Thursday , June 4 2026

4 Chinese drug lords ‘lumaya’ sa GCTA

LIMANG Chinese drug lords ang ‘pinalaya’ ng Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng dalawang buwan, pagbubunyag ni Senator Panfilo Lacson nitong Huwebes.

Ayon kay Lacson, may kopya siya ng mga bilanggong kalalaya lang sa New Bilibid Prison (NBP) at natuklasan na apat sa kanila ay con­victed Chinese drug lords.

Ani Lacson, sina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che, at Wu Hing Sum ay pinalaya nitong Hunyo 2019.

Sa karagdagang detal­­ye, sinabi ni Lacson, ang apat ay mula sa Building 14, Maximum Security Compound.

Sa text messages sa mga reporter, sinabi ni Lacson walang nakaa­alam kung nasaan na ang apat na Chinese nationals mula nang palayain sa NBP.

Ang isa umanong preso na si Ho Wai Pang, ay inilipat sa panga­ngalaga ng Bureau of Immigration (BI) pero hindi na rin alam kung ipinatapon na sa labas ng bansa.

Wala na umanong ibang detalyeng hawak si Lacson maliban sa rason na GCTA ang dahilan ng paglaya ng nasabing Chinese nationals.

Ani Lacson, hiningi niya ang listahan ng mga lalaya noong 20 Agosto, na kinabibilangan ni convicted rapist-mur­derer Antonio Sanchez, pero sinabi umano sa kanyang nawawala ang listahan.

“We are trying to look for a copy of the August 20 release order in favor of Mayor Sanchez but apparently nawawala ang kopya,” ani Lacson.

Sinabi ni Sanchez, ang dating mayor ng Calauan, Laguna, at ng kanyang pamilya na ang kanyang release documents ay pirmado na.

Si Sanchez ay naha­tulan noong 1995 sa pangga­gahasa at pag­patay sa UP Los Baños student na si Eileen Sarmenta at pagpaslang kay Allan Gomez noong 1993.

Naging mainit na usapin ang posibleng paglaya ni Sanchez, na nagbunsod kay Justice Secretary Menardo Gue­var­ra para isuspendi ng BuCor ang pagpoproseso ng GCTA beneficiaries.

Nauna rito, inihayag ni Guevarra na si Sanchez, at ang 11,000 preso, ay posibleng makalaya sa loob ng dalawang buwan dahil sa GCTA.

Pero biglang nagbago ang ‘tono’ at sinabing hindi ‘eligible’ si Sanchez para sa GCTA.

Sinabi ni BuCor director Nicanor Faeldon na rerepasohin ng ahen­siya ang record ni Sanchez ngunit paglaon ay sina­bing hindi kalipikado sa GCTA.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …