Thursday , June 4 2026
NBI Love Scam Parañaque
INIHARAP ng mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga naarestong suspek sa isang press briefing kahapon, Lunes, 20 Abril 2026, nang lansagin ng mga awtoridad ang isang tinukoy na ‘online scam hub’ na nag-o-operate sa loob ng condominium complex sa Parañaque City. Inihayag ng NBI na 48 indibiduwal, kabilang ang mga Filipino at dayuhang nasyonal, ang inaresto sa operasyon noong nakaraang Biyernes, 17 Abril na nagta-target sa pasilidad na “call center-type” na ginagamit para sa “love scam scheme” na kinasasangkutan ng mga pekeng online na sinabing kilala sa pandaraya at pamumuhunan ng cryptocurrency. (EJ DREW)

48 binitbit ng NBI sa ‘Love Scam’ hub sa Parañaque City

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 48 indibiduwal kabilang ang pitong dayuhan na sangkot sa ilegal na pagpapatakbo ng online “Love Scam”, “Pig Butchering”, at “Cryptocurrency Investment Fraud”, sa isang entrapment operation sa isang condominium sa Parañaque City, noong Biyernes, 17 Abril.

Lumilitaw sa ulat na sinalakay ng NBI-Special Action Unit (NBI-SAU) ang online scam hub, na mala-call center office ang set-up nang mapatunayan sa isinagawang validation ang ilegal na gawain, gamit ang Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD).

Natuklasan ng mga ahente ng NBI-SAU sa ilang condominium units ang maraming computer workstations, laptops, mobile phones, internet routers, at iba pang digital devices, na katulad ng set-up ng lehitimong call center.

Nakita sa mga pagsusuri sa computer units, ang mga preparadong scripts sa digital files—ang step by step na susundin ng scam agent sa pakikipag-usap at panghihimok sa potensiyal na mga biktima, para sa modus operandi.

Hinihikayat ang biktima na maglipat ng pondo sa pamamagitan ng iba’t ibang cryptocurrency wallets at pinapanatili ang ugnayan sa kanila upang patuloy na huthutan.

Isinalang sa inquest proceedings ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Section 4(b)(2) (Computer-Related Fraud) ng Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) at ng RA 12010 (AFASA Law). (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …