Monday , March 16 2026

Local

Kotse tinambangan sa Negros Occidental 3 patay, 1 sugatan

dead gun police

TATLO ang patay habang isa ang sugatan nang tambangan ang isang kotse sa Brgy. Palampas, lungsod ng San Carlos, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Linggo ng umaga, 20 Pebrero. Kinilala ang mga napaslang na sina Andre Fajardo, 18 anyos; Russel Bucao, 40 anyos; at Rudy De La Fuente, 51 anyos; at ang nasugatang si Renante Chui, 27 anyos, dinala sa …

Read More »

Inatake sa puso
EX-VM NG MARIKINA PATAY SA ANTIPOLO

Dr Fabian Cadiz

HINDI umabot nang buhay sa pagamutan si dating Marikina vice mayor Dr. Fabian Cadiz matapos atakehin sa puso habang kumakain ng almusal sa isang kainan sa Boso-Boso, lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 20 Pebrero. Nabatid na nagbibisikleta sa lugar ang dating bise alkalde kasama ang isang kaibigan at tumigil sa isang kainan upang mag-almusal. Nagpaalam umano si …

Read More »

Huling nakita matapos magpabakuna
Caretaker sa Cebu natagpuang patay

Vaccine Dead

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang babaeng caretaker sa isang compound sa Brgy. Sabang, lungsod ng Danao, lalawigan ng Cebu, nitong Sabado ng umaga, 19 Pebrero. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Marivic Jabonelo, walang asawa, residente sa Bien Unido, lalawigan ng Bohol. Ayon sa imbestigador ng kasong si P/Cpl. Mark Anthony Manulat, huling nakitang buhay ang biktima noong …

Read More »

Kapitbahay kinursunada kelot timbog sa boga

gun ban

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos pagtangkaang patayin ang nakursunadahang kapitbahay habang dumaraan sa labas ng kanyang bahay sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 12 Pebrero. Sa ulat kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Alberto Legazpi, residente sa Brgy. Bulusukan, sa nabanggit na bayan, dinakip …

Read More »

Sa Mabalacat, Pampanga
DRUG MAINTAINER, 10 PAROKYANO TIKLO SA BITAG NG PULISYA

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang pinaniniwalaang talamak na drug den maintainer kabilang ang kanyang 10 parokyano sa inilunsad na entrapment operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Luzon at lokal na pulisya sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado ng tanghali, 12 Pebrero 2022. Isinagawa ang napagkasunduang buy bust operation sa South Daang Bakal, Brgy. Dau, …

Read More »

Pagbebenta ng rights niraket
HOA PRESIDENT SA MONTALBAN SWAK SA SUMPAK

Arrest Posas Handcuff

PERA na naging bato pa. Ito ang karanasan ng binansagang ‘lasenggong pangulo’ ng homeowners association na nahulihan ng baril matapos ireklamo sa madalas na panunutok tuwing nalalasing sa bayan ng Montalban (Rodriguez), lalawigan ng Rizal, nitong Sabado ng umaga, 12 Pebrero. Sa ulat na tinanggap ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kay Rodriguez MPS P/Lt. Col. Marcelino Pipo, …

Read More »

13 taon nagtago
PUGANTE NG MARIKINA NASABAT SA PANGASINAN

arrest posas

NASAKOTE sa bayan ng Sison, lalawigan ng Pangasinan ang isang murder suspect sa Marikina na nagtago ng 13 taon sa mga awtoridad, nitong Sabado ng gabi, 12 Pebrero. Sa ulat, kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina CPS, ang nadakip na suspek na si Leo Bassi, 51 anyos, may asawa, residente sa Brgy. Alibing, sa nabanggit na bayan. Sinalakay …

Read More »

6 siga sa Bulacan inihoyo

prison

ARESTADO ang anim na indibiduwal na sinasabing mga tigasin at may mga pagsuway na ginawa sa batas sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 6 Pebrero. Dinakip ang mga suspek sa iba’t ibang krimen ng naganap sa mga bayan ng Balagtas, Marilao, Sta.Maria, at lungsod ng Malolos. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel …

Read More »

