NAGPAHAYAG ng pagkalungkot ang mga miyembro ng oposisyon kahapon sa ika-33 anibersaryo ng People’s Power Revolution. Anila bumalik ang mala-diktadurang pamamalakad na isinuka ng sambayanang Filipino sa ilalim ng gobyernong Marcos. “Tatlong dekada na ang nakalilipas ngunit nasasaksihan pa rin natin ang mala-diktadurang pamamahala sa gobyerno. Kaliwa’t kanan ang paglabag sa karapatang pantao — pagpapatahimik sa mga kritiko ng administrasyon, …
Read More »Presyo ng langis muling sumirit (Ika-7 ngayong 2019)
SASAKIT muli ang ulo ng mga motorista dahil nagpatupad ng big time oil price hike sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong araw, 26 Pebrero. Pinangunahan ng kompanyang Total Philippines, Pilipinas Shell, PTT Philippines, Petro Gazz, Sea Oil at Caltex (Chevron) ang dagdag presyo na P1.45 kada litro ng gasolina, maging sa diesel ay P1.45 din kada …
Read More »P6.8M shabu kompiskado sa 4 big time drug dealer
APAT na bigtime drug dealer na kumikilos sa Quezon City at karatig lungsod ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District Cubao police station (QCPD-PS7) makaraang makompiskahan ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Taguig City, ayon sa ulat kahapon. Sa ulat kay QCPD director, C/Supt. Joselito Esquivel Jr., kinilala ang nadakip na sina Abel …
Read More »Batas laban sa ‘kanser’ pirmado na
MAY laban na ang mga kababayan natin kontra sakit na kanser. Ito ang sinabi ngayon ng reeleksyonistang si Senador Sonny Angara, matapos maisabatas ang National Integrated Cancer Control Act (RA 11215), nang lagdaan at pagtibayin ito ni Pangulong Duterte nitong 14 Pebrero 2019. Nilalayon ng batas na mapapaba ang halaga ng gamutan at medisina na kailangan ng cancer patients upang …
Read More »Enrile: Dagdag na trabaho, susi laban sa kahirapan
DAHIL tumaas ang bilang ng mga Filipino na nagsasabing sila’y mahirap noong 2018 ayon sa isang survey ng Social Weather Stations (SWS), nangako si dating Senate President Juan Ponce Enrile na kanyang paiigtingin ang pagdagdag ng mga trabaho para sa mga Filipino upang labanan ang kahirapan. “For the economy, what is our way of fighting poverty? Create jobs. Kung may …
Read More »Live-in partners, 1 pa timbog sa droga sa Malabon
ARESTADO ang tatlong hinihinalang drug personalties kabilang ang live-in partners sa isinagawang buy-bust operations ng mga pulis sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Rosalia Gipaya alyas Cel, live-in na si Ronie Borres alyas Agao, kapwa 41-anyos, pusher, residente sa Salmon St., Caloocan City, at Elizabeth Baruela, 45-anyos taga-Tumaris St., Brgy. Tugatog. Ayon sa …
Read More »Poe nagbalik sa baluwarteng Pangasinan
UMAASA si Senadora Grace Poe sa matatag na pagsuportang makukuha niyang muli sa mga Pangasinense para sa nalalapit na midterm elections sa Mayo. Inilunsad ni Poe, na naglalayong makamit ang kanyang pangalawang termino bilang independiyenteng kandidato, ang provincial leg ng kanyang campaign sorties nitong Martes, 19 Pebrero sa mayaman sa botong lalawigan ng Pangasinan, ang lalawigan ng kanyang ama, ang …
Read More »Hubad na katawan ng ex-girlfriend ipo-post online… Ex-boyfriend arestado sa robbery extortion
KALABOSO ang 25-anyos lalaki at kasabwat nitong sound engineer sa kasong ‘robbery extortion’ sa 18-anyos ex-girlfriend, para hindi umano kumalat ang hubad na katawan sa San Juan City. Kinilala ni EPD-director C/Supt. Bernabe Balba, ang mga nadakip na sina John Paul Salaño, 25 anyos, at umano’y kasabwat na si Joseph Roque, nasa hustong gulang, sound engineer kapwa ng naturang lungsod. …
Read More »Tolentino, sinita sa malaking billboard sa Pasay
