Tuesday , December 24 2024

Metro

Koleksiyon ng “BOSS” sa Taguig abot sa P4.38 B 

Taguig

KUMOLEKTA ang Taguig City ng aabot sa P4.38 bilyon sa kanilang Business One Stop Shop (BOSS) ngayong taon, mas malaki ito ng P1.17 bilyon sa kaparehong panahon noong 2022. Nagresulta ng pagtaas ng koleksiyon sa pagsunod sa kautusan ni Mayor Lani “Ate” Cayetano sa paglalatag ng bagong sistema na makatutulong sa mga  business owners na makapag-apply ng permits at makabayad …

Read More »

Kapitbahay nadamay
ELECTRICIAN ‘NAGUTAY’ SA GRANADA

explode grenade

DEDBOL ang 35-anyos electrician na hinihinalang nagpasabog ng granada at nadamay ang kaniyang mga kainuman, sa Makati City kamakalawa ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Makati (OSMAK) ang biktimang si John Al Javier, ng Block 348,  Lot. 9,  Leek St., Barangay  Pembo, Makati City. Nasa malubhang kondisyon sa ospital si Junnie Boy Duhay-Lungsod Dizon, 36, binata, ng …

Read More »

Mag-ina patay sa ‘misteryosong’ sunog sa QC

fire dead

PATAY ang mag-ina na tila nakulong sa nasusunog nilang kuwarto, sa insidente ng hinihinalang arson sa Quezon City kahapon. Tumanggi muna ang Bureau of Fire Protection (BFP) na pangalanan ang mga biktima, ang ina ay inilarawang nasa 40-anyos ang edad, habang 17 hanggang 18-anyos ang kanyang anak na babae, dahil wala pa umanong clearance ang pamilya. Batay sa ulat ng …

Read More »

Ex-con, balik-selda sa P7.1-M shabu

shabu drug arrest

BALIK-HOYO ang isang ex-convict na nahulihan ng mahigit sa P7.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Quezon City, Lunes ng gabi. Ang suspek ay kinilalang si Ian Torres, 37, konduktor ng bus, at residente sa Dominga St., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City. Si Torres ay itinuturing na Rank No. 2 District Drug Personality Priority Target …

Read More »

UTAK, ARESTADO NA
Ombudsman lady employee, pinatira ng kapwa empleyado

arrest, posas, fingerprints

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang mastermind sa pamamaril sa babaeng Ombudsman employee nang ‘ikinanta’ ng naarestong gunman nitong Lunes ng gabi sa Quezon City. Kinilala ni QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III ang inarestong si Dexter Cruz y Alambat, 45 anyos, empleyado rin ng Office of the Ombudsman, residente sa Block 14, Lot 7, Central Avenue, Brgy. …

Read More »

25k traditional jeepneys, tuloy sa pamamasada

jeepney

TULOY ang biyahe ng may 25,000 traditional jeepneys sa Metro Manila, base sa pasya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Lunes na palawigin pa ang kanilang prankisa. Ang desisyon na palawigin ang mga prankisa ay napagkasunduan sa pagpupulong ng mga opisyal ng LTFRB para maiwasan ang posibleng kakapusan ng mga jeepney sa National Capital Region (NCR). Ito …

Read More »

Rank 8 most wanted person ng Nueva Ecija, huli sa Vale

Arrest Posas Handcuff

NAGWAKAS ang pagtatago sa batas ng isang lalakingnakalistang rank no. 8 most wanted person (MWP) sa Central Luzon matapos malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City. Kinilala ni P/Cpt. Ronald Sanchez, hepe ng Valenzuela City Police Station Intelligence Section (SIS) ang naarestong akusadong si Celestino Collantes, Jr., 51 anyos, residente sa Diam St., Barangay Gen. T. De …

Read More »

Parokyano huli rin
2 BEBOT NA TULAK TIMBOG SA PARAK

shabu drug arrest

SWAK sa kulungan ang dalawang babaeng tulak ng ilegal na droga, kasama ang kanilang parokyano sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon City police chief P/Col. Amante Daro ang mga suspek na sina Imelda Ilagan, alyas Dang, 30 anyos; Jennifer Tolentino, alyas Jenny, 40 anyos; kapwa ng Brgy. 4, Caloocan City; …

Read More »

Nang-agaw ng baril sa estasyon,
KAWATAN TIGBAK SA PARAK

dead gun

NAPASLANG ng mga awtoridad ang naarestong hinihinalang kawatan na nanloob sa isang bakery, nang mang-agaw ng baril ng pulis habang isinasailalim sa booking procedure sa loob ng Holy Spirit Police Station (PS 14) ng Quezon City Police District (QCPD), Linggo ng umaga. Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Nicolas Torre III ang napatay na suspek na si Jose Lemery Palmares, Jr., …

Read More »

Nang-araro ng mga sasakyan
DRIVER NG SUV TATANGGALAN NG LISENSIYA

Drivers license card LTO

TATANGGALAN na ng lisensiya ang driver ng SUV na umararo ng 12 sasakyan na ikinasugat ng 13 katao noong 13 Enero 2023. Ito ang rekomendasyon ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng Land Transportation Office (LTO). Ayon kay LTO-IID officer-in-charge Renan Melitante, nagbigay na ng judicial affidavit si Dominador Braga, 54 anyos, at kanyang inamin na siya ang nagmamaneho ng …

Read More »

May-ari ng overloading na modern jeep, ipinatawag ng LTFRB

modern jeep

NAGLABAS ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa operator ng modern jeep matapos himatayin ang isang pasahero dahil sa sobrang siksikan. Una nang naging viral sa social media ang video ng pasaherong hinimatay sa modern jeep na sinasabing punung-puno ng mga pasahero habang bumibiyahe sa Marcos Highway, Pasig City. Ayon kay LTFRB Chairman …

Read More »

2 Australiana, ninakawan ng Nigerian sa QC condo

money thief

TINANGAY ng isang Nigerian ang US$39,000 ng dalawang Australiana na kaniyang katransaksiyon sa negosyo sa loob mismo ng kanilang condo unit sa Quezon City, Martes ng madaling araw. Kinilala ang mga biktimang sina Monica Amer Panchol, 41, businesswoman, at Doraka Yar Dau, 40, nurse, pawang Australian national at parehong nanunuluyan sa isang condominium sa Brgy. Sto. Cristo, Bago Bantay, Quezon …

Read More »

Sa takot sa asawa na malamang na-scam
GINANG NAGTANGKANG MAGPATIWAKAL

Scam fraud Money

NAGTANGKANG magpatiwakal ang 32-anyos na ginang sa pamamagitan nang pagtalon sa isang footbridge dahil umano sa takot nitong malaman ng kanyang asawa na nabiktima siya ng scam kamakalawa sa Paranaque City. Nasa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Emilyn Andaya, ng 49 Paraiso Street, Barangay Upper Bicutan, Taguig City, nagkaroon ng fracture ang dalawang  braso nito, kaliwang hita at tuhod. …

Read More »

Nag-aabutan ng shabu sa Vale
2 TULAK, HULI SA AKTO

shabu drug arrest

BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang mga suspek na sina Ferdinand Contreras, 38 anyos, ng C  Raze St. Brgy. Lingunan at Eric Magtalas, 47 anyos, residente  ng 7th St. Fortune 5, Brgy. …

Read More »

Drug group member, kasabwat nabingwit sa drug bust

marijuana

KULONG  na  ang dalawang tulak ng droga, kabilang ang isang miyembro ng “Zaragosa drug group” matapos makuhanan ng nasa 570 gramo ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa  ng gabi. Kinilala ni Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Jomari Casbadillo, 28 anyos, (pusher/listed) at Mark Joseph Nicandro alyas …

Read More »

Most wanted sa Vale
KELOT, HOYO SA KASONG STATUTORY RAPE

prison rape

HULI ang isang 18 anyos na kelot na listed bilang most wanted sa kasong statutory rape ang dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura ang suspek na si Johnny Vacual, residente ng #18 B. Ilang-Ilang St., Brgy. Marulas ng nasabing siyudad. Ayon kay …

Read More »

TIÑGA ARESTADO SA POLICE RAID SA TAGUIG
P95K halaga ng shabu at ilegal na armas kumpiskado

Arrest Posas Handcuff

MAHIGIT P95,000 na halaga ng shabu ang nasamsam kay Bernardo Tiñga, 56, na naaresto sa isinagawang operasyon ng Taguig City Police sa P. Mariano Street sa Barangay Ususan noong Biyernes, Enero 20. Nakuha rin kay Tiñga ang isang kalibre 45 na baril, isang basyo ng 45 cal. magazine, anim na bala ng kalibre 45, at iba pa. Ang isinagawang raid …

Read More »

Guro sa pamantasan, hinikayat mag-aral para sa kalidad ng edukasyon

teacher

HINIKAYAT ni Pasig City Councilor Connie Raymundo, Committee on Education chairperson ng lungsod, na muling mag-aral at pataasin ang kalidad ng edukasyon ng mga magtuturo sa mga kolehiyo at mga pamantasan. Bukod sa pagkakaroon ng master’s degree, dapat nagtataglay din ng doctor’s degree ang isang miyembro ng faculty. Ito ang pahayag ng Konsehala bilang suporta ng konseho sa pagpapataas ng …

Read More »

Wanted patay sa engkuwentro

dead gun

Patay ang  lalaking wanted sa kasong robbery nang manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa kaniya sa Quezon City, Martes ng madaling araw. Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Holy Spirit Police Station 14, bandang 2:48 ng madaling araw (January 24), nang maganap ang engkwentro sa No. 56 Diego Silang St., Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City. …

Read More »

‘Pulutan’ sa social media
EX-CIDG TOP HONCHO HINDI LANG NAPOLITIKA NASIBAK PA SA PUWESTO

PNP CIDG

ISANG mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang nabiktima ng masamang politika sa bansa ang pinag-uusapan ngayon sa social media nang sibakin sa kanyang puwesto kamakailan, ng isang mataas na opisyal ng kasalukuyang administrasyon. Kinilala ang masipag na opisyal ng PNP na si P/Brig. Gen. Ronald Oliver Lee, dating pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na …

Read More »

Exec huli sa P1.3-M shabu sa parcel

arrest, posas, fingerprints

ARESTADO ang isang babaeng marketing officer nang tanggapin ang isang parsela na naglalaman ng may P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakatago sa isang massager, sa ikinasang controlled delivery operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite, nabatid kahapon. Kinilala ang suspek na si Georgette Elio, 24 anyos, marketing officer, at residente sa Indiana St., North 1, San …

Read More »

Bangkay ng ika-2 batang nalunod sa creek lumutang

Lunod, Drown

LUMUTANG ang bangkayng 12-anyos batang lalaking nalunod, naunang napaulat na nawala sa creek ng Araneta Avenue, Quezon City, nitong Biyernes, 5 Enero. Sa report ng Quezon City Police District (QCPD), dakong 11:40 am, nitong 8 Enero, nang makita ng mga residente ang nakalutang na bangkay ng batang si Edgardo Abraham Reyes sa bahagi ng creek ng Araneta Ave., malapit sa …

Read More »

Wanted na karnaper sa Leyte, 7 pa naaresto ng QCPD

PNP QCPD

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brig. Gen. Nicolas D Torre III, ang pagkakadakip sa walong wanted persons sa bisa ng Warrants of Arrest, kabilang ang 23-anyos lalaki na may kasong carnapping sa Silago Municipal Police Station. Ang Rank 13 most wanted person ng Silago Municipal Police Station, Leyte, na si Vincent Tomol Palana, 23, ay may pending …

Read More »

2 notoryus na holdaper kinilala ng biktima

arrest prison

KULUNGAN ang binagsakan ng dalawang lalaki na nahuli at nadiskubreng miyembro ng isang criminal syndicate nang inguso ng babaeng hinoldap ng mga suspek, sa Makati City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Southern Police District P/Brig. Gen. Kirby John Kraft ang mga suspek na sina Michael Lutas, 25, at Willy Olivarez, 24. Sa isang video, itinuro ng biktimang si Lesley Ann, …

Read More »

Rank 6 MWP ng Navotas ‘nalambat’  sa Malabon

Arrest Posas Handcuff

NAARESTO ang isang lalaking nakatala bilang rank 6 most wanted person (MWP) sa Navotas City dahil sa kasong panggagahasa nang malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rommel Declaros, 24 anyos, residente sa Ugnatan St., Brgy. Concepcion, Malabon City. Sa report …

Read More »