Sunday , November 24 2024

News

Sen. Joel Villanueva nanumpa sa tungkulin

Joel Villanueva oath-taking Barasoain Malolos, Bulacan Feat

NANUMPA sa tungkulin para sa kanyang pangalawang termino si Sen. Joel Villanueva sa tapat ng Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan kahapon Lunes, 27 Hunyo 2022. Dumalo sa oath-taking event ang mga kamag-anak ng senador, mga lokal na opisyal ng Bulacan, at mga supporters ni Villanueva. Si Kap. Robin del Rosario ng Brgy. Bunlo, Bocaue, Bulacan, kababata ni Villanueva ang …

Read More »

BULACAN ALL-OUT SUPPORT FOR PBBM.

Bongbong Marcos BBM Rida Robes Bulacan

Dumalo si President-elect Ferdinand Marcos, Jr., sa thanksgiving luncheon na pinangunahan ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes kamakailan. Dumalo rin sa nasabing okasyon ang 22 Alkalde ng Bulacan na pawang lubos na nagpakita ng suporta kay Marcos noong nagdaang eleksiyon, maging ang mga papasok na kasapi ng 19th Congress sa House of Representatives. Ang mga …

Read More »

Ruffa matagal nang fan ng Unang Ginang Imelda Marcos         

Ruffa Gutierrez Imelda Marcos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SPEAKING of Ruffa Gutierrez, mas masuwerte ang aktres dahil kung ilang beses na niyang nakadaupang palad si dating First Lady Imelda Marcos. Si Ruffa ang gaganap na Imelda sa Maid in Malacanang.  Ani Ruffa excited din siya na nakasama sa pelikula. Una niyang nakilala ang unang ginang noong 18 years old siya nang dumalo sa birthday party nito …

Read More »

Cesar excited makatrabaho ang anak na si Diego

Cesar Montano Diego Loyzaga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI nakilala nang personal ni Cesar Montano si dating Pangulong Ferdinand Marcos kaya naman laking panghihinayang niya dahil hindi niya ito matatanong ukol sa gagampanan niyang karakter sa Maid in Malacanangng Viva Films. Sa digital media conference na isinagawa noong Biyernes hindi ikinaila ni Cesar ang saya nang kunin siya para makasama sa isang family dramedy movie na tatalakay sa last …

Read More »

Maid In Malacañang, trending na kahit hindi pa nagsisimula ang shooting

Maid In Malacañang

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NGAYON pa lang ay marami na ang naiintriga at nasasabik dahil malapit nang mapanood ang most controversial film ng 2022. Sa pagbabalik ng dating First Family sa Malacañang para muling pamunuan ang Filipinas, alamin din natin ang bersiyon ng kuwento ng mga Marcos tungkol sa isang hindi malilimutang bahagi ng kasaysayan. Ipapalabas sa maraming sinehan …

Read More »

PAO forensic chief,  nag-apply kay BBM para DOH secretary

Erwin Erfe

NAGSUMITE ng kaniyang mga kredensiyal si Public Attorneys Office (PAO) forensics chief Dr. Erwin Erfe kay incoming President Ferdinand Marcos, Jr., para sa posisyon bilang kalihim ng Department of Health (DOH). Una rito, tinanggihan ni Dr. Erfe ang alok sa kaniya na pamunuan ang DOH at Philippine Health Insurance Corp., dahil sa talamak na korupsiyon at ang nais niya noon …

Read More »

Saklolo ng NPC, ERC kailangan,
MINDOROBLACKOUT

062722 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAGBABALA si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na ang nararanasang blackout ng mga residente sa Occidental Mindoro ay maaaring kumalat hanggang Oriental Mindoro kapag hindi agad sumaklolo ang gobyerno. Nanawagan si Zarate sa National Power Corporation (NPC) at sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kumilos agad at bigyan ng fuel …

Read More »

Isang linggo bago bumaba sa puwesto,
DUTERTE NAGTALAGA NG ‘MIDNIGHT APPOINTEES’

Rodrigo Duterte David Erro Joselin Marcus Fragada

ISANG linggo bago bumaba sa puwesto, nagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong officers-in-charge sa Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR). Kinompirma ni acting Presidential Spokesman at Communications Secretary Martin Andanar ang paghirang kay David Erro bilang officer-in-charge ng DAR at Joselin Marcus Fragada bilang officer-in-charge ng DENR. Pinalitan ni Erro si acting …

Read More »

Utos ng NSC, NTC na mag-block ng websites ng alternative press
FULL-BLOWN DIGITAL MARTIAL LAW

