Sunday , November 24 2024

News

Taguba, Dong inasunto sa P6.4-B shabu shipment (Faeldon inabsuwelto ng DoJ)

SINAMPAHAN ng kaso ng Department of Justice (DoJ) kahapon ng kasong kriminal ang hinihinalang customs fixer na si Mark Taguba, negosyanteng si Kenneth Dong, at pitong indibiduwal na isinangkot sa P6.4-bilyong shabu shipment na ipinuslit sa bansa mula sa China nitong Mayo, habang inabsuwelto sa kaso si ex-Customs Commissioner Nicanor Faeldon. Sina Taguba at Dong ay sinampahan sa Valenzuela City …

Read More »

FGASPAPI panagutin (Binawian ng rehistrasyon, may operasyon)

PUWEDENG papanagutin sa batas ang Federation of Goat and Sheep Producers and Association of the Philippines (FGASPAPI). Ito’y dahil patuloy ang kanilang operasyon kahit paso na ang rehistrasyon ng kanilang kompanya sa Securities and Exchange Commission (SEC). Nabatid na patuloy na nagsasagawa ng seminar ang FGASPAPI sa kabila ng pasong SEC registration. Ito umano ay malinaw na paglabag sa batas. …

Read More »

Rider patay, 1 sugatan (Motorsiklo bumangga sa likod ng truck)

PATAY ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas makaraang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang truck sa Katipunan Avenue, Brgy. Old Balara, Quezon City, kahapon ng madaling-araw. Hindi umabot nang buhay sa Quirino Memorial Medical Center si James Francis Aragan, 27, habang patuloy na inoobserbahan ang sugatang si Joshua Maria Cinco. Sa imbestigasyon ng Quezon City Police …

Read More »

P236-M malulugi sa MRT kada buwan — Chavez (Operasyon kapag itinigil)

MRT

MAWAWALA ang P236 milyong potensiyal na kita kapag sinunod ng Department of Transportation (DOTr) ang panawagan para sa pansamantalang pagpapatigil ng operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3). “Our average monthly income is P236 million,” pahayag ni Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez. “‘Yan ang mawawala per month at ‘yan din ang madadagdag sa hihingin nating subsidy sa government …

Read More »

Fare discount na pinalawak ikinasa ni Angara (Maagang Pamasko sa estudyante)

Students 20 percent discount

MAKATITIPID na sa pasahe at pabaon sa kanilang mga anak na estudyante ang mga magulang kapag naa­probahan ang sponsor na panukalang batas ni Senator Sonny Angara, na naglalayong palawakin ang 20% fare discount ng mga mag-aaral. Sa panukalang ito, sakop ng diskuwento ang iba pang uri ng transportasyon tulad ng eroplano, barko at tren. “Ito po ay isang maagang Pamasko sa …

Read More »

All-out war vs CPP-NPA-NDF idineklara ni Duterte

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang all-out war laban sa New People’s Army kahapon. Sa kanyang talumpati sa programang “Isang Pagpupugay sa Huling Tikas Pahinga” sa Bonifacio Global City sa Taguig City, sinabi ng Pangulo, inutusan niya si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at government chief negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III na abisohan ang matataas …

Read More »

‘Chedeng’ ng Indonesian diplomat nagliyab sa EDSA

NASUNOG ang isang bagong diplomat vehicle sa bahagi ng EDSA at Buendia, Makati City, nitong Lunes ng gabi Ayon sa Makati Bureau of Fire Protection,  nasunog ang isang itim na Mercedes Benz, may plakang 1457, isang diplomat vehicle ng Indonesia, dakong 9:30 ng gabi. HALOS hindi na mapakikinabangan ang diplomatic vehicle ng Indonesian Embassy na isang itim na Mercedes Benz …

Read More »

Impeachment vs CJ Sereno plantsado na

HINDI pa man nagsisimula ang hearing sa kongreso tungkol sa impeachment kay Supreme Court (SC) Chief Justice (CJ) Maria Lourdes Sereno, pinaniniwalaang nakalatag na ang gagawin ng mga kongresistang galamay ng Malacañang. Ilang reliable source sa hanay ng staff ng mga kongresista, ang nagpahiwatig na ‘formality’ na lang umano ang hearing at walang ibang pakay kundi siraan at hiyain si …

