NADAKIP ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa lalawigan ng Camarines Sur ang isang 54-anyos lalaking itinuturing na Top 1 most wanted person (MWP) may nakasampang kasong Parricide. Kinilala ni P/BGen. Matthew Baccay, EPD director, ang naarestong suspek na si Alfonso Sto. Domingo, residente sa Katarungan St., Brgy. Caniogan, sa lungsod ng Pasig. Nabatid na dakong 1:00 pm …
Read More »
Sa Angeles City, Pampanga
DRUG DEN SINALAKAY NG PDEA, 7 TIMBOG
SINALAKAY ng mga operatiba mula sa PDEA Central Luzon ang isang pinaniniwalaang drug den, na ikinaaresto ng pito katao sa lungsod ng Angeles, sa lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes ng tanghali, 22 Oktubre. Nagresulta ang operasyon sa pagkakakompiska ng P102,000 halaga ng hinihinalang shabu kasunod ng ikinasang entrapment operation sa Brgy. Pandan, sa naturang lungsod. Kinilala ni PDEA 3 Director …
Read More »Kanang kamay ng gang leader tiklo, 4 pa nasakote
NADAKIP ng mga awtoridad ang tumatayong kanang-kamay ng lider ng Serrano Crime Group habang inaresto ang apat na iba pa dahil sa paglabag sa batas sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 23 Oktubre. Sa ulat kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang arestadong suspek na si Kart Vergara, residente ng Brgy. Tinejero, sa bayan …
Read More »231 bagong recruits sa PRO3 PNP nanumpa sa katungkulan
PINANGASIWAAN ni PRO3 PNP Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong kaanib ng Philippine National Police kasunod ng pagpapakilala ni P/Col. Joyce Patrick Sangalang, hepe ng Regional Personnel and Records Management Division, nitong Biyernes ng umaga, 22 Oktubre, sa PRO3 Grandstand, Camp Olivas, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga. Pupunuin ng 231 matatagumpay …
Read More »
Sa Pandi, Bulacan
AYUDA NG LAG KINOLEKTA NG ‘DI-REHISTRADONG KOOPERATIBA
INATASAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Magic 7 Cooperative na nakabase sa bayan ng Pandi, sa lalawigan ng Bulacan, na ibalik ang mga kinolektang pera na nagkakahalaga ng hanggang P10,000 sa bawat benepisaryo ng Livelihood Assistance Grant (LAG). Ang LAG ay ang P15,000-ayuda ng pamahalaan kada kalipikadong indibiduwal na naapektohan ang hanapbuhay dahil sa pandemyang dulot …
Read More »911 emergency call center, ilulunsad sa Bulacan
GAGANAPIN sa darating na Huwebes, 28 Oktubre, ang paglulunsad ng 911 Emergency Hotline sa Bulacan Capital Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, na layuning palakasin ang proyektong Bulacan Rescue na aalalay sa mga Bulakenyo sa panahon ng sakuna. Maaari nang itawag ang mga emergency kabilang ang medikal, (atake sa puso, stroke atbp.), aksidente, sunog, gumuhong gusali, at mga natural na sakuna …
Read More »Kalusugang pangkaisipan, gawing prayoridad — Robes
NANAWAGAN si San Jose Del Monte City Rep Florida “Rida” Robes na bigyang prayoridad ang kalusugang pangkaisipan sa gitna ng lumalaking bilang ng insidente ng depresyon at pagpapakamatay sanhi ng pandemyang dulot ng CoVid-19. Ginawa ni Robes ang panawagan sa ginanap na online forum ng Philippine Press Institute na may titulong “Nakakaloka, A Silent Pandemic: The Impact of Covid-19 on …
Read More »Mga empleyado ng Kapitolyo, PDLs sa Tanglaw sumailalim sa libreng TB screening, chest x-ray
SA LAYUNING mahanap ang mga may aktibong Tuberculosis (TB), maipalaganap ang kaalaman, at mabawasan ang diskriminasyon laban sa mga pasyente, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ng Definitely Free from TB: Screening and Chest X-ray para sa mga high-risk na kawani at mga nakapiit sa Bahay Tanglaw Pag-asa sa covered area ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) …
Read More »
Sa San Miguel, Bulacan
6K PANIKI NASABAT SA 4 LALAKI
