Friday , December 5 2025

Local

3 sasakyan nagkarambola sa Isabela
KONSEHAL PATAY, ALKALDE SUGATAN

road traffic accident

PATAY ang isang konsehal habang sugatan ang alkalde at kanyang kasama sa insidente ng banggaan ng tatlong sasakyan nitong Sabado ng gabi, 24 Disyembre, sa bayan ng Quezon, lalawigan ng Isabela. Iniulat ng isang lokal na estasyon ng radyo na pumanaw si Candido Andumang, konsehal sa naturang bayan; habang sugatan si Quezon Mayor Jimmy Gamazon, Jr., at ang kanyang kasama. …

Read More »

Tupada sa araw ng Pasko 7 sabungero arestado

Sabong manok

NADAKIP ang pito katao matapos maaktohan ng mga awtoridad sa tupada sa Brgy. Gaya-Gaya, lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 25 Disyembre, mismong araw ng Pasko. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga suspek na sina Romulo Blanco; Victor Felicidario; Frodencio Austria; Alberto Serrano; Amadeo Merico; Oscar Barona, Jr.; at …

Read More »

Gusto ‘solb’ sa Pasko
11 DRUG USERS TIMBOG SA NOCHE BUENANG SHABU

Gusto ‘solb’ sa Pasko 11 DRUG USERS TIMBOG SA NOCHE BUENANG SHABU

ARESTADO ang 11 kalalakihan nang matiktikan ng mga awtoridad na babatak ng shabu upang salubungin ang Pasko sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Biyernes, 23 Disyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, dakong 10:00 pm nitong Biyernang nang ikinasa ang isang anti-illegal drugs operation ng mga tauhan ng …

Read More »

ALEE Rendering Facility, SLSJ Trucking Services namahagi ng biyaya

ALEE Rendering Facility, SLSJ Trucking Services namahagi ng biyaya

AABOT sa 400 katao ang nabiyayaan ng pamasko mula sa ALEE Rendering Facility at SLSJ Trucking Services sa pamamagitan ni Solomon “Ka Sol” Jover, kasama sina Emmanuel Guma Felix, Annie Villano, at Edna Bernardo na halos tradisyon na at taon-taon ang pamamahagi ng biyaya gaya ng bigas, groceries, at cash upang maging masaya at may mapagsaluhan sa araw ng Pasko …

Read More »

Sa Olongapo
CARETAKER NG LUPA NATAGPUANG PATAY

Dead body, feet

TINITINGNAN ng mga awtoridad ang posibleng foul play sa pagkamatay ng isang caretaker sa Brgy. Sta. Rita, lungsod ng Olongapo, nitong Lunes, 19 Disyembre. Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na mayroong mga sugat sa bandang kilikili ang biktimang kinilalang si Jonathan Hadley, 47 anyos, natagpuang wala nang buhay sa lupaing kanyang binabantayan. Ayon sa mga imbestigador, nakatanggap sila ng impormasyon …

Read More »

Sa PRO4-A year end thanksgiving competition
LAGUNA PPO NAKASUNGKIT NG PANALO

Boy Palatino photo Sa PRO4-A year end thanksgiving competition LAGUNA PPO NAKASUNGKIT NG PANALO

NAKAMIT ng Laguna PPO ang pangalawang puwesto sa parol competition at pangatlong puwesto sa showband competition sa ginanap na Year End Thanksgiving ng PRO CALABARZON noong Biyernes, 16 Disyembre, sa Bigkis-Lahi Event Center, Camp BGen. Vicente Lim, sa lungsod ng Calamba. Isinagawa ang Year End Thanksgiving sa pamumuno ni Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., may temang Paskuhan sa …

Read More »

P2-M halaga ng ari-arian natupok sa sunog sa Ifugao

fire sunog bombero

TINATAYANG aabot sa P2-milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na tumagal nang dalawang oras sa isang tindahan ng muwebeles at dalawang bahay sa bayan ng Lagawe, sa lalawigan ng Ifugao nitong Lunes ng gabi, 19 Disyembre. Nabatid na sumiklab ang apoy sa tindahan ng muwebles sa Brgy. Cudog dakong 11:00 pm na kalaunan ay kumalat sa mga katabing …

Read More »

Sa Bulacan
5 TULAK, 5 PUGANTE NAKALAWIT

Bulacan Police PNP

ISA-ISANG bumagsak sa kamay ng batas ang limang drug traffickers at limang pugante sa operasyong inilatag ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Martes, 20 Disyembre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, arestado ang limang personalidad na sinabing sangkot sa illegal na droga, sa buy-bust operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) …

Read More »

Limang drug traffickers at limang pugante, kinalawit

arrest prison

Isa-isang bumagsak sa kamay ng batas ang limang drug traffickers at limang pugante sa operasyong inilatag ng Bulacan PNP sa lalawigan hanggang kahapon, Disyembre 20. Ayon kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ang limang personalidad sa droga ay arestado sa buy-bust operations na ikinasa ng  Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga himpilan ng pulisya ng …

Read More »

Sa Angeles City…
MAG-LIVE-IN PARTNER ARESTADO SA PAGPATAY SA 18-ANYOS NA ESTUDYANTE

lovers syota posas arrest

Naaresto ng mga awtoridad ang mga pangunahing suspek sa pagpatay sa isang estudyante sa Angeles City sa Pampanga sa isinagawang follow-up operation isang araw matapos ang krimen nitong Disyembre 17. Napag-alamang ang wala ng buhay na katawan ni Juana Mae Maslang y Reymundo, 18-anyos, estudyante, na residente ng Jesus St, Purok 4, Brgy. Pulungbulu, Angeles City, ay natagpuan ng kanyang …

Read More »