PINUNA ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) si administration senatorial candidate Francis Tolentino dahil sa malaking billboard sa lungsod ng Pasay. Nagpaalala si Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa mga kandidato sa darating na halalan na dapat sumunod sa election rules at kaagad tanggalin ang posters na lumalabag sa itinatakdang 2″x3″ sukat ng campaign posters. Sa pahayag ni Guanzon, …
Read More »Universal Health Care Act ‘Winner’ kay Duterte
MABABAWASAN na ang problema sa pagtustos sa pagkakasakit dahil bawat Pinoy ay awtomatikong naka-enrol na sa National Health Insurance Program batay sa nilagdaang Universal Health Care Act ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon. Batay sa batas, ang membership sa programa ay maaaring direkta o sa pamamagitan ng pagbabayad ng health premium o indirect o ang gobyerno ang magbabayad para sa senior …
Read More »Narco-politicians ilantad sa publiko
PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang listahan ng narco-politicians para maging gabay ng mga botante sa pagpili ng mga kandidato sa 2019 midterm elections. Sa panayam sa Palasyo, pinayohan ni Pangulong Duterte si Cebu-based businessman Peter Lim na magpakamatay na lang kaysa sumuko sa kanya. Si Lim ay isa sa …
Read More »Palasyo hindi sang-ayon kay Cardema
HINDI pabor ang Palasyo sa panukala ni National Youth Commission Ronald Cardema na tanggalan ng scholarships ang mga kabataang estudyante na sumasama sa mga rally. “We are government of laws, not of speculations. Kung sinususpetsahan lang natin, hindi naman pupuwede iyon, kailangan mayroon tayong ebidensiya mga parte nga sila ng mga grupo na laban sa gobyerno. Kung sila ay sumasama …
Read More »NYC chief sibakin — NUSP
UMALMA ang National Union of Students of the Philippines sa pahayag ni Ronald Cardema ng National Youth Commission (NYC) na tanggalan ng scholarship ang mga estudyanteng sumasali sa mga kilos protesta laban sa pamahalaan. Ayon sa NUSP, walang karapatan si Cardema na supilin ang mga estudyanteng nagpoprotesta laban sa maling patakaran ng administrasyon, malawakang paglabag sa karapatang pantao at ang …
Read More »Para kay Miss Universe Catriona Gray… Kalsada sa Makati isasara
ISASARA ang ilang pangunahing lansangan sa lungsod ng Makati bunsod ng gaganaping Grand Motorcade at Ticker Tape Parade kay Miss Universe 2018 Catriona Gray kaya asahan na makararanas ng mabigat na daloy ng trapiko ang ilang mga motorist at commuters ngayong araw ng Huwebes (21 Pebrero). Kahapon sa traffic advisory ng Makati City government, isasagawa ang parada sa kahabaan ng …
Read More »Mobile Number Act nilagdaan ni Duterte
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mobile Number Portability Act o ang Republic Act number 11202 na may layuning mabigyan ng mas malawak na kalayaan ang consumer sa pagpili ng kanilang mobile service provider base sa kalidad ng serbisyo at presyo nang hindi na kinakailangan magpalit ng mobile number. Sa ilalim ng batas, maaari na rin lumipat ang mga subscriber …
Read More »1 patay 2 nasakote sa drug-bust sa Lubao
NASAKOTE ang dalawang hinihinalang drug pusher habang patay ang isa pa sa ikinasang anti-drug operation sa Lubao, Pampanga, kamakalawa. Sa ulat ni Supt. Jerry Corpus, Chief of Police ng Lubao kay PRO3 Director C/Supt. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang mga suspek na sina Alfie Sadsad, 34, at Rolando Santos, 40, dati nang sumuko sa awtoridad dahil sa droga at kabilang …
Read More »Dalawang tulak bumulagta sa buy-bust
PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation na ikinasa ng pulisya sa San Jose del Monte City, Bulacan. Kinilala ni Supt. Orlando Castil, hepe ng San Jose del Monte City police ang mga napatay na sina James Taruc at isang alyas Inad samantala nakatakas ang isa nilang kasama na si Jason Panti alyas Goryo. Nabatid …
