PATAY ang isang 6-anyos bata makaraan pagsasaksakin ng kaniyang tiyuhin sa Bacolod City, nitong Sabado ng madaling-araw, dahil malimit umano siyang kagatin ng pamangking ‘asuwang.’ Sa imbestigasyon ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Bacolod City police, 22 beses sinaksak ng suspek ang kaniyang pamangkin na anak ng kanyang kapatid dahil sa hinalang asuwang ang biktima. Hinihinalang nasa ilalim …
Read More »3-anyos paslit patay sa baliw na amok, suspek tigok sa kuyog
IRIGA CITY, Camarines Sur – Patay ang isang 3-anyos paslit makaraan pagtatagain nang nag-amok nilang kapitbahay sa Brgy. San Antonio, nitong Sabado ng hapon. Ayon sa ulat ng pulisya, nagulat ang pamilya ng biktimang si John Andrew Albaño nang makitang nagwawala ang kapitbahay na si Hassel Namoro habang armado ng itak. Kuwento ni Joseph, ama ng biktima, nakita niyang tumatakbo …
Read More »Pinay sa Saudi patay sa lason (Kinompirma ng DFA)
TINIYAK ng mga opisyal ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia na masusing iimbestigahan ang ulat na minaltrato ng kanyang amo ang isang Filipina domestic helper na namatay makaraan umanong uminom ng lason, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs, nitong Linggo. Ang biktimang si Emerita Gannaban, 44, ay nagtungo sa Saudi Arabia para magtrabaho noong Hunyo. Siya ay namatay …
Read More »Sapat na rice supply tiniyak sa publiko
MAKATITIYAK ang mga Filipino na mananatiling sapat ang supply ng bigas sa susunod na mga araw bilang resulta ng ipatutupad na polisiya ng gobyerno hinggil sa pang-aangkat ng bigas, ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez kahapon. “Malinaw ang polisiya ng ating pamahalaan lalo ang bilin ni Presidente [Rodrigo] Duterte talaga, punuin ninyo ng stock ‘yan,” pahayag ni Lopez, …
Read More »19 Pinay arestado sa Halloween party (Sa Riyadh, Saudi Arabia)
RIYADH, Saudi Arabia – Inaresto at ikinulong ang 19 Filipina sa Riyadh dahil sa kanilang pagdalo sa Halloween party. Ipinagbabawal sa Saudi Arabia ang mga pagtitipon sa publiko na may kaugnayan sa non-Islamic events at paghahalo ng mga babae at lalaki. “So far, alam namin ay resulta po ito ng isang reklamo ng mga residente sa Al Thumama na parang …
Read More »Sanggol, bata, binatilyo patay sa sunog (Sa Quiapo at Puerto Princesa)
PATAY sa sunog ang isang sanggol, bata at binatilyo sa magkahiwalay na insidente ng sunog sa Quiapo, Maynila, at Puerto Princesa City. Sa Puerto Princesa City ay namatay ang sanggol at isang bata sa sunog sa Brgy. Santa Lourdes sa lungsod na ito, noong Sabado. Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa bahay ng …
Read More »Customs sa AFP pakitang tao? — Solon
PAKITANG TAO lamang ang pagsailalim ng Bureau of Customs sa Armed Forces of the Philippines para masabi na makapangyarihan ang presidente. Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, para nang isinailalim ang bansa sa martial law. Aniya, ginagawang dahilan ang problema sa droga sa pagamit ng martial law at iniiwas sa tunay na isyu na hinayaang makalabas ang mga itinalaga ng …
Read More »AFP takeover sa Customs kaduda-duda — Pangilinan
NANINIWALA si Senador Kiko Pangilinan na kaduda-duda at nakaliligalig ang pagsasailalim sa pamamahala ng Armed Forces of the Philippines sa ahensiyang revenue-generating. “Ano ang alam ng AFP sa pangongolekta ng buwis at tarifa? Lalo lang pinalalakas ang militarisasyon sa burakrasya. Ano susunod? BIR? Immigration? Hindi lahat ng militar mahusay sa pagpapatakbo ng gobyerno, tulad ng palpak na si Capt. Faeldon …
Read More »AFP takeover sa Customs suportado ni Sotto