INARESTO ng pulisya ang apat na lalaking nahulihan ng mahigit 6,000 wrinkle-lipped bats o paniki sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula sa San Miguel Municipal Police Station (MPS), nasakote sa Biak na Bato National Park (BNBNP) ang mga suspek na kinilalang sina Rolando Santiago, Reynante Gonzales, Rejie Mangahas, at Ronald Santiago. Nabatid na nakatakdang dalhin …
Read More »
Sa Negros Occidental
KABIBIYUDANG EMPLEYADO NG CITY HALL TODAS SA BOGA NG TANDEM
ISANG bagong biyudang empleyado ng city hall ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang suspek sa Brgy. Palampas, lungsod ng San Carlos, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Lunes, 18 Oktubre. Kinilala ang napaslang na biktimang si Maria Elena Peque, 40 anyos, residente sa Brgy. 2, sa nabanggit na lungsod. Ayon kay P/Lt. Ruby Aurita, deputy chief ng San Carlos …
Read More »
Sa Gapan City, Nueva Ecija
ATM SA MALL WINASAK, HIGIT P5-M NAKULIMBAT
NATANGAY ng mga magnanakaw ang higit P5 milyong halaga ng salapi matapos wasakin ang isang automated teller machine (ATM) na nasa sa loob ng isang mall sa lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 16 Oktubre. Ayon sa ulat, gumawa ang mga suspek ng malaking butas sa pader ng mall kung saan sila dumaan para marating ang ATM. …
Read More »
Sa Bacolod
11 ASONG SHIH TZU PATAY SA SUNOG
KASAMA ang 11 asong Shih Tzu sa natupok ng apoy nang makulong sa isang silid nang masunog ang isang tatlong-palapag na gusali sa Tindalo St., Brgy. Villamonte, sa lungsod ng Bacolod, nitong Huwebes, 14 Oktubre. Ayon kay Fire Chief Insp. Rodel Legaspi, city fire marshal, ilan sa mga aso ang nasa loob ng kanilang kulungan nang magsimula ang sunog pasado …
Read More »
Pansariling interes isantabi
SABONG BAWAL SA BULACAN
NAKIPAG-UGNAYAN ang mga miyembro at opisyal ng Samahan ng mga Sabungero sa Bulacan sa bagong itinalagang provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) na si P/Col. Manuel Lukban, Jr., matapos magtungo noong Miyerkoles, 13 Oktubre sa tanggapan ni Bulacan Governor Daniel Fernando upang ipabatid ang kanilang mga hinaing. Sa harap ni P/Col. Lukban, inilahad ng grupo ang kanilang buong …
Read More »Drug den sa Subic sinalakay ng PDEA 6 drug suspek nasakote
NADAKIP ang anim na drug suspects nang salakayin ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang drug den sa Purok 6, Dominic St., Brgy. Calapacuan, Subic, sa lalawigan ng Zambales, nitong Huwebes, 14 Oktubre. Inilatag ang entrapment operation ng mga anti-narcotic operatives ng PDEA Region III, CIDG Zambales, at Subic Municipal Police Station (MPS). Kinilala ni PDEA Central Luzon Regional Director Bryan …
Read More »
Entrapment operation ikinasa sa Pampanga
MALAYSIAN, 7 DRUG SUSPECTS TIMBOG
ARESTADO ang walong drug suspects kabilang ang isang Malaysian national na nakumpiskahan ng mga ahente ng PDEA Central Luzon ng P102,000 halaga ng hinihinalang shabu nitong nakaraang Huwebes, 14 Oktubre sa Brgy. Sto. Niño, Balibago, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni PDEA-3 Director Bryan Babang ang mga nadakip na sina Stephanie Emaas, alyas Tisay, 31 anyos; Jordan Dela …
Read More »P1.6-B shabu nakompiska sa 2 pushers sa Dasma Cavite
DINAKIP ang dalawang drug pusher makaraang makompiskahan ng P1.6 bilyong halaga ng shabu sa buy bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Dasmariñas City, Cavite, nitong Sabado. Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang naarestong sina Wilfredo Blanco, Jr., 37, at Megan Lemon Pedroro, 38, kapwa residente sa Kasiglahan Village, Montalban, Rizal. Ayon kay …
Read More »Ilegal na troso nasamsam sa Bulacan
NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mga ilegal na troso mula sa apat katao sa isinagawang anti-illegal logging operation sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng hapon, 13 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PPO, ang apat na suspek na sina Christian Lungalong, July Tamayo, Aldrin Jay Berin, at …
