
HATAW News Team
MULING naglunsad ngtatlong-araw na pambansang welga ang sektor ng transportasyon, epektibo ngayong araw, 21 Abril 2026, sa pamumuno ng MANIBELA bunsod ng nananatiling mataas na presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Ayon kay Manibela President Mar Valbuena, tatagal ang transport strike hanggang Huwebes, 23 Abril.
Aniya, ‘yan ay dahil hindi pa rin sapat ang ibinaba ng presyo ng petrolyo.
Gumagawa ng pinal na aksiyon ang mga lider ng organisasyon na inilunsad sa unang araw ng tigil-pasada.
“Sasalubungin sana namin ‘yung pagbaba ng presyo ng petrolyo kasi ‘di talaga sapat ‘yun e sa kuwentada namin nasa 70 plus na lang ang idinidikta no’ng nasa world market pero ‘yung sinasabi naming rollback bayad na rin ‘to doon sa naunang linggo, naunang buwan na tumaas ang presyo ng petrolyo,” paliwanag ni Valbuena.
Idinaing ng grupo ang pang-araw-araw na hamong kinakaharap ng mga tsuper ng mga pampasaherong jeepney, dahil mataas pa rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin, gaya ng pagkain.
Unang naglunsad ng nationwide transport strike ang MANIBELA, na nilahukan ng ibang transport groups at transport workers, mula 15-17 Abril, ngunit tinugon lamang ito ng libreng sakay ng pamahalaan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com