Sa Bataan
UNVAXXED BAWAL LUMABAS NG BAHAY, BAWAL SA PUVs

Bataan

INAPROBAHAN ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan ang isang ordinansang naglilimita sa paggalaw ng mga indibiduwal na hindi bakunado laban sa CoVid-19. Nilagdaan ni Bataan Gov. Albert Garcia ang Provincial Ordinance No. 2 Series of 2022, na ipinagbabawal ang paglabas ng bahay at pagsakay sa mga pampublikong transportasyon ng mga hindi bakunado. Gayonman, exempted rito ang mga nangangailangan ng essential goods …

Read More »

P2-M shabu nasabat sa tulak ng Cavite, timbog sa Pampanga

shabu drug arrest

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang isang dayong tulak sa isinagawang anti-illegal drug bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Mexico, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 6 Pebrero. Nagkasa ang magkasanib na elemento ng RPDEU-3, SCU3-RID, at Mexico Municipal Police Station (MPS) ng anti-illegal drug bust operation sa Brgy. Lagundi, …

Read More »

3 DAYONG SHOPLIFTERS TIKLO SA TANAY, RIZAL
Kasabwat nakatakas

Arrest Posas Handcuff

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlo sa apat na hinihinalang mga shoplifter sa ikalawang pagkakataong isinagawa nila ang krimen sa isang grocery store nitong Linggo ng hapon, 6 Pebrero, sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal. Sa ulat na tinanggap ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay mula kay P/Lt. Col. Ruben Piquero, hepe ng Tanay MPS, kinilala ang …

Read More »

Panaderong manyak, 2 MWPs nasakote

Panaderong manyak, 2 MWPs nasakote Boy Palatino

ARESTADO ang tatlong most wanted persons ng lalawigan ng Laguna sa magkakahiwalay na operasyong ikinasa ng mga awtoridad nitong Martes, 8 Pebrero. Sa ulat na ibinigay ni Laguna PPO Provincial Director P/Col. Rogarth Campo kay CALABARZON Police Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, dinakip ang tatlong indibiduwal na nakatala bilang mga most wanted person sa isinagawang manhunt operation ng Laguna PNP. …

Read More »

Sa Bulacan
2 MENOR DE EDAD, 14 PA NAKALAWIT NG PULISYA

Bulacan Police PNP

SA KABILA ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols ng Bulacan PNP upang mapigil ang pagtaas ng bilang ng kaso ng CoVid-19, nadakip ang dalawang menor de edad, tatlong magnanakaw, dalawang drug suspects, at siyam na wanted persons hanggang Martes ng umaga, 8 Pebrero. Sa ulat kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, dinampot ang …

Read More »

Sa Tarlac
SANGGOL, 2 PA PATAY SA COVID-19

Covid-19 dead

TATLO ang iniulat na namatay kabilang ang isang bagong silang na sanggol dahil sa komplikasyong dulot ng CoVid-19 sa lalawigan ng Tarlac. Kinompirma ng pamahalaang panlalawigan ng Tarlac, isang araw pa lamang matapos iluwal ang babaeng sanggol nang bawian ito ng buhay sa bayan ng Concepcion. Samantala, residente ng bayan ng Capas ang 52-anyos lalaking namatay habang ang isa pang …

Read More »

Sa Atok, Benguet
TRUCK TINAMBANGAN, DRIVER TODAS SA BALA

road accident

BINAWIAN ng buhay ang isang truck driver nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek sa bayan ng Atok, lalawigan ng Benguet, nitong Martes ng umaga, 8 Pebrero. Kinilala ang biktimang si Crisanto Kiblasen, 27 anyos, residente sa Brgy. Sadsadan, bayan ng Bauko, Mountain Province. Ayon sa pulisya, bumibiyahe sina Kiblasen at kaniyang dalawang kasama sa national road sa kahabaan ng …

Read More »

