NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang dayuhang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa ikinasang anti-illegal drug operation sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 21 Enero. Batay sa ulat ni P/Col. Juritz Rara, hepe ng Angeles CPO, nagsagawa ang mga operatiba ng Angeles City PS4 ng anti-illegal drug bust operation sa Brgy. Balibago na nagresulta sa pagkakadakip …
Read More »
Sa Tarlac
7 DOROBONG KILABOT NASAKOTE
NADAKIP ang pitong lalaking pinaniniwalaang mga kilabot na magnanakaw sa mga trucking services sa lalawigan ng Tarlac sa isinagawang follow-up operation ng pulisya sa lalawigan nitong Sabado, 21 Enero. Sa ulat na ipinadala kay PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen, nakatanggap ang Capas MPS ng ulat kaugnay sa insidente ng nakawang naganap sa Matias Trucking sa Brgy. Sto. Domingo 2nd, …
Read More »PDLs ng Sta. Maria, Bulacan inayudahan ni Mayor Omeng
NAKATANGGAP ng sulat si Mayor Omeng Ramos mula sa mga kababayang kasalukuyang nakapiit sa Sta. Maria Municipal Jail na humihingi ng tulong para sa ilang persons deprived of liberty (PDLs) na walang gaanong dumadalaw at walang naghahatid ng tulong tulad ng pangkain sa araw-araw. Agad itong tinugunan ni Mayor Omeng, kilalang may mabuting puso at kalooban sa pakikipagtulungan ng mga …
Read More »2 pulis na suspek sa pamamaslang sa lady merchant, timbog
NADAKIP ng mga ahente ng CIDG Nueva Ecija Field Unit ang dalawang police personnel na akusado sa pagdukot at pagpatay sa isang babaeng negosyante nitong Huwebes, 19 Enero, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija. Kinilala ni P/BGen. Romeo Caramat, Jr., ang mga naarestong sina P/SSg. June Marcelo Mallillin ng Palayan CPS at P/MSg. Rowen Reyes Martin ng Cabanatuan …
Read More »20 law violators sa Bulacan inihatid sa kulungan
SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ng mga awtoridad ang 20 kataong pawang may mga paglabas sa batas sa lalawigan ng BUlacan sa pagpapatuloy ng pinaigting na operasyon kontra kriminalidad nitong Miyerkoles, 18 Enero. Naunang nadakip ang pitong indibiduwal na sangkot sa ilegal na droga sa ikinasang buybust operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Balagtas, Marilao, at San Jose del Monte …
Read More »Bike Patrol inilunsad sa Bulacan
ISINAKTIBO ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang Bike Patrol na inilunsad sa Camp Gen. Alejo Santos, sa lungsod ng Malolos, nitong Miyerkoles ng umaga, 18 Enero. Pahayag ni P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang Bike Patrol ay proyekto na sama-samang pagtutulungan ng Bulacan PPO at Provincial Government of Bulacan. May kabuuang 80 police officers mula …
Read More »Bulacan tumanggap ng Top Performing ADAC Award
SA patuloy na laban upang makamit ang isang drug-free na lalawigan at sa pagiging isa sa mga high-functional na Anti-Drug Abuse Councils (ADACs), ginawaran ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng 2022 National Anti-Drug Abuse Council Performance Award ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa isinagawang Regional Awards for Top Performing Provincial, City and Municipal Anti-Drug Abuse Councils …
Read More »Pagpapakawala ng tubig sa mga dam sosolusyunan
NANAWAGAN si Gob. Daniel Fernando sa mga ahensiya na konektado sa pagpapakawala ng tubig mula sa mga dam ng Angat, Ipo, at Bustos sa isang pagpupulong kasama ang mga stakeholder ng dam na ginanap sa Christine’s Restaurant, Brgy. Dakila, sa lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan. Ito ay upang masusing pag-aralan ang kanilang mga protocol sa pagpapakawala ng tubig …
Read More »
POLICE OPERATIONS SA BULACAN PINAIGTING
14 tulak, 6 wanted nasakote