Read More »

Roxas, Abaya 7 pa swak sa plunder — Palasyo

TINIYAK ng Palasyo, pagbabayarin ang mga dating opisyal ng administrasyong Aquino na sanhi ng pagdurusa ng mga pasahero ng MRT 3. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan managot ang mga nasa likod nang nararanasang inhustisya ni Juan dela Cruz na pumapasan sa P54-M kada buwan at P1.8 bilyon fixed fee na ibinayad ng mga opisyal ng gobyernong Aquino para …

Read More »

Hiling ng Pinoys: Philippine consulate sa Texas muling buksan

HOUSTON, Texas – Dapat muling buksan ng Department of Foreign Affairs ang Philippine consulate sa lungsod na ito upang tugunan ang pangangailangan ng lumalaking populasyon ng mga Filipino sa Texas, ang pangalawa sa pinakamalaking estado ng Estados Unidos kasunod ng Alaska. Ito ang nagkakaisang pananaw ng mga Filipino expatriates na naninirahan sa Houston na hindi makapag-renew ng kanilang pasaporte sa …

Read More »

Ex-DoTC chief Abaya, BURI officials inasunto sa ‘anomalous’ MRT3 contract

MRT

SINAMPAHAN ng mga militanteng grupo si dating  Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya at mga opisyal ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) sa  Office of the Ombudsman bunsod nang umano’y pagpasok sa maanomalyang maintenance contract para sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3). Inihain ng grupong Agham, Bayan Muna, Train Riders Network, at Bagong Alyansang Makabayan ang mga kasong …

Read More »

Medical scholarship bill aprub sa Kamara

INAPRUBAHAN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong Lunes sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang naglalayong lumikha ng medical scholarship program para matugunan ang kakulangan sa mga doktor sa bansa. Sa botong 223 yes, walang no, zero abstentions, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 6571 o ang panukalang Medical Scholarship and Return Service Program Act. Ang panukala ay nagtatakda …

Read More »

Reward vs suspects itinaas sa P.3-M (Sa rape-slay ng bank teller)

mabel cama

ITINAAS sa P300,000 mula sa P100,000 ni Pasig Mayor Bobby Eusebio ang pabuya sa makapagtuturo sa natitira pang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 22-anyos bank teller sa sa Pasig City. Magugunitang sinabi ng pulisya, isang saksi ang huling nakakitang buhay sa biktimang si Mabel Cama habang kumakatok sa gate ng kanyang residential compound sa Ortigas Avenue Extension nitong …

Read More »

Class suspensions itinanggi ng DepEd (Nagbabala vs fake news)

NANAWAGAN ang Department of Education (DepEd) kahapon sa publiko na maging mapagbantay laban sa fake news, kasabay nang pagtanggi sa sinasabing iniulat na suspensiyon ng klase sa linggong ito. “The Department of Education (DepEd) has not made any announcement regarding the suspension of classes on November 23, 24, and 27 being circulated by Facebook page ‘Walang Pasok Advisory’ nor is …

Read More »

Suspek sa bank teller na ginahasa’t pinatay, arestado

mabel cama

ARESTADO ng pulisya nitong Linggo, ang pangunahing suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 22-anyos bank teller sa Pasig City. Kinilala ni Pasig police chief, Senior Supt. Orlando Yebra ang suspek na si Randy Oavenada, empleyado at residente sa isang abandonadong office building. Tumugma aniya ang mga fingerprint ni Oave­nada sa mga sample sa cellphone na narekober malapit sa bangkay …

Read More »

Kano, 1 pa patay sa van vs bus sa Sorsogon

road traffic accident

PATAY ang isang Amerikano at isa pang lalaki makaraan bumangga ang isang Toyota Innova sa isang Elavil bus sa Brgy. Pinagbuhatan sa Sorsogon City, nitong Biyernes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Terry Lee Woodliff, 60, at Rolando Belardo, 47-anyos Binawian ng buhay ang mga biktima makaraan bumangga ang kanilang sasakyan sa isang bus sa nabanggit na barangay pasado …

