Tuesday , July 5 2022

Ika-154 kaarawan ni Gat Andres ginunita sa Caloocan

PINANGUNAHAN nina Vice President Leni Robredo at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang simpleng pagdiriwang ng ika-154 kaarawan ng bayaning si Andres Bonifacio sa Bonifacio Monument, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Unang napaulat na pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang seremonya kasama ang kanyang spokesman na si Harry Roque, ngunit hindi nakadalo ang punong ehekutibo dahil bumisita sa Mindanao.

PINANGUNAHAN nina Vice President Leni Robredo at Defense Secretary Delfin Lorenzana, at Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang simpleng pagdiriwang ng ika-154 kaarawan ng bayaning si Andres Bonifacio sa Bonifacio Monument, kahapon ng umaga sa Caloocan City. Kabilang sa mga dumalo sa seremonya sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero, National Historical Commission Director Ludovico Badoy, at Atty. Gregorio Bonifacio, kamag-anak ni Gat Andres Bonifacio. (JUN DAVID)

Kabilang sa mga dumalo sa seremonya sina Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero, National Historical Commission Director Ludovico Badoy, at Atty. Gregorio Bonifacio, kamag-anak ni Gat Andres Bonifacio.

Sa opening remarks ni Mayor Malapitan, binigyan-diin niya ang 20 porsiyentong pagbaba ng crime rates sa lungsod at ang nakalinyang ipatutupad na mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan, kabilang ang Tutuban-Clark Railways at pagbubukas ng bagong Big Dome sa 8 Disyembre at bagong city hall na nakatakdang buksan sa 19 Disyembre.

Nagtapos ang pagdiriwang sa pagsasalita ni Secretay Lorenzana na nagsilbing guest of honor at speaker, na binanggit ang tungkol sa tunay na kuwento ng buhay ni Bonifacio.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Malacañan

Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO

WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, …

Bongbong Marcos BBM Imee Marcos

Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid

ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Bulacan Airport Special Economic Zone

Konstruksiyon ng airport sa Bulacan tuloy — Salceda

SA KABILA ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa House Bill 7575, tiniyak ni …

Ramon Zagala PSG Bongbong Marcos BBM

Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR

HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University …

Leave a Reply