Read More »Death threat, talbog na tseke, sa ambush kay Yulo
HUMAHARAP sa patong-patong na reklamo dahil sa mga talbog na tseke at nakatatanggap ng mga banta sa buhay bago pinaslang ang negosyanteng si Jose Luis Yulo noong Linggo sa EDSA. Dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo ang walang habas na namaril sa sinasakyang Toyota HiAce van ng biktima na kanyang ikinamatay at ng driver na si Allan Nomer Santos habang …
Read More »Paring Kano muling inaresto sa pagmolestiya sa 5 sakristan
MULING inaresto ang isang paring Katoliko kahapon dahil sa reklamong pangmomolestiya sa 50 bagong biktima na karamihan ay mga batang sakristan. Inaresto ng awtoridad si Kenneth Pius Hendricks matapos ang higit dalawang buwan mula nang unang madetine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig dahil sa reklamong pang-aabuso. Unang nahuli si Hendricks noong 5 Disyembre 2018 sa lalawigan ng Biliran province …
Read More »Pakistani nasakote sa karnap-sanla modus
ARESTADO ang isang Pakistani sa mga operatiba ng Makati City Police Station Anti-Carnapping Unit sa isinagawang entrapment operation ng pulisya matapos tanggapin ang natitirang bayad sa isinanlang karnap na sasakyan sa lungsod, kamakalawa ng hapon. Kasong carnapping (RA 10883) at estafa ang kakaharapin ng suspek na si Raj Kumat Dadlani Jr., y Motwani, 37, binata, naninirahan sa Teresa Street, Barangay …
Read More »Lady service crew tinapik sa puwit Koreano arestado
HINULI ang isang Korean nang bastusin ang isang service ambassador crew sa loob ng isang hotel-casino sa Pasay City, nitong Lunes. Nasa detention cell ng Pasay City Police ang suspek na si Lim Deuk Youl, 49, may asawa, isang Korean national, at naninirahan sa Saracota Residential Resort Cluster 5, Room 23, Newport City, Barangay 183, Villamor sa nasabing lungsod. Kinilala …
Read More »Human settlements department muling binuo ni Duterte
IBINALIK ng administrasyong Duterte ang isang kagawaran na mangangasiwa sa murang pabahay para sa mahihirap na Pinoy gaya noong panahon ng rehimeng Marcos. Sa pamamagitan ito ng ipinalabas na Republic Act number 11201 o ang batas na lumilikha sa Department of Human Settlements and Urban Development. Ang naturang kagawaran ay dating Ministry of Human Settlements na pinamunuan ni dating First …
Read More »Presyo ng palay bumagsak sa rice tariffication law
ILANG araw matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang Rice Tariffication Law, nagpahayag ng pangamba ang ilang kongresista sa magiging epekto nito sa magsasaka. Ayon kay Butil Rep. Cecil Chavez, ang kongresista ng mga magsasaka, bumagsak agad ang farm gate price ng palay sa P14 kada kilo. Sa press conference kahapon, nagbabala si Chavez, na magdurusa ang sektor ng agrikultura dahil …
Read More »62-anyos lolo todas sa sunog
KOMPIRMADONG patay ang 62-anyos lolo nang masunog ang kanyang dalawang-palapag na bahay sa Mandaluyong City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni F/Supt. Christine Pula, fire chief, ang biktima na si Raymundo Liwanag Jr., nakatira sa Ayala Homes Subd., Brgy., Barangka sa lungsod. Base sa imbestigasyon, sumiklab ang sunog dakong 1:41 am, at naapula ng mga bomber dakong 2:25 am. Sa …
Read More »Chinese firms butata sa P67.99-B Marawi rehab
IBA’T IBANG ahensiya ng pamahalaan sa pamamagitan ng local contractors ang magsasagawa ng rehabilitasyon ng Marawi City at hindi na sa pamamagitan ng joint venture sa foreign firms, ayon sa Task Force Bangon Marawi. Ang desisyon na lumipat sa local contractors ay ginawa matapos ang isang taon pagpupursigi sa joint venture agreement sa Filipino-Chinese consortium. “The joint venture was not …
Read More »