ARESTADO ang 14 na pinaniniwalaang drug dealers at anim na wanted persons sa patuloy na pinaigting na police operations sa lalawigang ng Bulacan hanggang Martes ng umaga, 17 Enero. Kinilala ang 14 na drug suspects na sina Robin Mar Dela Cruz, Ramil Dela Cruz, Jenielyn Dela Cruz, Reynaldo Dela Cruz, Rannie Dolaota, Benjo Leona, Caroline Dela Cruz, Mark Russell Matriano, …
Read More »Miss Teen Princess Republic Continent International 2022 Shantal Adrienne Espinosa at Sta. Maria, Bulacan Mayor Omeng Ramos
MALUGOD na tinanggap ni Sta. Maria, Bulacan Mayor Omeng Ramos ang kababayang si Miss Teen Princess Republic Continent International 2022 na si Shantal Adrienne Espinosa na nagwagi sa nasabing pageant mula sa 34 na official candidates mula sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas at maging sa ibang bansa. Ayon kay Mayor Ramos, tunay na dapat ipagmalaki ang husay at galing …
Read More »
Sa Bulacan
5 TULAK, 4 KARNAPER, 1 WANTED KALABOSO
Nadakip ng mga awtoridad hanggang nitong Lunes ng umaga, 16 Enero ang limang hinihinalang tulak, isang pinaghahanap ng batas, at apat na karnaper sa pinalakas pang kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, arestado ng mga tauhan ng Pandi at Bocae MPS ang anim na …
Read More »Pamilya ng 438 Rizal PNP promotees pinasalamatan
PINASALAMATAN ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay ang mga dumalong pamilya ng mga na-promote na pulils bilang pagsuporta sa kani-kanilang mga asawa, anak, at kapatid. Kasabay nito, pinaalalahanan ng opisyal na ang pagtaas ng ranggo ay kaakibat ang responsabilidad sa bayan at sakripisyo sa serbisyo. Nauna rito pinangunahan ni Baccay ang Simultaneous Oath-Taking at Donning at Pinning of …
Read More »Debris galing sa rocket ng China maaaring mahulog sa Cagayan
INALERTO ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at ng Municipal DRRM Council ng Santa Ana, Cagayan ang mga residente kaugnay sa mga debris mula sa rocket ng China na Long March 7A na maaaring mahulog sa dagat na sakop ng munisipalidad. Ayon kay Rueli Rapsing, PDRRMO officer-in-charge, ipinag-utos sa kanila ng National Disaster Risk Reduction and …
Read More »
Sa Aklan
‘DAMO’ DINALA SA ATI-ATIHAN 2 KELOT TIMBOG
DINAKIP ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na nabistong may dalang marijuana sa gitna ng pagdiriwang ng 2023 Ati-Atihan Festival sa bayan ng Kalibo, lalawigan ng Aklan, nitong Linggo, 15 Enero. Kinilala ng Kalibo police ang mga suspek na sina Glenn Reyes, 48 anyos, at Niño Dela Cruz, 33 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. Andagao, sa naturang bayan. Nabuko …
Read More »6 tulak, 1 MWP, 3 pa nalambat
SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 10 indibidwal sa magkakahiwalay na operasyong ikinasa ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 14 Enero. Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, dinakip ang anim na personalidad sa droga sa iba’t ibang buy-bust operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Balagtas, Baliwag, …
Read More »Pekeng yosi nasabat sa NE
NASAMSAM ng mga awtoridad ang kahon-kahong pekeng sigarilyo na handa na sanang ikalat sa iba’t ibang pamilihan ngunit nadakip ang isang indibidwal sa inilunsad na anti-criminality operations sa bayan ng Talavera, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado ng umaga, 14 Enero. Sa ulat mula kay P/Col. Richard Caballero, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, dakong 10:15 am kamakalawa, nagsagawa …
Read More »
Sa unang bahagi ng taong 2025
ABOT-KAYANG PRESYO, SAPAT NA TUBIG PARA SA 350,000 KABAHAYAN SA BULACAN
