Sunday , July 21 2024
dead gun

Pumalag sa checkpoint
ARMADONG RIDER, TODAS SA ENKUWENTRO

BUMULAGTA ang isang lalaki matapos pumalag at magpaputok ng baril sa isang COMELEC checkpoint sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa ulat na nakalap mula sa pulisya sa Nueva Ecija, kinilala ang napaslang na suspek na si Aldrin Manalang, 33 anyos.

Ayon sa mga awtoridad, pinahinto si Manalang sa checkpoint nang biglang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Dito napilitang gumanti ng putok ang mga nakaposteng pulis sa lugar at nasapol ang suspek na agad niyang ikinamatay.

Narekober ng mga operatiba mula sa suspek ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu at isang kalibre .38 paltik. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Collectors Con Year 2 Funkos The Block Atrium SM North EDSA

Collectors Assemble: Collectors Con Year 2 brings Exclusive Drops, Limited-editions and Supersized Funkos

Promising the ultimate collector’s adventure in the North, Collectors Con is back at The Block …

CPP PNP NPA

Miyembro ng CPP-NPA boluntaryong sumuko sa Bulacan police

ISANG miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang boluntaryong sumuko sa …

SSS Cellphone

SSS nagbabala sa miyembro at publiko sa mga pekeng alerto sa text

BINALAAN ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito at ang publiko na maging …

Arrest Posas Handcuff

  Kawatan sa coffee shop, timbog

DAHIL sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad ay kaagad naaresto ang isang lalaki na …

071824 Hataw Frontpage

Sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga
POGO ‘TORTURE DEN’ VIDEO FOOTAGES INILABAS SA PAGDINIG NG KAMARA

HABANG mainit ang galit ng mga mamamayan sa mga natuklasang ilegal na Philippine Offshore Gaming …