SUPORTADO ni Senate President Tito Sotto ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines bilang pansamantalang tagapangasiwa sa operasyon ng Bureau of Customs bago ang pagpapalit ng liderato ng ahensiya. Ayon kay Sotto, naniniwala siya na mga ganitong uri ng “drastic measures” ang kinakailangan upang tuluyang maputol ang mga ilegal na gawain sa BoC na matagal …
Read More »Martial law sa Customs
PANSAMANTALA lang ang military takeover sa Bureau of Customs, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, bilang Punong Ehekutibo ng bansa, may kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na utusan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ayudahan ang BoC. Bilang Punong Ehekutibo ng bansa ay may kontrol aniya si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng tanggapan sa …
Read More »Ayon sa PAGASA: Bagyong Rosita katulad ng Ondoy
INAASAHANG bubuhos nang maraming ulan ang Typhoon Rosita (international name: Yutu) sa Northern at Central Luzon katulad ng Bagyong Ondoy noong 2009, ayon kay Aldsar Aurelio, weather forecaster ng PAGASA, kahapon. “Ang torrential na pag-ulan ay katulad nang pagbagsak ni Ondoy. Nakapalaki nitong bagyo at compact ang ulap,” pahayag ni Aurelio bilang paglalarawan sa posibleng dami ng ibubuhos na ulan …
Read More »DICT kinalampag ng subscribers (Sa cell tower issue )
NANAWAGAN ang Consumer-Commuter Association of the Philippines sa pamahalaan na huwag bigyang daan ang pagpupumilit ni Presidential Adviser on economic affairs and information and technology communications Ramon Jacinto sa Department of Information and Communication Technology (DICT) na gawing dalawang tower company lamang ang magtatayo ng libo-libong cell towers sa bansa. Ayon sa naturang grupo, mahihirapan ang pamahalaan na maayos ang …
Read More »P1.12-B fraud nabuko (Areglohan sa NHA project tinutulan)
NABISTO ng state lawyers ang malinaw na pagtatangka ng kontraktor ng Smokey Mountain project sa Tondo na gatasan ang gobyerno nang higit P1.12 bilyon mula sa kaban ng bayan. Ito ang lumutang matapos kumilos ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) upang madiskaril ang areglohan sa pagitan ng National Housing Authority (NHA) at RII Builders sa kaso kaugnay ng reklamasyon at …
Read More »Super typhoon papasok sa PH sa Sabado
INIHAYAG ng state weather bureau na maaaring itaas ang cyclone warning signal sa susunod na linggo dahil sa inaasahang pagpasok ng super typhoon Yutu sa Philippine area of responsibility bukas, Sabado. Sa tropical cyclone advisory na inisyu kahapon, sinabi ng PAGASA, ang bagyo ay tatawaging “Rosita” kapag nakapasok sa PAR dakong umaga ng Sabado. “Tropical Cyclone Warning Signal may be …
Read More »Anti-drug chief patay sa nalaglag na baril (Habang nagbibihis)
PATAY ang isang hepe ng anti-illegal drugs ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang pumutok ang kanyang baril at tamaan sa katawan sa Quezon City, kahapon ng umaga. Sa ulat kay Supt. Benjie Tremor, hepe ng QCPD Kamuning PS 10, kinilala ang biktimang si , hepe ng Kamuning PS 10 – Station Drug Enforcement Unit (DSEU). Siya ay namatay habang …
Read More »Hepe ng Dangerous Drugs panel sumuporta kay Mangaoang
HABANG pilit na winawasak ng ibang kongresista ang testimonya ni Deputy Customs collector, Atty. Lourdes Mangaoang, sinuportahan siya ng hepe ng House Committee on Dangerous Drugs sa kanyang suhestiyon na buksan ang lahat na kahinahinalang kargamento kahit dumaan ito sa x-ray. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, tama na buksan at tingnang mabuti ang mga shipment kung …
Read More »Lapeña umaming nalusutan ng P6.8-B shabu (Sa Technical examination ng DPWH sa 4 magnetic lifters)