Read More »

P11-M smuggled rice nasabat sa Davao Norte

NAKOMPISKA ng Philippine Navy ang 5,000 sako ng hinihinalang smuggled na bigas sa Davao Del Norte, nitong Sabado ng gabi. Nitong Miyerkoles, nakatanggap ng ulat ang mga awtoridad na ibibiyahe ang bigas mula Zamboanga City patungo sa isang pribadong pantalan sa Maco, Compostella Valley, ayon kay Capt. Jose Ma. Ambrosio Espeleta, deputy commander ng Naval Forces-Eastern Mindanao. Aniya, nasabat ng …

Read More »

P125-K shabu kompiskado sa bebot

shabu drug arrest

UMABOT sa P125,000 halaga ng shabu ang nakompiska sa dalawang babae sa Maynila, nitong Sabado. Ang mga suspek na sina Raizah Benito, 24, at Aira Topaan, 20, ay nahulihan ng 25 gramo ng hi-nihinalang shabu. Ayon kay Ismael Fajardo, Jr., regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency, da-lawang linggo nilang isinailalim sa surveillance ang mga kilos ni Benito bago ikinasa …

Read More »

CPP-NPA terrorist group — Duterte (Crackdown vs leftist group)

IDEDEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) bilang isang terrorist organization at kasong paglabag sa Anti-Terror Law o Human Security Act at mga kasong kriminal ang isasampa laban sa mga pinuno at kasapi nito. “I’ll be issuing a proclamation. I’ll remove them from the category of a legal entity or at …

Read More »

Pagkalas ng bagon bubusisiin

HINILING ng Department of Transportation (DOTr) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa naganap na pagkalas ng isang bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) nitong nakaraang linggo. Sa text message sa mga reporter, sinabi ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez, dalawang oras siyang nakipagpulong kay NBI Special Action Unit head Joel Tovera nitong Linggo. “Atty. Tovera will …

Read More »

Operasyon ng MRT tuloy — DOTr (Sa kabila ng safety concerns)

MRT

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) nitong Linggo, ipagpapatuloy ang operasyon ng MRT-3 sa kabila ng pagdududa kung ligtas pang sakyan ang nasabing train system. Sinabi ni Transportation Assistant Sec. Elvira Medina, pinag-aaralan pa nila ang mga problema ng MRT at magsusumite ng rekomendasyon kay DOTr Undersecretary Cesar Chavez sa loob ng isa hanggang dalawang linggo. Gayonman, tiniyak ni Medina …

Read More »

Digong nag-sorry sa MRT commuters

HUMINGI ng paumnahin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pasahero dahil sa prehuwisyong pagsakay sa MRT-3. May indikasyon aniya nang sabotahe kaya kumalas ang isang bagon mula sa karugtong na bagon kaya’t iniimbestigahan ang insidente. “It would indicate sabotage or something did it intentionally. So maybe the connecting mechanisms there or equipment seems to be — they could not locate …

Read More »

Food security kaysa popularity (Kung pipili ng senatorial bets) — Duterte

DUMISTANSYA si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu nang pag-endoso kay Communications Assistant Secretary for Social Media Mocha Uson sa 2019 senatorial race ngunit tahasang tinukoy sina Agriculture Secretary Manny Piñol at Undersecretary Berna Romulo Puyat bilang mga kursunada niyang maupo sa Senado. Sa press conference sa Davao City, inihayag ng Pangulo ang nais niyang maluklok sa Senado na kaalyado ay …

Read More »

Bonus ng 191,480 PNP personnel nasa ATM na

MAAARI nang simulan ng police personnel sa bansa ang kanilang Christmas shopping. Ito ay makaraan ipalabas na ng Philippine National Police ang P4.4 billion year-end bonus para sa kanilang personnel. Sinabi ni PNP spokesperson, Chief Supt. Dionardo Carlos, may kabuuang 191,480 active duty uniformed and non-uniformed personnel ang nakatakdang makinabang sa P4,429,302,582 fund. Ayon kay Carlos, inilagay na ng PNP …

Read More »