Tuesday , November 11 2025

Nation

Senado at Kongreso, pinabibitiw sa imbestigasyon
7 SA 10 PINOY, MAS TIWALA SA INDEPENDENT COMMISSION

ICI Independent Commission for Infrastructure

PITO sa bawat 10 Filipino ang gustong magpaubaya ang Senado at kongreso sa independent commission sa pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng nabunyag na multi-billion ‘guni-guni’ flood control projects. Sa isinagawang non-commissioned survey ng Bureau of Research and Youth Analysis Group, lumitaw na halos 68% ng mga respondents ay nakasuporta sa pagbuo ni Pangulong Marcos ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) …

Read More »

E-Governance Law na isinulong ni Cayetano, susi sa mas pinahusay na serbisyong publiko sa bansa

Alan Peter Cayetano E-Governance Law

INAASAHANG magkakaroon ng isang digital revolution ang Pilipinas sa pagsasabatas ng E-Governance Law (Republic Act No. 12254), isang panukalang isinulong ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano bilang susi tungo sa mas mahusay na serbisyong publiko. Sa isang pahayag, sinabi ni Cayetano na layunin ng bagong batas na hindi lang makahabol ang bansa kundi manguna sa e-governance sa digital age. …

Read More »

Hindi sa bakuran ng Kongreso! — Poe, Umalma vs illegal Online Gaming

Brian Poe PCSO CICC DICT PNP Digital Pinoys

Quezon City — Sumama si Congressman Brian Poe sa isinagawang operasyon kamakalawa ng gabi sa Batasan Hills laban sa ilegal na online at on-ground gambling na walang kaukulang lisensiya mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Pinangunahan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang operasyon, katuwang ang PCSO, Philippine National Police (PNP), at civil society group na Digital Pinoys. …

Read More »

Chairman Goitia: “Hindi Kailanman Maaaring Ipagbili ang Diwa ng isang pagiging Pilipino”

Goitia

ANO ang halaga ng isang bansa kung hindi nito kayang ipagtanggol ang sariling dangal? Ito ang mapanghamong  tanong na ibinato ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia habang buong puso niyang sinusuportahan ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang soberanya ng Pilipinas ay hindi kailanman maaaring  ipagpalit. “Makatotohanan ang  naging pahayag  ng Pangulo,” diretsong sinabi ni Goitia. “Ang …

Read More »

P1B komisyon sa guni-guni flood control projects, ibinigay kay Assistant DE Bryce Hermandez — SYMS Construction

Bryce Erickson Hernandez Sally Santos

ITINURO ng SYMS Construction si former Assistant District Engineer Bryce Erickson Hernandez na kanyang pinagbigyan ng P1 bilyong komisyon mula sa mga ghost projects na kanilang ginagawa sa lalawigan ng Bulacan. Sa Senate Blue Ribbon Committee hearing, tahasang itinuro ni Sally Santos ng SYMS Construction Trading, na ang katransaksiyon lamang niya sa mga ghost project ay sina Hernandez at ang …

Read More »

Jinggoy at Joel inilaglag ni Hernandez 

Brice Hernandez Jinggoy Estrada Joel Villanueva

I-FLEXni Jun Nardo SENADOR naman ang ibinisto sa kasalukuyang nagaganap sa committee hearing ng Congress kahapon. Nitong nakaraang araw, kongresista ang ibinuking ng mag-asawang Curlee at Sarah Dizcaya sa Senate hearing na ang may koneksiyon sa showbiz ay ang kongresistang sina Arjo Atayde at MP Vargas na kapatid ni Konsehal Afred Vargas. ‘Yung ibang idinawit na kongresista ay hindi konektado sa showbiz. Kahapon, namayani ang senador na sina Jinggoy Estrada at Joel …

Read More »

Lacson ‘ibinuking’ sosyohan sa kontrata ng ex-DPWH chief, usec., at Pampanga mayor

Ping Lacson Manuel Bonoan

ni NIÑO ACLAN LUMALABAS na bahagi ng negosyo ng pamilya na may malalaking kontrata sa Pampanga si nagbitiw na Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Martes. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Lacson na si Fatima Gay Bonoan-Dela Cruz, anak ni Bonoan, ang treasurer ng MBB Global Properties …

Read More »

Escudero ‘pinatalsik’ Sotto bagong  Senate President

Tito Sotto Chiz Escudero

SA KAINITAN ng nagaganap na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa malawakang korupsiyon kaugnay ng ‘ghost’ flood control projects, pumutok ang pagbabago ng liderato matapos paboran at suportahan ng 15 senador si Minority Leader Senator Vicente “Tito” Sotto III para muling pamunuan ang Senado. ‘Kudeta’ ang terminong ginamit sa ‘pagpapatalsik’ sa liderato ni Senador Francis “Chiz” Escudero, na kamakailan …