062422 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO SIMULA ng implementasyon ng full-blown digital martial law ang utos ng National Security Council (NSC) at National Telecommunications Office (NTC) na i-block ang websites ng ilang news organizations, activist groups at social movements para hindi mabasa ng internet users sa Filipinas. Inihayag ito ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay kahapon kasabay ng pagkondena sa naging hakbang ng …

Read More »

PH host sa 3rd maritime dialogue

Ayungin Shoal DFA

NAKATAKDANG mag-host ng ikatlong Maritime Dialogue sa susunod na taon ang Filipinas. Pinaigting ng Filipinas at Australia ang ugnayan para resolbahin ang iba’t ibang maritime issues makaraang dumalo ang mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa ikalawang Maritime Dialogue na ginawa sa Canberra, Australia. Kabilang sa mga usaping tinalakay sa dialogo ang isyu ng pangisdaan, maritime domain …

Read More »

Bilang ng sasakyan sa EDSA bumaba
EXPANDED NUMBER CODING SCHEME ‘DI NA IPATUTUPAD

MMDA, NCR, Metro Manila

DAHIL sa pagbaba ng bilang ng mga sasakyan na bumabagtas sa kahabaan ng Efipanio delos Santos Avenue (EDSA), hindi na itutuloy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang panukalang magpatupad ng expanded number coding scheme. Naniniwala ang MMDA, ang pagliit ng bilang ng sasakyang bumibiyahe sa EDSA ay dahil sa taas ng presyo ng produktong petrolyo. Ayon kay MMDA Chairman …

Read More »

Dalaga binoga ng may-ari ng punerarya

Gun Fire

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 34-anyos dalaga matapos barilin ng isang negosyanteng may-ari ng punerarya sa loob ng kanyang bahay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kasalukuyang inoobserbahan sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang kinilalang  si Maria Angela Prado, residente sa Kalayaan St., First Rainbow, Makati City, sanhi ng tama ng bala sa dibdib. Nakapiit …

Read More »

Dismissal binaliktad ng korte
ARESTO VS DOC NATY MULING INIUTOS 

062322 Hataw Frontpage

IPINAG-UTOS ng Regional Trial Court ng Bayugan, Agusan del Sur Regional Trial Court ang pagdakip kay Dr. Maria Natividad Castro, kilala rin bilang Doc Naty, matapos baliktarin ang ruling nito noong 22 Marso 2022 na nagdi-dismiss sa kasong kriminal na isinampa laban sa manggagamot. Unang nadakip si Dr. Castro, isang human rights at public health advocate, noong 18 Pebrero sa …

Read More »

UFC GYM NASA SM SOUTHMALL NA
Plus, take a trip down good ol’ days of fun games and retro activities at #Southtopia post workout

SM Southmall Southtopia UFC

SA PANAHON ngayon, mahalagang magkaroon ng mas aktibong lifestyle upang mapataas ang immunity ng isang tao laban sa iba’t ibang karamdaman. Sa patuloy na paglaban sa COVID-19, nararapat na panatilihin ang maayos na kalusugan. Ito ang binigyang importansiya ni SM Supermalls President Steven Tan sa pagbubukas ng pinakabagong UFC Gym sa SM Gamepark sa SM Southmall. “We are all fighters, …

Read More »

Sa Jaen, Nueva Ecija
BRGY. KAGAWAD LIGTAS SA AMBUSH

gun shot

NAKALIGTAS ang isang kagawad ng barangay matapos tambangan sa Brgy. Malabon Kaingin, sa bayan ng Jaen, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Lunes ng gabi, 20 Hunyo. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Marianito Herminigildo, 63 anyos, residente at kagawad ng nabanggit na barangay. Nabatid na pauwi si Herminigildo mula sa kanyang bukid sakay ng electric bike nang barilin ng …

Read More »

Sa 7-araw SACLEO sa Rizal
P2.4-M DROGA KOMPISKADO, 180 KATAO TIMBOG

Rizal Police PNP

NASAMSAM ang P24-milyong halaga ng ilegal na droga habang arestado ang 180 katao sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa loob ng pitong araw sa 14 bayan sa lalawigan ng Rizal. Sa ulat ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay kay PRO4A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, nakompiska ng mga awtoridad ang 365.41 gramo ng shabu …

Read More »

