Sunday , June 21 2026
PGMN Franco Mabanta NBI
INIHARAP sa mga mamamahayag kahapon Miyerkoles, 6 May 2026 ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang social media personality at Peanut Gallery Media Network (PGMN) founder na si Franco Mabanta at apat na iba pa dahil sa pagtatangkang mangikil ng P350 milyon kay Leyte Rep. at dating Speaker Martin Romualdez. Iginiit ng suspek na mayroon siyang mga video na nagsasangkot kay Romualdez sa flood control scandal at pinilit na magbayad ng P350 milyon o kung hindi ay ilalabas niya ang mga nasabing video sa pamamagitan ng Peanut Gallery Media Network, na kanyang itinatag. Inaresto ang suspek nang tanggapin ang P300 milyon marked money sa isang controlled operation na inilunsad ng NBI laban sa multi-milyong pagbabanta at pangingikil. (EJ DREW)

Video ng flood control scandal ilalantad
Vlogger timbog sa P300-M kotong vs Romualdez

SWAK sa entrapment operation ang social media personality, founder at CEO ng Peanut Gallery Media Network (PGMN) na si Franco Mabanta at apat na iba pa na isinagawa ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pangingikil ng P300 milyon mula kay dating House Speaker at kasalukuyang Leyte 1st District Representative Martin Romualdez nitong Martes ng gabi.

Bukod kay Mabanta, dinakip din ang iba pang opisyal ng PGMN na sina Ericson James D. Pacaba, John Alexander Vasquez Gomez, Jardine Christian Requio Serrano, at Franco Jose Gallardo na isasailalim sa inquest proceedings sa paglabag sa reklamong Robbery (Extortion), kaugnay sa Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Sa press conference nitong Miyerkoles, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na dinakip si Mabanta batay sa reklamong extortion kay Romualdez kapalit nito ang video na may kaugnayan sa flood control scandal.

Sinabi ni NBI Spokesperson Atty. Palmer Mallari, mahabang oras ang inabot ng operasyon dahil tumanggi si Mabanta na personal na makipagkita para sa ibibigay na P75-milyon bilang paunang bayad sa hinihinging P300-milyon, sa takot na makunan umano ng CCTV hanggang may ibinigay na ibang tao na siyang tatanggap ng pera.

Pagkatapos maibigay ng undercover agent ang pera sa isang taong inutusan ni Mabanta, hindi muna dinakip, bagkus ay pinabayaang dalhin ang pera.

Agad sinundan ang mga galaw ng taong tumanggap ng pera hanggang matunton na nagtungo sa isang unit ng hotel sa Pasig, at doon nadatnan ng mga operatiba si Mabanta, at narekober ang P70 milyon.

Ayon sa NBI, nagsimula pa noong isang taon ang pamba-blackmail kay Romualdez na ang unang demand ay P350-milyon hanggang maibaba sa P300-milyon at hahatiin sa apat na tranche o P75 milyon sa bawat paghahatid ng pera.

Nagtakda ng deadline si Mabanta na kung hindi magbibigay ay ilalabas ang unang bahagi ng video sa petsang 5 May, kaya isinagawa na ang entrapment sa nasabing petsa.

Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag, patuloy nilang iniimbestigahan ang mga social media accounts at telepono ng suspek upang makita kung sino-sino ang nasa likod ng pangingikil.

Hindi pa napapanood o nasusuri ang nilalaman ng video. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gibo Teodoro Atty Russel Miraflor

Sec. Gibo Teodoro, inasunto  sa citizenship

PORMAL na naghain ng reklamo ang isang grupo sa pamumuno ni Atty. Russel Miraflor laban …

North Genesis Bus

24  North Genesis bus pinatawan ng suspensiyon sa Baguio City road crash

PINATAWAN ng suspensiyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng 24 …

FPJ Panday Bayanihan nakibahagi sa Brigada Eskwela 2026 sa Bayambang, Pangasinan

FPJ Panday Bayanihan nakibahagi sa Brigada Eskwela 2026 sa Bayambang, Pangasinan

BAYAMBANG, Pangasinan — Nakibahagi ang mga lider at boluntaryo ng FPJ Panday Bayanihan Party-List sa …

Kolette Madelo

Kolette Madelo hindi nawawalan ng proyekto

MA at PAni Rommel Placente HINDI man siya ang pinalad maging Big Winner sa Pinoy Big …

Isko Moreno Limang suspek arestado sa pagbebenta ng expired na pagkain sa Quiapo

Limang suspek arestado sa pagbebenta ng expired na pagkain sa Quiapo

ARESTADO ang limang indibidwal na sangkot sa pagbebenta ng mga expired na pagkain sa Quiapo, …