Read More »

Gustong maging ‘state witness’
DISCAYA COUPLE ‘KUMANTA’ SOLONS, STAFF, DPWH EXECS IDINAMAY

Sarah Discaya Curleem Discaya

ni NIÑO ACLAN IKINANTA ng mag-asawang Pacifico “Curlee” Discaya  at Cezarah Rowena “Sarah” Cruz Discaya angmga pangalan ng ilang kongresista, kanilang mga staff, at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa tinawag na malawakang korupsiyon sa mga flood control projects sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, 8 Setyembre 2025. Sa kanilang …

Read More »

7 menor de edad nasagip
Cayetano tiniyak tuloy-tuloy na paglaban vs child exploitation

Lani Cayetano Taguig Police

TINIYAK ni Taguig City  Mayor Lani Cayetano na walang humpay ang ginagawang paglaban sa child exploitation ng lungsod at nasa  50 biktima na ang kanilang nailigtas simula noong 2022. Ito ang naging pahayag ng alkalde kasunod ng kanilang pakikipagtulungan sa mga alagad ng batas upang masagip ang pitong  menor de edad sa isang entrapment operation laban sa trafficking in person …

Read More »

Sa jeepney modernization program
SUPORTA SA DRIVERS KULANG — REP. BRIAN POE

Brian Poe Llamanzares

QUEZON CITY — Iginiit ni Representative Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, Vice Chair ng House Committee on Appropriations, na kinakailangang dagdagan ang suporta ng gobyerno sa mga jeepney drivers na apektado ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program. Sa isang pagdinig sa Kongreso, binigyang-diin niya ang mataas na halaga ng mga bagong yunit ay nagpapahirap at nagbabaon sa …

Read More »

Chairman Goitia: Kabataan, Nagising na at Lalaban para sa West Philippine Sea

Goitia Kabataan Nagising na at Lalaban para sa West Philippine Sea

Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang tunay na sukatan ng tagumpay ng dokumentaryong ” Food Delivery: Fresh From the West Philippine Sea” ay hindi makikita sa bilang ng manonood o sa mga pormal na pagsusuri, kundi sa tapat at matinding emosyon ng mga nakapanood nito.  Sa  mga reaksiyon ng kabataan, nakita niya ang tunay na  pag-asa: Gising …

Read More »

Katotohanan kinatatakutan ng Tsina
West Philippine Sea, atin — Dr. Goitia

Jose Antonio Goitia Gilberto Teodoro

PARA kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang dokumentaryong “Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea” ay hindi lang basta pelikula. Isa itong salamin ng ating pakikibaka bilang mga Filipino. Ipinapakita nito ang ating mga ama na pumapalaot sa dagat, mga inang nag-iiwi ng pagkain sa hapag, at mga anak na umaasa sa kinabukasan ng bansang iiwan natin. …

Read More »

PNP pinaigting E911: Mas mabilis, mas malapit sa tao

PNP E911 Nicolas Torre III

BINIGYANG-DIIN ni PNP Chief Gen. Nicolas D. Torre III ang kahalagahan ng E911 system bilang tulay ng publiko sa agarang tulong ng pulisya. “Sa isang tawag lang sa 911, agad nang darating ang saklolo. Mas mabilis, mas maayos ang koordinasyon, at may pananagutan ang mga tumutugon,” ani Torre. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, muling pinalakas at inilipat ang E911 sa …

Read More »

Hotshots ng 20th Congress, nakipagsanib-puwersa sa UP para sa resilience at innovation

Congress Hotshots UP University of the Philippines

TINAGURIANG “Congress Hotshots” — sina Kinatawan Brian Poe (FPJ Panday Bayanihan Partylist), Javi Benitez (Negros Occidental), at Ryan Recto (Lipa City) — ay bumisita sa University of the Philippines (UP) upang palakasin ang pakikipagtulungan sa mahahalagang pambansang adyenda, kabilang ang climate resilience, artificial intelligence (AI), at creative industries. Inanyayahan ang tatlong mambabatas ni UP President Atty. Angelo “Jijil” Jimenez matapos …

Read More »

Torre pinanindigan balasahan sa hanay ng PNP top officials

Nicolas Torre III

ni ALMAR DANGUILAN PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Nicolas Torre III ang kaniyang  kautusan na nagpapatupad ng balasahan na kinabibilangan ng pagpalit sa No. 2 top honcho ng pulisya. Sa flag-raising ceremony sa Kampo Crame kahapon ng umaga, ipinakilala ni Torre ang kaniyang command group sa pangunguna ni P/LtGen. Bernard Banac bilang The Deputy Chief PNP for …

Read More »

Laban ni PBBM vs korupsiyon at palpak na flood control, laban din ng bawat Filipino

