Friday , December 5 2025

Local

Misis nakuryente sa mikropono ng videoke, patay

Mic Singing

SA halip na kasiyahan ay kamatayan ang sinapit ng isang ginang matapos makuryente sa mikropono ng videoke habang siya ay kumakanta sa bayan ng Casiguran, lalawigan ng Aurora nitong Linggo, 5 Hunyo. Sa ulat ng Casiguran MPS, kinilala ang biktimang si Mary Jane Macahipay, residente ng Brgy. 1 Poblacion, sa nabanggit na bayan. Ayon sa salaysay ng asawa ng biktimang …

Read More »

Militar nakasagupa ng NPA sa Quezon

Militar nakasagupa ng NPA sa Quezon

MATAGUMPAY na lehitimong engkwentrong naganap sa pagitan ng mga kasundaluhan ng 1st Infantry Battalion ng Philippine Army sa pamumuno ni Lt. Col. Danilo Escandor, at teroristang grupong New People’s Army (NPA) na kabilang sa PLTN 2, YGM, KLG Narciso at Execom, SRMA 4A sa pamumuno ni Janice Javier alyas Yayo/Tax at Noel Madregalejos alyas Luis sa Sitio Anibongan, Brgy. Magsikap, …

Read More »

Sa San Pedro, Laguna,
2 TULAK TIKLO SA BUY BUST

Boy Palatino Sa San Pedro, Laguna 2 TULAK TIKLO SA BUY BUST

DINAKIP ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang mga tulak sa ikinasang drug buy bust operation nitong Sabado, 4 Hunyo, sa lungsod ng San Pedro, lalawigan ng Laguna. Kinilala ni P/Col. Cecilio Ison, Jr., ang mga suspek na sina Enrique Gabuyo, Jr., alyas Kid, 58 anyos, may asawa, construction worker, at residente sa Brgy. Magsaysay; at Erwin Sambrano, 39 anyos, may …

Read More »

Ibinebenta sa Cagayan de Oro
4 LALAKI ARESTADO SA P15-M PEKENG BARA NG GINTO

Gold Bars

NASAKOTE ang apat na lalaking nagbebenta ng pekeng gold bars sa ikinasang entrapment operation sa Capistrano Complex, Brgy. Gusa, lungsod ng Cagayan de Oro, nitong Sabado, 4 Hunyo. Kinilala ng Cagayan de Oro CPS ang mga suspek na sina Rey Naranjo, 58 anyos; Junalie Licawan, 58 anyos; Jerson Liquinan, 28 anyos; at Jimwel Homonlay, 33 anyos. Nabatid na mayroong isang …

Read More »

Sa Bulacan
34 SUGAROL, 6 TULAK, 3 PASASWAY NALAMBAT

Bulacan Police PNP

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ng mga awtoridad ang 34 sugarol, 10 drug traffickers, at tatlo kataong pawang may paglabag sa batas sa patuloy na kampanya ng pulisya laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 4 Hunyo. Iniulat ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang anim na personalidad sa droga sa ikinasang sa buy bust …

Read More »

Sa Angeles, Pampanga
BEBOT NA NOTORYUS DRUG PEDDLER TIMBOG

shabu drug arrest

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang babaeng nakatala bilang high value individual (HVI) at pinaniniwalaang talamak na tulak ng ilegal na droga sa isinagawang anti-illegal drug operation sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes ng gabi, 3 Hunyo.    Sa ulat ni P/Col. Diosdado Fabian, acting city director ng Angeles CPS, nagkasa ng buy bust operation ang mga elemento …

Read More »

 2 Bulakeño todas sa alon ng Bataan

Lunod, Drown

IMBES tanggal-stress, buhay ng dalawang Bulakenyo ang ‘nilamon’ ng alon habang naliligo sa beach resort sa bayan ng Morong, lalawigan ng Bataan, nitong Miyerkoles, 1 Hunyo. Sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni P/Col. Rommel Velasco, provincial director ng Bataan PPO, kinilala ang mga biktimang sina Jorge Pangilinan, 59 anyos; at kanyang driver na si Ricky Geronimo, 49 anyos, kapwa …

Read More »

‘Estafa King’ ng Pasig timbog sa CamSur

arrest prison

NASUKOL ng magkasanib na operatiba ng Pasig PNP at CamSur PNP ang 42-anyos wanted sa kasong syndicated estafa sa Sitio Caburas, Mambulo Nuevo, sa bayan ng Libmanan, lalawigan ng Camarines Sur, nitong Miyerkoles, 1 Hunyo. Kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig PNP, ang suspek na si Arnold Alzate, Jr., 42 anyos, pinaniniwalaang miyembro ng Enduma Brothers Investment Scam …

Read More »

Sa Biñan, Laguna
2 SUSPEK SA HOLDAP ARESTADO

arrest, posas, fingerprints

NASUKOL sa isinagawang hot pursuit operation ang dalawang suspek na sangkot sa insidente ng robbery hold-up sa lungsod ng Biñan, lalawigan ng Laguna, nitong Huwebes, 2 Hunyo. Sa ulat ni P/Col. Cecilio Ison, Jr., Acting Provincial Director ng Laguna PPO kay P/BGen. Antonio Yarra, Regional Director ng PRO4A PNP, kinilala ang mga suspek na sina Kenkhannamel Bati, 27 anyos, walang …

Read More »

Sa Dasmariñas, Cavite
2 OPISYAL NG CPP/NPA TIMBOG

Sa Dasmariñas, Cavite 2 OPISYAL NG CPP NPA TIMBOG

NASUKOL ng militar at pulisya ang dalawang pinaniniwalaang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa ikinasang joint operation sa lungsod ng Dasmariñas, sa lalawigan ng Cavite. Ayon kay P/BGen. Antonio Yarra, PRO4A PNP regional director, kinilala ang mga nadakip na sina Evangeline Rapanut, alyas Chat; at kasama niyang si Randy Tamayo, alyas Deng. Nahuli ang dalawa …

Read More »

Sa Sta. Cruz, Laguna,
2 NASA DRUG WATCHLIST ARESTADO

Sa Sta. Cruz, Laguna 2 NASA DRUG WATCHLIST ARESTADO

Nadakip ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Cruz, lalawigan ng Laguna, sa magkahiwalay na mga operasyon ang dalawang suspek na kabilang sa drug watchlist hanggang nitong Miyerkoles, 1 Hunyo. Iniulat ni P/Col. Cecilio Ison, Jr., Acting Provincial Director ng Laguna PPO kay P/BGen. Antonio Yarra, Regional Director ng PRO4A PNP, ang pagkakaaresto sa dalawang drug suspect sa nabanggit na …

Read More »

Kambal na kamalasan ang inabot
NAAKSIDENTENG RIDER TIMBOG SA BARIL AT GRANADA

road accident

ni Micka Bautista Inabot ng kambal na kamalasan ng isang rider na naaksidente muna sa motorsiklo bago nahulihan ng baril at granada sa kanyang belt bag sa bayan ng Sta.Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 31 Mayo. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, Bulacan PPO provincial director, kinilala ang nadakip na suspek na si Marthy Cunanan. Ayon sa ulat, …

Read More »

Sa Candaba, Pampanga
INA AT AMA PINATAY NG ANAK NA ADIK

gun dead

ni Micka Bautista NATAGPUAN ng mga residente ng Brgy, Mapaniqui, Candaba, Pampanga ang dalawang duguang bangkay – isa sa bakuran at isa sa terasa ng isang bahay –  nitong Lunes ng madaling araw, 30 Mayo. Rumesponde ang mga tauhan ng Candaba MPS nang humingi ng tulong ang mga kapitbahay ng mga biktima na nakakita sa mga bangkay na napag-alamang mag-asawa. …

Read More »

Sa Meycauayan, Bulacan
BAHAGI NG GUSALI GUMUHO, 3 PATAY

workers accident

ni Micka Bautista KINUMPIRMA ng mga awtoridad na binawian ng buhay ang tatlong trabahador nang gumuho ang ikalawang palapag ng ng isang gusaling nirerentahan bilang isang warehouse sa lungsod ng Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 31 Mayo. Kinilala ni P/Col. Charlie Cabradilla, Bulacan PPO provincial director, ang mga nasawi na sina Roel Preston, 38 anyos; Analyn Baldon, 35 …

Read More »

Droga 35 gramo, nasabat 3 ex-convicts, balik-selda

arrest, posas, fingerprints

BALIK sa kulungan ang tatlong dating persons deprived of liberty (PDL) nang masakote ng mga awtoridad sa ikinasang anti-drug operations sa bayan ng Taytay,  Rizal. Sa ulat ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay kay PRO4A Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, kinilala ang mga naarestong sina Michael James Bueno, alyas Barog, Mark Christian Natividad, alyas Bilog, at Ranny James …

Read More »

Kambal na pagsabog yumanig sa Basilan

explosion Explode

NIYANIG ng magkahiwalay na pagsabog ang parking area ng isang fastfood chain at isang bus terminal sa lungsod ng Isabela, lalawigan ng Basilan, nitong Lunes ng hapon, 30 May. Ayon kay P/Col. Jun Sittin, hepe ng Isabela CPS, naiulat ang unang pagsabog sa parking area ng isang fast food chain dakong 5:33 pm. Agad nabatid na faulty wiring ang dahilan …

Read More »

Alagang baka sinubukang paliguan
TOTOY SA PANGASINAN NALUNOD SA ILOG, PATAY

Lunod, Drown

BINAWIAN ng buhay ang isang 8-anyos batang lalaki nang malunod sa Ilog Agno, sa bayan ng Alcala, lalawigan ng Pangasinan, habang pinaliliguan ang kanilang alagang baka. Kinilala ang biktimang si Jozzel John Rigor, 8 anyos, grade 2 pupil, mula sa Brgy. San Vicente, sa nabanggit na bayan, kasama ang kanyang tatlong pinsan, ay nagdesisyong tulungan ang kanyang mga magulang sa …

Read More »

Kasapi ng KFR group,
4 CHINESE NATIONALS PATAY SA SHOOTOUT

dead gun police

PATAY ang apat Chinese nationals na hinihinalang mga miyembro ng kidnap-for-ransom group sa shootout laban sa mga pulis nitong Lunes ng gabi, 30 Mayo, sa lungsod ng Lapu-Lapu, lalawigan gn Cebu. Naganap ang insidente nang tangkaing iligtas ng mga pulis ang isang 70-anyos Chinese national sa loob ng isang ekslusibong subdivision sa Brgy. Bangkal, sa naturang lungsod. Ilalabas ng Anti-Kidnapping …

Read More »

Single mom, ginahasa, pinatay sa bigti ng dyowa

harassed hold hand rape

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang babaeng napag-alamang solo parent, pinaniniwalaang ginahasa at binigti sa loob ng kanyang sariling tahanan sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 29 Mayo. Sa ulat mula sa San Miguel MPS, kinilala ang biktimang si Regine Sebastian, 30 anyos, isang negosyante. Nakita nag biktima noong Linggo ng tanghali na tadtad ng pasa …

Read More »

Nahilo habang nagse-‘selfie
ESTUDYANTE NAILIGTAS NANG MAHULOG SA BANGIN

selfie groupie grandma falling

HIMALANG nakaligtas isang 18-anyos na estudyante nang mahulog sa 50-metrong lalim ng bangin habang nagse-‘selfie’ sa Balete Pass National Shrine, sa Brgy. Tactac, bayan ng Santa Fe, lalawigan ng Nueva Vizcaya nitong Linggo, 29 Mayo. Isa ang Balete Pass National Shrine sa mga makasaysayang lugar sa lalawigan na kilalang pinupuntahan ng mga lokal at mga banyagang turista. Tinatawag ding Dalton …

Read More »

Sa Mabalacat City, Pampanga…
MONTE DEN SINALAKAY, 4 NA ILIGALISTA TIKLO

arrest, posas, fingerprints

SINALAKAY ng mga awtoridad ang isang monte den sa lungsod ng  Mabalacat, sa lalawigan ng Pampanga na nagresulta sa pagkakadakip ng apat na kataong naaktuhan habang nagsusugal nitong Linggo, 29 Mayo. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng Mabalacat CPS kay P/Col. Alvin Consolacion, acting police director ng Pampanga PPO, nagsagawa ang mga elemento ng Mabalacat CPS …

Read More »

Nataranta sa tumirik na jeep babae tumalon, patay

jeepney

BINAWIAN ng buhay ang isang babaeng tumalon mula sa sinasakyang jeep nang nataranta dahil sa pagtirik nito sa daan sa bayan ng San Guillermo, lalawigan ng Isabela, nitong Linggo, 29 Mayo. Batay sa imbestigasyon ng San Guillermo MPS, kinilala ang biktimang si Josie Ordenas, 51 anyos, na namatay dahil sa pinsala sa kanyang ulo. Papunta sanang sentro ng bayan ang …

Read More »

Sa 1 linggong SACLEO sa Bulacan…
P.79-M DROGA NASAMSAM, 382 LAW VIOLATORS TIMBOG

Bulacan Police PNP

SA pagtatapos ng isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nakumpiska ang higit sa P797,000 halaga ng ilegal na droga habang nadakip ang 382 kataong lumabag sa batas hanggang nitong Linggo ng gabi, 29 Mayo. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, nakumpiska ang P797,764 halaga ng hinihinalang ilegal na droga …

Read More »