KOMBINSIDO si Customs Commissioner Isidro Lapeña na may lamang bilyon-bilyong halaga ng shabu ang apat na magnetic lifters na nakalusot sa Aduana. Sinabi ni Lapeña sa press briefing sa Palasyo kahapon, batay sa resulta ng technical examination ng Bureau of Equipment ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa apat na magnetic lifters na natagpuan sa GMA, Cavite kamakailan, …
Read More »Lider ng tobacco farmers binantaan (Ghost project ibinunyag)
IBINUNYAG ng lider ng mga magsasaka ng tabako na nanganganib ang kanyang buhay dahil sa death threats na natatanggap niya mula nang ibunyag ang ‘ghost project’ sa kanyang lalawigan. Ayon sa pinuno ng National Federation of Tobacco Farmers and Cooperatives (NAFTAC) na si Bernard Vicente, nakatanggap siya ng death threats sa tawag at text messages mula nang ibunyag niya ang …
Read More »Lapeña sinibak ni Digong sa Customs (Inilipat sa TESDA)
SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña at itinalaga si Maritime Industry Authority (MARINA) administrator Rey Leonardo Guerrero bilang bagong pinuno ng ahensiya. Pinatalsik sa Custons ngunit hinirang si Lapeña bilang bagong director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Si TESDA chief Guiling Mamodiong ay naghain ng kandidatura sa pagka-gobernador ng …
Read More »Ex-customs intel officer arestohin — Duterte (Sa P6.8-B shabu )
INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde ang pag-aresto sa isang dating Customs intelligence officer na sabit sa pagpuslit ng illegal drugs sa bansa. Sa kanyang talumpati sa Palasyo kahapon, sinabi ng Pangulo, si Jimmy Guban, dating Customs intelligence officer, ang namemeke ng ID para makapasok sa bansa ang illegal drugs. Sinabi …
Read More »5 rice hoarders sa Iligan kinasuhan
ILIGAN CITY – Sinampahan ng kasong hoarding ang isang negosyanteng Filipino at apat Chinese nationals na nahuling nag-iimbak nang higit 20,000 sako ng bigas sa lungsod. Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Filipino na si Sonia Payan at sina Lu Zi Yong, Yang Jianzhu, Johnny Tan, at Raul Chenfoo, pawang Chines nationals ng kasong paglabag sa Price Act. …
Read More »Trike sinalpok ng SUV, pasyente tumilapon (4 sugatan)
ISANG lalaking inatake sa puso at isusugod sa ospital ang tumilapon sa kalsada makaraan mabangga ng isang SUV na minamaneho ng isang doktor ang sinasakyang service vehicle ng barangay sa Maynila, nitong Martes ng madaling-araw. Ayon sa ulat, kabilang din sa nasugatan sa insidente ang anak ng pasyente, driver ng service tricycle at dalawang iba pa. Nabatid sa imbestigasyon ng …
Read More »30 pamilya nasunugan sa Maynila
MAHIGIT 30 pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang kanilang bahay sa Delpan Street sa Binondo, nitong Martes ng umaga. Ayon sa Bureau of Fire Protection, pasado 10:00 am nang sumiklab ang sunog sa isang 3-palapag na residential structure sa Brgy. 272. Agad kumalat ang apoy sa 10 katabing bahay kaya itinaas ang sunog sa ikatlong alarma. Naapula ang …
Read More »Narco mayors ‘di lulusot sa ‘high treason’
MAHAHARAP sa kasong “high treason” o pagtataksil sa bayan ang alkaldeng mapatutunayang sangkot sa illegal drugs. “It is high treason if you do that to your country. So, iwasan ninyo ‘yan. I’m not saying that it’s all about money, but you can have comfortable lives if you are a mayor. Just avoid drugs,” ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa …
Read More »Voluntary drug testing hikayat ng PDEA, PNP sa candidates
HINIKAYAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) nitong Martes, ang mga kandidato sa 2019 mid-term elections na boluntaryong sumailalim sa drug test. “Sabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, well and good kung merong magkukusa. As we speak, seven minutes ago, one of the candidates who filed her certificate of candidacy is on her way …
Read More »