Jose Antonio Goitia Bongbong Marcos

“SA PANAHONG dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatuwiran ang palpak at substandard na trabaho at malawakang korupsiyon,” ani Chairman Emeritus, Dr. Jose Antonio Goitia, pinuno ng iba’t ibang makabansang organisasyon. “Kaya’t todo ang suporta ko kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa kanyang matapang at makatuwirang pag-inspeksiyon sa mga flood control projects sa iba’t …

Read More »

Online gambling tanggalin, magtuon sa ibang pinagkukunan ng buwis

Brian Poe Llamanzares

BINATIKOS ni Rep. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan ang maliit na ambag ng online gaming sa kabang-bayan — ₱60 bilyon o 0.23% ng GDP lamang noong 2024. Ang pagbatikos ay inungkat ni Rep. Poe sa isinagawang Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Mababang Kapulungan. Giit ni Poe, hindi dapat umasa ang gobyerno sa industriyang nagpapalaganap ng bisyo at nagdudulot …

Read More »

Salceda, isinusulong muling pagbuhay sa BRBDP, PNR South Long-Haul Project, SLEX Toll Road 5

Raymond Adrian Salceda Bicol

NAKIPAGPULONG kamakailan si Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda kay House Speaker Martin Romualdez at Majority Leader Sandro Marcos upang isulong ang tatlong malalaking proyekto na sadyang kailangan para sa pag-unlad ng buong Bicol. Kasama niya sa  naturang pulong ang iba pang mga mambabatas mula sa Bicol na tinatawag ang grupo nilang “Bicol Bloc.” Masugid na isinusulong ni Salceda …

Read More »

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

Goitia

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat na makabayan at pang-sibikong organisasyon, ang West Philippine Sea, ayon sa kanya, ay hindi lamang labanan ng mga barko at coast guard. Isa rin itong labanan ng mga naratibo, at sa digmaang ito ng mga salita, nagsasagawa ang Tsina ng agresibo at may pondong propaganda …

Read More »

NEA binatikos ng konsyumer vs pagkokompara sa ‘di-patas na singil

Laban Konsyumer Inc LKI Electricity

BINATIKOS ng grupong Laban Konsyumer Inc. (LKI) ang National Electrification Administration (NEA) dahil sa anila’y hindi makatarungang paghahambing nito sa mga singil ng mga electric cooperative (ECs) at ng Meralco, lalo sa gitna ng tinawag nilang hindi maayos na serbisyo mula sa ilang kooperatiba. Ayon sa LKI, bago pa man ihambing ng NEA ang mga ECs sa Meralco, kailangang tiyakin …

Read More »

90 electric coops mas mababa pa singil sa koryente kaysa Meralco — NEA

National Electrification Administration NEA

HATAW News Team NASA 90 electric cooperatives ang nakapagtatakda ng mas murang singil sa koryente kompara sa Manila Electric Company (Meralco), ang pinakamalaking power distributor sa bansa, ayon kay National Electrification Administration (NEA) Administrator Antonio Mariano Almeda. Sa panayam ng isang lokal na himpilan ng radyo kay Almeda sinabi nitong batay sa kanilang nakalap na datos, sa kabuuang 121 electric …

Read More »

Mga estrukturang nakabara sa waterways tukuyin — Tulfo

Erwin Tulfo DRT Bulacan 4

“ANG mga estrukturang nakabara sa waterways, isa sa mga sanhi ng matindi at paulit-ulit na pagbaha.” Pahayag ito ni Senador Erwin Tulfo nang hikayatin niyang magkaroon nang malawakang imbestigasyon ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ukol sa mga ‘di-awtorisadong estrukturang hadlang sa waterways at natural drainage systems sa buong bansa. Ang sentimiyentong ito ay kasunod ng pagpunta ni Tulfo sa …

Read More »

Pagtaas ng taripa, suspensiyon sa importasyon ng bigas suportado ni Pangilinan

Rice, Bigas

SINUSUPORTAHAN ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang pagtaas ng taripa ganoon din ang suspensiyon ng importasyon ng bigas, lalong-lalo na tuwing anihan. Tinukoy ni Pangilinan na ang anihan ng palay ay kasalukuyan nang nangyayari sa iba’t ibang bahagi ng bansa at ito ay magaganap hanggang sa Oktubre. Ayon kay Pangilinan, “halos araw-araw nakatatanggap tayo ng hinaing sa mga magpapalay. Minsan …

Read More »

DepEd pinaigting anti-bullying policy bilang proteksiyon sa mga mag-aaral

DepEd

NAIS ni Education Secretary Sonny Angara na tuluyang wakasan ang bullying o pang-aapi sa mga estudyante sa buong bansa kaugnay ng adhikain ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kaya naman nilagdaan ng Kalihim ang nirebisang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 10627 o mas kilala sa Anti-Bullying Act of 2013. “Ang eskuwela ay lugar ng pagkatuto, hindi …

Read More »