Read More »9 tulak, 2 pugante deretso sa hoyo (Sa 24-oras police ops sa Bulacan)
SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang siyam na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at dalawang pugante sa serye ng mga operasyong isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang Huwebes ng umaga, 14 Oktubre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, naaresto ang siyam na suspek sa droga sa buy bust operations na …
Read More »2 tulak sa Nueva Ecija todas sa buy bust ops (Pumalag, nanlaban)
TUMIMBUWANG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makipagbarilan sa pulisya sa ikinasang drug buy bust operation sa Brgy. San Roque, sa lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Martes, 12 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Alexie Desamito, hepe ng Gapan City Police Station (CPS), kinilala ang dalawang napaslang na suspek na sina Randy Boy …
Read More »Suspek sa rape-slay sa 16-anyos dalagita nasakote (Sa Pampanga)
NALUTAS ng pulisya ang kaso ng panggagahasa at pagpatay sa isang 16-anyos dalagita sa bayan ng Mexico, lalawigan ng Pampanga, nang maaresto ang pangunahing suspek sa krimen nitong Miyerkoles, 13 Oktubre. Batay sa ulat mula kay P/Col. Robin Sarmiento, acting provincial director ng Pampanga PPO, kinilala ang nadakip na suspek na si Edgar Torres, 36 anyos, residente sa Brgy. Tangle, …
Read More »6 suspek dedo sa enkuwentro (Gasolinahan tangkang holdapin)
PATAY ang anim na hinihinalang mga kawatan at pawang mga miyembro ng carnapping gang Nang tangaking pagnakawan ang isang gasolinahan at makipagbarilan sa mga awtoridad nitong Huwebes ng Miyerkules madaling araw, 14 Oktubre, sa Marcos Highway, Sitio Boso-Boso, Brgy. San Jose, Antipolo City, sa lalawigan ng Rizal. Nabatid na dakong 1:30 am kahapon nang tangkaing holdapin ng mga suspek, armado …
Read More »Cebu frat leader todas sa ambush
BINAWIAN ng buhay ang lider ng isang fraternity nang tambangan ng mga hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa Brgy. Calamba, lungsod ng Cebu, nitong Biyernes ng hapon, 8 Oktubre. Kinilala ang biktimang si Richard Buscaino, pangulo ng Alpha Kappa Rho (AKRHO) fraternity sa Central Visayas, na agad namatay sanhi ng apat na tama ng bala ng abril sa …
Read More »Mag-asawa patay, 5 pa sugatan (Dahil sa selos, granada pinasabog)
PATAY ang mag-asawa habang sugatan ang limang iba pa, nang sumabog ang isang granada sa Purok 8 Kubayan, Brgy. Casisang, sa lungsod ng Malaybalay, lalawigan ng Bukidnon, nitong Biyernes ng umaga, 8 Oktubre. Kinilala ni Malaybalay CPS officer-in-charge P/Lt. Col. Ritchie Salva ang mga biktimang sina Jojit Leona, 44 anyos, at kanyang asawang si Remalyn Leona, 35 anyos. Nagtatrabaho si …
Read More »Sigue Sigue Sputnik nasakote sa shabu (Nakaw na motorsiklo narekober)
INARESTO ng mga pulis na nagmamando ng checkpoint sa bayan ng Porac, lalawigan ng Pampanga, ang isang pinaniniwalaang notoryus na miyembro ng isang criminal gang nitong Huwebes, 7 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Robin Sarmiento, acting provincial director ng Pampanga PPO, dakong 9:00 pm, habang nagpagpapatrolya ang Mobile Patrol Team at Intelligence Unit ng Porac Municipal Police Station (MPS) …
Read More »Bagong Provincial Director ng Bulacan PNP, itinalaga
OPISYAL nang itinalaga ni Police Regional Office (PRO3) regional director P/BGen. Valeriano De Leon si P/Col. Manuel Lukban, Jr., bilang acting provincial director (APD) ng Bulacan Police Provincial Office, sa isang formal turnover rites sa Bulacan Provincial Headquarters sa Camp General Alejo S. Santos, lungsod ng Malolos, nitong Biyernes, 8 Oktubre. Hinalinhan ni P/Col. Lukban si dating Bulacan Police Provincial …
Read More »