Tuesday , December 6 2022
prison rape

2 rapists sa Bulacan  deretso sa rehas

NAGTULONG-TULONG ang mga awtoridad sa pag-aresto sa dalawang akusado sa kasong panggagahasa sa lalawigan ng Bulacan sa ikinasang manhunt operasyon nitong Lunes, 3 Oktubre.

Batay sa ulat mula sa San Miguel MPS, kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang suspek na si Jimboy Tolentino, 27 anyos, kasalukuyang nakatira sa  Brgy. Sibul, San Miguel, at nakatalang provincial most wanted person (MWP).

Inaresto si Tolentino sa inilatag na manhunt operation sa Brgy. Sibul, sa naturang bayan dakong 10:45 am ng mga tauhan ng San Miguel MPS bilang lead unit katuwang ang Bulacan 2nd PMFC, 301st MC RMFB 3, 24th SAC 2 SAB PNP SAF at Bulacan Provincial Investigation and Detection Management Unit (PIDMU).

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na walang itinakdang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kasunod nito, nasukol ang most wanted persons (MWPs) ng Balagtas MPS na kinilalang si Rolando Santos, ng Brgy. Pulong Gubat, naaresto sa Brgy. Wawa, Balagtas, dakong 11:05 am kamakalawa ng tracker team ng naturang estasyon katuwang ang mga elemento mula sa 301st MC RFMB 3.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa krimeng rape na walang itinakdang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Money Bagman

MWF hindi na bago – GMA
Makabayan tutol sa panukala

HINDI na bago ang pagbuo ng isang sovereign wealth fund kagaya ng Maharlika Wealth Fund …

High-rise housing projects BLISS

High-rise housing projects tugon sa kakapusan ng disenteng tirahan

IKINOKONSIDERA ng pamahalaan ang pagtatayo ng high-rise housing o matataas na yunit ng pabahay upang …

Sonny Angara Money Senate

Aprobado sa bicameral conference committee
P5.27-T NAT’L BUDGET RATIPIKADO SA SENADO
P10-B ng NTF-ELCAC, P150-M DepEd confidential funds ibinalik

RATIPIKADO na sa senado ang inaprobhang Bicameral Conference Committee report o ang P5.27 trilyon national …

120622 Hataw Frontpage

Pondo ng SSS, GSIS para sa Maharlika  ‘unconstitutional’ — retired SC justice

ni ROSE NOVENARIO UNCONSTITUTIONAL o labag sa Konstitusyon ang paggamit ng investible funds para sa …

dead gun police

Karinderya pinaulanan ng bala
2 PATAY, 2 SUGATAN

AGAD namatay ang dalawang lalaki habang sugatan ang dalawang iba pa nang paulanan sila ng …