Thursday , June 4 2026
bagyo

‘Caloy’ nagbabantang pumasok sa PAR

NAGPAPAKITA ng mga senyales na nais pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ng Tropical Storm “Hagupit” sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Ayon sa PAGASA, oras na pumasok sa PAR ang tropical cyclone, tatawagin itong “Caloy.”

Namataan ang sentro ng Hagupit sa 1,995 kilometers east ng Northeastern Mindanao at nanatiling nasa labas ng PAR.

Taglay nito ang hangin na may lakas na 65 kph at pagbugso na 80 kph. Kumikilos ang Hagupit pa-westward sa bilis na 20 kph.

Maaaring lumakas pa ang Hagupit sa susunod na 48 oras at maaaring umabot sa high-end tropical storm category.

Pero maaaring humina ito dahil sa unfavorable environmental conditions at maaaring maging tropical depression sa Martes habang nasa Philippine Sea.

Ayon sa PAGASA, maliit ang tsansa na makaapekto ang tropical storm sa lagay ng panahon sa susunod na tatlong araw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …