Friday , December 5 2025

Local

6 huli sa P1.46-M shabu sa Antipolo!

shabu drug arrest

HULI ang anim katao at nasamsam dito ang higit P1.4 milyon ng droga sa back to back operation sa lungsod ng Antipolo. Sa ulat ni P/Maj. Joel Costudio chief ng Provincial Intelligence Unit (PIU) kay Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala, ang mga nadakip na sina Jeffrey Esguerra, Anastacio Hementiza at Rodel Dizon kapwa mga high value target, …

Read More »

Ina, 2 anak patay sa salpukan ng tricycle at jeep

road accident

PATAY ang tatlong mag-iina sa naganap na salpukan ng tricycle at jeep sa San Miguel, Bulacan nitong Miyerkules ng hapon. Sa ulat mula sa San Miguel Municipal Police Station (MPS), napag-alamang naganap ang insidente sa Barangay Buliran sa bayan ng San Miguel pasado ala-1:00 ng hapon. Ayon kay Jonathan Maniquis, asawa ng biktimang si Monica at ama ng dalawang nasawing …

Read More »

Libu-libong LLN at Mother Leader, tumanggap ng subsidiya mula sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan

Galing Bulacan

UPANG higit na mapahusay ang mga serbisyo at mapataas ang kanilang moral, 4,166 na Mother Leaders (ML) at 636 na Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) ang nabigyan ng tig P3,200 at P4,000 na tulong salapi sa isinagawang dalawang araw na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na tinawag na ‘Distribution of Allowance to Mother Leaders and Lingkod Lingap sa Nayon’. …

Read More »

P.8-M shabu narekober
9 NA PUSAKAL NA TULAK SA SJDM CITY, SIYUT SA BALDE 

shabu

ISA-ISANG naaresto ng pulisya ang siyam na pusakal na tulak ng iligal na droga sa anti-illegal drug operation na isinagawa sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula kay Police Colonel Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, ang mga elemento ng PIU-PDEU Bulacan PPO, SOU3-PDEG, Bulacan 1st PMFC at San Jose del Monte CPS ay …

Read More »

Kawatan na miyembro ng criminal gang, patay sa engkuwentro

dead gun

ISANG armadong kawatan ang napatay matapos makipagbarilan sa pulisya sa engkuwentrong naganap sa Pulilan, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Police Colonel Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, dakong alas-11:00 ng gabi, ang mga tauhan ng Pulilan Municipal Police Station (MPS) ay rumisponde sa ulat na may nagaganap na insidente ng nakawan sa Brgy. Taal, Pulilan, Bulacan. Sinasabing …

Read More »

Sexagenarian, kinakasama arestado sa pagbebenta ng shabu

Sexagenarian, kinakasama arestado sa pagbebenta ng shabu

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado sa isang drug buy-bust operation sa Calamba City, Laguna ang isang sexagenarian at partner nito sa pagbebenta ng shabu. Kinilala ni Police Colonel Cecilio R Ison Jr ang mga suspek na sina Segunda G Capusi aka Dina, 60 y.o., walang trabaho, at naninirahan sa Brgy. Sampiruhan, Calamba City, Laguna; at Mark Joseph R Decena …

Read More »

Gob. Fernando nanawagan
BULAKENYO MAGPA-COVID-19 BOOSTER SHOT

DANIEL FERNANDO Bulacan

Nanawagan si Gobernador Daniel Fernando sa mga Bulakenyo na magpabakuna booster shot bilang karagdagang laban sa COVID-19 kasabay ng pagharap ng lalawigan sa tumataas na bilang ng mga positibong kaso. “Bagaman hindi pa gaanong kalala ang pagtaas ng kaso ng COVID dito sa ating lalawigan kumpara sa mga karatig nating lugar, nananawagan po ako sa ating mga kalalawigan na huwag …

Read More »

6 iba pa arestado sa Bulacan
MATINIK NA ESTAPADORA TIMBOG

Bulacan Police PNP

Nagwakas ang mahabang panahong pagtatago sa batas ng isang babaeng may kinakaharap na kasong estafa matapos madakip ng mga awtoridad sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 19 Hulyo. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nagsanib puwersa ang tracker team ng San Jose del Monte CPS, mga elemento …

Read More »

50 preso nabiyayaan
PRO4A OFFICERS LADIES CLUB OUTREACH PROGRAM, 

TUMANGGAP ng Covid-19 kits, food packs at hygiene kits ang 50 Person Under Police Custody (PUPC) buwanang Outreach Program ng PRO4A Officers Ladies Club (OLC) sa Angono Rizal. Mismong si Mrs. Josephine Yarra, may bahay ni PRO4A-Calabarzon Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, ang namuno sa programa kasama sina Mrs. Viola Ancheta, Internal Vice President at mga miyembro ng Rizal Officer …

Read More »

Sa magkahiwalat na buybust operation CONSTRUCTION WORKER, DISPATCHER TIKLO

Sa magkahiwalat na buybust operation CONSTRUCTION WORKER, DISPATCHER TIKLO Boy Palatino

Nasakote ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang magkahiwalay na buybust operation sa lungsod ng Sta. Rosa, lalawigan ng Laguna, nitong Sabado, 16 Hulyo. Sa ulat ni P/Col. Cecilio Ison, Jr., Acting Provincial Director ng Laguna PPO kay P/BGen. Antonio Yarra, Regional Director ng PRO4-A PNP, kinilala ang mga suspek na sina Simplicio Sales, …

Read More »

Sa San Juan, Batangas
SARI-SARING BARIL, PAMPASABOG NAKOMPISKA

Sa San Juan, Batangas SARI-SARING BARIL, PAMPASABOG NAKOMPISKA Boy Palatino

NASAMSAM ng mga awtoridad ang sari-saring mga baril at mga pampasabog sa isinagawang pagsisilbi ng search warrant sa Sitio Marecacawan, Brgy. Quipot, sa bayan ng San Juan, lalawigan ng Batangas nitong Sabado ng umaga, 16 Hulyo. Sa ulat ni P/Col. Glicerio Cansilao, Provincial Director ng Batangas PPO, kay P/BGen. Antonio Yarra, Regional Director ng PRO4-A PNP, ikinasa ang operasyon ng …

Read More »

Sa Boac camping site
LALAKI PATAY SA SAKSAK, NOBYANG TEENAGER GINAHASA NG HOLDAPER  

rape kidnap abuse

ISANG 21-anyos lalaki ang napaslang habang sugatan at ginahasa ang kaniyang 17-anyos nobya ng nanloob sa kanilang camping tent sa bayan ng Boac, lalawigan ng Marinduque, nitong Biyernes ng madaling araw, 15 Hulyo. Ayon sa ulat, naganap ang insidente pasado 1:00 am noong Biyernes sa Brgy. Ihatub, sa nabanggit na bayan. Sa salaysay ng 17-anyos biktima sa pulisya, pinasok ng …

Read More »

Sa ika-11 Sangguniang Panlalawigan pasinayang pagpupulong
FERNANDO, CASTRO TULUNGAN NG EHEKUTIBO AT LEHISLATIBO SINELYOHAN 

Daniel Fernando Alex Castro

KAPWA nangako sina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro na susuportahan ang programa ng isa’t isa bilang pinuno ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan sa ginanap na Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 Sangguniang Panlalawigan sa Bulwagang Senador Benigno Aquino, Sr., Session Hall sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Biyernes, 15 Hulyo. Nanawagan ang gobernador …

Read More »

Sa Bataan
DRUG DEN SINALAKAY 5 TULAK TIMBOG 

drugs pot session arrest

ARESTADO ang limang indibidwal na naabutan ng mga awtoridad sa loob ng isang barong-barong na pinaniniwalaang ginawang batakan ng droga sa Brgy. Balsik, sa bayan ng Hermosa, lalawigan ng Bataan, nitong Biyernes, 15 Hulyo. Sa ulat mula sa PDEA Bataan office, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Isaias Ronquillo, 46 anyos, residente sa Brgy. Balsic; Ma. Cristina Valencia, …

Read More »

Manyakis nasakote sa Oplan Pagtugis

prison rape

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang puganteng may kinahaharap na kasong tangkang panggagahasa sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ferdinand Germino, acting chief of police ng Malolos CPS, tumulak ang mga operatiba ng nasabing estasyon para sa isang manhunt operation sa bayan ng Alfonso, sa lalawigan ng Cavite upang isilbi ang bitbit …

Read More »

Ceb dagdag flight ilulunsad sa Agosto

Cebu Pacific plane CebPac

MAGLULUNSAD ang budget carrier Cebu Pacific (CEB) ng karagdagang flight frequency sa Iloilo at Tacloban na magmumula sa kanilang Cebu hub. Sa isang advisory, sinabi ng CEB management, dalawang karagdagang lingguhang flights — Cebu-Iloilo at Cebu-Tacloban flights — ang magsisimula sa 5 Agosto sa taong ito, dahil sa patuloy na pag-angat ng hubs ng airline sa labas ng Metro Manila. …

Read More »

Rank 2 Most Wanted sa CALABARZON
KASONG RAPE, ACTS OF LASCIVIOUSNESS AT CHILD ABUSE TIMBOG!

Rank 2 Most Wanted sa CALABARZON KASONG RAPE, ACTS OF LASCIVIOUSNESS AT CHILD ABUSE TIMBOG Boy Palatino

Arestado ang 40-anyos na suspek na kinilalang si Ronald Armillo y Dollente isang laborer, residente ng Brgy. Bibincahan, Sorsogon City, Sorsogon at tinaguriang Rank 2 most wanted ng CALABARZON dahil sa kasong panggagahasa, pang-aabuso, at acts of lasciviousness. Ayon sa ulat ni PCOL GLICERIO C CANSILAO, Provincial Director, Batangas PPO, kay PBGEN ANTONIO C YARRA, Regional Director, PRO CALABARZON isinali …

Read More »

3 babaeng durugista arestado sa buy bust operation

3 babaeng durugista arestado sa buy bust operation Boy Palatino

KAMPO Heneral Paciano Rizal — Iniulat ni Police Colonel Cecilio R Ison Jr, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office kay Police Brigadier General Antonio C Yarra, Regional Director 4A Calabarzon ang pagkakaaresto sa tatlong (3) drug suspect na nakalista sa drug watch list Street Level Individual (SLI) sa Calamba City, Laguna. Sa isinagawang buy bust operation ng mga …

Read More »

Puganteng rapist ng Nueva Ecija, nasakote sa Bulacan

prison rape

MATAPOS ang mahabang pagtatago ay naaresto ng mga awtoridad ang isang pugante mula sa Nueva Ecija sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Bulacan kamakalawa. Ayon kay Police Colonel Charlie Cabradilla, acting police director ng Bulacan police, naglatag ng manhunt operation ang mga operatiba ng Bulacan 1st PMFC at Jaen Municipal Police Station (MPS) laban sa pugante na nagtatago sa Brgy. …

Read More »

Sa Nueva Ecija
TOP 3 MOST WANTED PERSONS, ARESTADO SA ‘ONE TIME BIG TIME’

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

Sa paglulunsad ng ‘One Time Big Time’ ng Nueva Ecija Provincial Police Office (NEPPO) ay naaresto ng mga awtoridad ang tatlong ‘Most Wanted Persons’ sa lalawigan kamakalawa. Ayon kay Police Colonel Jess B. Mendez, acting provincial director ng NEPPO, ang mga elemento ng Carranglan Municipal Police Station (MPS) ay naglatag ng Manhunt Charlie Operation na nagresulta sa pagkaaresto ni Renato …

Read More »

Biyahero ng ‘bato’, nakalawit

shabu drug arrest

Nagawang maaresto ng pulisya ang isang pusakal na tulak ng iligal na droga sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Bulacan kamakalawa. Mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS) ang nagkasa ng buy-bust operation sa Brgy. Tigbe, Norzagaray, na nagresulta sa pagkaaresto ni Tirso Rebangus y Guevan alyas “Don-Don”, 41-anyos na residente ng Fatima V, San Jose del Monte City, …

Read More »

Groundbreaking ceremony para sa Female Barracks ng Laguna PPO

Groundbreaking ceremony para sa Female Barracks ng Laguna PPO

Kampo Heneral Paciano Rizal – Pinangunahan ngayong araw ni Acting, Provincial Director, P/Col. Cecilio Ison, Jr., kasama ang panauhing pandangal at tagapagsalita, Mayor Cesar Areza ng munisipyo ng Pagsanjan ang groundbreaking ceremony para sa pagpapabuti ng Female Barracks (Sandigan Hall) sa Kampo Heneral Paciano Rizal, Brgy. Bagumbayan, Sta. Cruz, Laguna, bilang tugon sa Intensified Cleanliness Policy ng PNP. Ang groundbreaking …

Read More »

Sa Rizal
212K DROGA BUKING SA PEKENG ID 

shabu

NABISTO dahil sa pekeng identification cards (IDs) ang dalawang drug suspects sa ikinasang Oplan Sita ng awtoridad sa Angono, Rizal. Kinilala ni PRO4A Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, ang dalawang naaresto na sina Prince Noblejaz, 22 anyos, at Rayven Ramirez, 24 anyos. kapwa residente sa Rodriguez St., Brgy., Sto. Niño, Angono. Dakong 8:10 pm nitong 9 Hulyo, nadakip ang dalawang …

Read More »

7 sugarol, manyakis, arestado

Bulacan Police PNP

HINDI nakaporma ang pitong sugarol, anim sa kanila ay babae, matapos maaktohan ng pulisya, kabilang ang isang manyakis sa magkakasunod na operasyon ng pulisya sa Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, inilatag ang anti-gambling operations ng mga operatiba ng Malolos City Police Station (CPS) na nagresulta sa pagkaaresto ng pitong pasaway …

Read More »