  Lolo na miyembro ng NPA sumuko

npa arrest

SA hangaring makapiling ang pamilya sa Araw ng Pasko at dahil na rin sa katandaan, isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Bulacan kamakalawa. Kinilala ni PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BUL PPO), ang sumuko na si alyas  Ka Dan, 63-anyos na nagpakilalang siya ay dating …

Read More »

Baliwag sa Bulacan, isa nang lungsod

Baliuag Bulacan

Isa na ngayong lungsod ang Baliwag sa Bulacan-ikaapat sa lalawigan matapos ang Malolos, Meycauayan at San Jose del Monte. Ito ang ipinahayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado, na sinabing mayorya ng mga botante sa isinagawang plebisto ay niretipikahan o pinagtibay na ang munisipalidad ay  maging ganap na lungsod. Ang kabuuang bilang ng bumoto ay nasa 21.70% o 23, …

Read More »

Lumihis paglapag sa Batanes runway
EROPLANO NAPINSALA, SANGGOL, PASLIT, 2 PILOTO, 3 PA LIGTAS

plane Control Tower

LUMIHIS ang isang light aircraft, may sakay na limang pasahero kabilang ang isang sanggol at 2-anyos paslit, sa nag-iisang runway ng bayan ng Itvatan, lalawigan ng Batanes, nitong Miyerkoles ng umaga, 14 Disyembre. Lumapag ang maliit na eroplanong pag-aari ng Fliteline Airways, dakong 8:01 am nang mawalan ng kontrol sa kaliwang preno. Ang eroplano ay nasa pangangalaga nina Captain Adrian …

Read More »

Sa Sultan Kudarat
ANAK NG ALKALDE, EMPLEYADO TODAS PAMAMARIL

dead gun police

DALAWA katao ang namatay kabilang ang anak ng alkalde, habang sugatan ang dalawang iba pa sa insidente ng pamamaril sa bayan ng Lutayan, lalawigan ng Sultan Kudarat, nitong Martes ng gabi, 13 Disyembre. Kinilala ni P/Capt. Leonel Delasan, hepe ng Lutayan MPS, ang mga biktimang sina Datu Naga Mangudadatu, 30 anyos, anak ng alkalde ng Lutayan; at Dennis Hadji Daup, …

Read More »

2 wanted arestado sa Bulacan

arrest prison

MAGKASUNOD na nadakip ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan ang dalawang lalaking matagal nang pinaghahanap ng batas kaugnay sa mga kasong nakasampa laban sa kanila. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, naaresto ng mga operatiba ng Bulacan PPO ang suspek na kinilalang si Ronald Maranan, nakatala bilang regional most wanted person sa …

Read More »

 MWP, 8 iba pa naihoyo sa Bulacan

Bulacan Police PNP

SA patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad, nadakip ang siyam na indibidwal kabilang ang ang isang nakatalang most wanted sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 12 Disyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang tatlong suspek na sangkot sa ilegal na droga magkakahiwalay na anti-illegal drug operation na ikinasa ng …

Read More »

Sa Batangas
LALAKI NAG-AMOK MAG-UTOL NA TANOD PATAY SA SAKSAK

Stab saksak dead

PATAY ang dalawang barangay tanod na pinaniniwalaang magkapatid nang umawat sa isang lalaking naghahamok ngunit sila’y pinagsasaksak hanggang malubhang nasugatan sa Brgy. Bilogo, lungsod ng Batangas, nitong Linggo ng gabi, 11 Disyembre. Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktimang sina Ruben Torino, 52 anyos, at Robinson Torino, 50 anyos. Ayon sa ulat, sinubukang awatin ng mga biktima ang nagwawalang suspek …

Read More »

Sa San Mateo, Rizal
P255,000 DROGA NASAMSAM, TULAK TIMBOG

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang pinaniniwalaang tulak nang makompiskahan ng mga awtoridad ng 37.4 gramo ng hinihinalang shabu sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo ng gabi, 11 Disyembre. Sa ulat ni P/Lt. Michael Legaspi, Jr., team leader ng San Mateo Drug Enforcement Unit, nadakip sa ikinasang buy-bust operation ang suspek na kinilalang si Lauro Agapito, residente sa Brgy. …

Read More »

Sa 24-oras operasyon sa Laguna
14 SUSPEK ARESTADO VS BOOKIES

Jueteng bookies 1602

NADAKIP ang 14 kataong sangkot sa illegal numbers game o bookies sa ikinasang 24-oras operasyon ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Laguna nitong Linggo, 11 Disyembre. Sa ulat ni Laguna PPO Acting Provincial Director P/Col. Randy Glenn Silvio, kay CALABARZON PNP Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., inaresto ang 14 suspek sa magkakahiwalay na operasyong …

Read More »

Mag-ama tinodas
3 LASING NA SUSPEK TIKLO, 1 PA TINUTUGIS

Sta Maria Bulacan

SUNOD-SUNOD na nadakip ang tatlong lasing na magkakaibigan na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa isang lalaki at kanyang anak, habang pinaghahanap ang isa pa nilang kasama sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 11 Disyembre. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Christian Alucod, hepe ng Sta. Maria …

Read More »

Ilog tinawid habang lasing
LALAKI TODAS, KASAMA HINAHANAP

sea dagat

PATAY ang isang lalaki habang nawawala ang kanyang kasama at asawa nang tangayin at malunod sa ilog sa bayan ng Mangaldan, lalawigan ng Pangasinan, nitong Sabado, 10 Disyembre. Kinilala ng Pangasinan PPO ang mga biktimang si Romnick Macam, 29 anyos; at Rodrigo Bautista, 48 anyos, patuloy na nawawala, parehong mga residente sa Brgy. Macayug, sa naturang bayan. Ayon sa nakasaksing …

Read More »