angel Ivano, Levi Mateo, Chito Talento at isang alyas Neneng Bokser. Ayon sa pulisya, nagsilbi ang mga operatiba ng search warrant sa Brgy. FVR dakong …
Read More »