ISANG insidente ng pagpatay na naganap nitong Mayo 5, 2026, bandang alas-8:00 ng gabi, sa loob ng isang bahay sa Block 109, St. Martha, Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan.
Ang biktima ay kinilalang si Liezel De Guzman y Loyola samantalang ang suspek ay kinilalang si John Paul Celestino y Buenaventura, 33 taong gulang, kapuwa residente ng St. Martha, Brgy. batia, Bocaue.
Napag-alaman na ang biktima at ang suspek ay magkapatid sa ina at matagal na silang may alitan sa isa’t-isa bago naganap ang krimen.
Ang nagsampa ng reklamo ay kinilalang si Rolando De Guzman y Santiago, 52 taong gulang, electrician, residente ng Lot 3 B110, St. Martha, Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan.
Kinilala ang saksi na si Harold Jagna y Loyola, 20 taong gulang, tricycle driver, residente ng B16 L41 Ph.2 AFP/PNP Housing, Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan.
Ang mga arresting officer na umaresto sa suspek ay sina Pat Byron B Merciales at Pat John Michael B Vingua, parehong patroller mula sa Bocaue MPS.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, matapos maghapunan ang biktima kasama ang kanyang pamilya sa loob ng kanilang bahay at dahil sa kawalan ng kuryente sa lugar, lumabas sila ng kanyang asawa para manigarilyo.
Ilang sandali pa, ipinaalam ng biktima sa kanyang asawa na bibisitahin niya ang kanyang kapatid sa parehong bloke na hindi kalayuan sa kanila, kaya’t umalis na siya.
Pagkatapos, napansin ng asawa na may komosyon mula sa lugar kung saan pumunta ang kanyang asawa at agad na nagmadaling pumunta sa lugar.
Pagdating doon, nakita niya ang kanyang asawa na nakahandusay sa sahig at tumutulo ang dugo mula sa iba’t ibang bahagi ng katawan, dahil sa hinihinalang maraming saksak habang ang suspek ay agad na tumakas.
Isinugod ang biktima sa Rogaciano M Mercado Memorial Hospital para sa agarang medikal na atensyon ngunit idineklara itong DOA bandang 8:50 PM ng attending physician na si Dr. Florante C Sabino.
Sa follow-up operation na pinangunahan ng Bocaue MPS COP PLtColonel Gilbert C Diaz kasama ang Bulacan PPO DPDO Leonardo N Madrid at PDEU Bulacan, nahuli ang suspek sa Barangay Sulucan, Bocaue, Bulacan.
Inihahanda na ang kaukulang reklamong kriminal para sa pagsasampa sa Tanggapan ng Panlalawigang Taga-usig sa Malolos, Bulacan. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com