Sa Samar
SK KAGAWAD DEDO SA BOGA

dead gun police

PATAY ang isang konsehal ng Sangguniang Kabataan (SK) sa lungsod ng Calbayog, lalawigan ng Samar, matapos barilin ng hindi kilalang suspek dakong 4:00 am, nitong Martes, 8 Pebrero. Kinilala ang biktimang si Gerald Casaljay, 25 anyos, residente sa P-6 Brgy. Migara sa nabanggit na lungsod, tinamaan ng bala ng baril sa kaniyang kaliwang dibdib at kanang pisngi. Samantala, nagawang makatakas …

Read More »

Siga ‘pag kargado ng alak kelot timbog sa ‘boga’

gun ban

ARESTADO ang isang lasing na lalaki matapos isumbong sa mga awtoridad kaugnay sa ginagawang pagwawala habang may hawak na baril sa harap ng kaniyang bahay sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 7 Pebrero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Willy Salazar ng Brgy. …

Read More »

Pekeng vaxx card ibinenta
BABAE TIMBOG SA BUKIDNON

Fake Covid-19 Vaccine card

ARESTADO ang isang babae matapos mahuling nagbebenta ng pekeng CoVid-19 vaccination cards sa bayan ng Manolo Fortich, lalawigan ng Bukidnon, nitong Biyernes, 5 Pebrero. Kinilala ni Bukidnon Police Provincial Office (BukPPO) spokesperson P/Capt. Jiselle Longakit ang suspek na si Sharlyn Abdul, 20 anyos, nahuli sa aktong nagbebenta ng dalawang pekeng vaccination cards sa halagang P700 sa mga undercover na pulis …

Read More »

Sa Carles, Iloilo
MUNISIPYO ‘NIRANSAK’

Carles Iloilo

NILOOBAN ng mga hinihinalang magnanakaw ang munispyo ng bayan ng Carles, sa lalawigan ng Iloilo. Ayon kay P/Lt. Johny Oro, deputy chief ng Carles Municipal Police Station, iniulat sa kanilang himpilan ng isang empleyado ng munisipyo ang insidente noong Sabado, 5 Pebrero. Base sa inisyal na imbestigasyon, nabatid ng pulisya na magkakahiwalay na pumasok ang mga hinihinalang magnanakaw sa Office …

Read More »

Pumalag sa checkpoint
ARMADONG RIDER, TODAS SA ENKUWENTRO

dead gun

BUMULAGTA ang isang lalaki matapos pumalag at magpaputok ng baril sa isang COMELEC checkpoint sa lalawigan ng Nueva Ecija. Sa ulat na nakalap mula sa pulisya sa Nueva Ecija, kinilala ang napaslang na suspek na si Aldrin Manalang, 33 anyos. Ayon sa mga awtoridad, pinahinto si Manalang sa checkpoint nang biglang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis. Dito …

Read More »

Sa SJDM City, Bulacan
MOST WANTED RAPIST, 2 KRIMINAL NASAKOTE

San Jose del Monte CSJDM Police

MAGKAKASUNOD na nasukol ng mga awtoridad ang tatlong lalaki, kabilang ang dalawang pinaghahanap sa kasong panggagahasa, sa ikinasang anti-criminality operation sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 5 Pebrero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang most wanted person ng lungsod kabilang ang dalawang pinaghahanap na …

Read More »

Lumabag sa Omnibus Election Code
PASAWAY NA GUN OWNER TIKLO

arrest prison

DERETSO sa kaloboso ang isang lalaki sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, matapos arestohin ng pulisya dahil sa pagwawala sa isang barangay habang may hawak na baril nitong Sabado, 5 Pebrero. Sa ulat mula kay P/Col. Rolando Gutierrez, hepe ng Marilao Municipal Police Station (MPS), napag-alamang nagresponde ang mga operatiba matapos makatanggap ng sumbong hinggil sa isang nagwawalang lalaki …

Read More »

Sa Bulacan
CHINESE NATIONAL ARESTADO SA KATOL AT INSECTICIDES

Arrest Posas Handcuff

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang Chinese national dahil sa pagbebenta ng mga produktong walang lisensiya o permiso sa mga kinauukulan sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, 4 Pebrero. Kumagat sa pain na inilatag ng mga tauhan ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek na kinilalang si Shi Yun Chung, 51 anyos, vendor, residente …

Read More »