Silid sinalakay ng kaalitang katrabaho
CARWASH BOY PATAY, KASAMA SUGATAN

Car Wash

HINDI nakaligtas ang isang trabahador sa isang carwash shop habang sugatan ang isa pa nang salakayin ng kasamahan sa trabaho sa loob ng kanilang silid dakong 2:43 am nitong Martes, 21 Hunyo, sa lungsod ng Iligan, lalawigan ng Lanao del Norte. Nagresponde ang mga awtoridad sa ulat sa kanila ng isang concerned citizen na may natagpuang babae at lalaking nakahandusay …

Read More »

Sa Davao de Oro
BRGY. CHAIRMAN  TODAS SA BOGA

dead gun police

UTAS ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. Andili, bayan ng Mawab, lalawigan ng Davao de Oro, nitong Lunes ng umaga, 20 Hunyo. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Elizalde Malcampo, chairman ng Barangay Kinuban sa karatig-bayan ng Maco. Ayon sa salaysay ng mga nakasaksi, galing sa Andili Elementary School ang biktima, matapos ihatid …

Read More »

Ilang araw nang nawawala
ESTUDYANTE NATAGPUANG WALANG BUHAY SA DAMUHAN

dead

WALA nang buhay at nagsisimula nang maagnas ang katawan ng isang college student nang matagpuan sa madamong bahagi sa gilid ng Venecia Highway sa lungsod ng Dagupan, lalawigan ng Pangasinan. Kinilala ang biktimang si Aaron Fernandez, 20 anyos, residente sa Brgy. Poblacion Oeste, sa nabanggit na lungsod, at 2nd year hospitality student. Ayon sa ama ng biktima na si Anthony, …

Read More »

EDSA Timog flyover southbound isasara

road closed

ISASARA nang isang buwan dahil sa isasagawang repair ng Department of Public Works and Highway (DPWH)  ang EDSA Timog flyover southbound. Inabisohan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista kaugnay ng pagsasara ng EDSA Timog flyover southbound simula 6:00 am sa 25 Hunyo 2022. Ang pagsasara ng naturang tulay ay upang bigyan daan ang isasagawang repair ng DPWH …

Read More »

DTI aprub sa hashtag #flexPHridays campaign

DTI #flexPHridays

WELCOME sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa lahat ng Filipino ang #flexPHridays campaign sa iba’t ibang produkto kabilang ang fashion, apparel, textiles, gift items, furniture, food and beverages, accessories, décor, houseware and fixtures, and technology. Ayon sa DTI, sa pamamagitan ng kampanyang ito, ay makatutulong sa pagdiskubre ng mga tatak at produktong online habang ang mga mamimili …

Read More »

Health protocols lumuwag
PH EMBASSY HINDI NA MAG-IISYU NG ‘REQUEST’ PARA SA VISA EXTENSION

DFA Thailand

HINDI na mag-iisyu ang Philippine Embassy sa Filipino community sa Thailand ng request letters na naka-address sa Thai Immigration Bureau. Partikular ang sulat para sa kahilingang extension ng Thai visa para sa mga Pinoy na naroroon. Sa ngayon ay maluwag ang Thailand sa health protocols at naghahanda na para sa pre-pandemic normal sa susunod na buwan. Magugunita sa kasagsagan ng …

Read More »

DFA sumaklolo sa mga Pinoy sa Malaysia

DFA Sabah Malaysia

SUMAKLOLO sa mga undocumented Filipino sa Sabah, Malaysia ang Philippine Embassy. Tinulungan ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur, Malaysia ang nasa 1,500 undocumented Filipinos sa Sabah. Partikular ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa palm oil plantations sa Tawau, Sabah. Ang naturang Pinoy workers ay hindi nagiging regular sa trabaho dahil sa kawalan ng pasaporte. Maging ang passport at birth certificate …

Read More »

Napagod sa trabaho
OBRERO, DRIVER, BASURERO, PINTOR NAG-CARA Y CRUZ ‘PAHINGA’ SA HOYO 

Cara y Cruz

HULI sa akto ang anim katao habang ‘naglilibang’ sa pagsusugal ng cara y cruz sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon City police chief Col. Albert Barot ang mga inarestong sina Benjiel Carillo, 28 anyos,  obrero; Edwardo De Leon, 42 anyos, jeepney driver; Gilbert Abrenosa, 33 anyos; Ruben Asidera, 40 anyos; …

Read More »

May bitbit na sumpak
KELOT KULONG SA KANKALOO

prison

SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki matapos mahulihan ng isang improvised shotgun (sumpak) sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Philip Cruz, 42 anyos, residente sa Lapu-Lapu Avenue, Brgy.12 ng nasabing lungsod na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal possession of firearms and ammunition). Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga …

Read More »