TINIYAK ng Luzon Clean Water Development Corp. (LCWDC), mabibigyan ng San Miguel Corporation ng malinis, sapat, at abot-kayang halaga ng tubig ang halos 350,000 kabahayan sa Bulacan sa unang bahagi ng taong 2025. Ito ay kapag natapos ang implementasyon ng Stage 3A Bulacan Bulk Water Supply Project (BBWSP) na sakop ang mga distrito ng Baliwag, Norzagaray, Hagonoy, Pandi, San …
Read More »
Sa Dasmariñas, Cavite
30 BAHAY NAABO SA ‘MISTERYOSONG’ SUNOG SA DASMA
TINUPOK ng apoy nitong Martes ng gabi, 10 Enero, ang hindi bababa sa 30 bahay sa sunog na naganap sa lungsod ng Dasmariñas, lalawigan ng Cavite. Ayon sa spot report ng CALABARZON police, nagsimula ang sunog dakong 6:10 am kamakalawa at natupok ang isang residential area sa Brgy. Paliparan Site 3. Sa ulat ng pulisya, biglang may narinig na malakas …
Read More »
SUV, motorsiklo nagsalpukan
5 BATANG SAKAY GRABENG NASUGATAN
SUGATAN ang limang menor de edad, dalawa sa kanila ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa pinsala sa kanilang mga ulo matapos mabangga ng isang sports utility vehicle (SUV) ang kanilang sinasakyang motorsiklo nitong Martes ng umaga, 10 Enero, sa bayan ng Cordon, lalawigan ng Isabela. Ayon sa pulisya, minamaneho ang motorsiklo ng isang 12-anyos batang lalaki habang angkas ang …
Read More »
Dahil sa pagbaha
ZAMBO AIRPORT ISINARA
ISINISI sa masamang lagay ng panahon, kaya ikinansela ang mga biyahe at pansamantalang isinara ang Zamboanga International Airport, sa lungsod ng Zamboanga nitong Miyerkoles, 11 Enero. Ani Jimmy Santos, manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sarado ang runway sa mga fixed-wing aircraft dahil sa pagbaha kaya kanselado ang mga commercial flights kahapon. Dagdag niya, inilipat ang mga …
Read More »18 pasaway inihoyo sa Bulacan
SUNOD-SUNOD na naaresto ang 18 indibidwal na pawang may mga paglabag sa batas sa walang humpay na police operations sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, 11 Enero. Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, unang inaresto ang pitong personalidad sa droga sa serye ng anti-illegal drug operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit …
Read More »Guro at driver tiklo sa swindling at estafa
Inaresto ng intelligence operatives ng Baliwag City Police Station (CPS) ang dalawang indibiduwal sa inilatag na entrapment operation sa Brgy.Bagong Nayon, Baliwag City, Bulacan kahapon, Enero 9. Ang dalawang arestado ay isinasangkot sa mga reklamong Swindling/Estafa, Robbery Extortion at Falsification of Public Documents. Ayon sa ulat mula kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang entrapment operation …
Read More »
Rapist sa Bulacan nakorner sa Pangasinan
3 WANTED, 6 TULAK NADAKMA
NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person (MWP) sa Central Luzon kabilang ang tatlong pinaghahanap ng batas at anim na hinihinalang tulak sa pinaigting na kampanya laban sa kriminilidad sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon ng umaga, 8 Enero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, natunton at nadakip …
Read More »
3 dam sa Bulacan nagpakawala ng tubig
3,096 APEKTADONG PAMILYA INILIKAS
DAHIL sa patuloy na pag-ulan, dala ng hanging Amihan, kinailangang magpakawala ng tubig mula sa tatlong dam sa lalawigan ng Bulacan kung kaya inilikas ang may kabuuang 3,096 residente patungo sa mga itinalagang evacuation center sa bawat komunidad na pinagkalooban ng family food packs mula sa pamahalaang panlalawigan. Sa pangunguna ng Bulacan Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na …
Read More »Flammable products sumabog 2 sugatan sa motorshop
SUGATAN ang dalawa katao matapos matamaan ng isang welder ang ilang flammable products ng kanyang welding machine tip na sanhi ng biglaang pagsabog sa loob ng KARRJ Motor Parts and Marketing, sa bayan ng Sudipen, lalawigan ng La Union, nitong Martes, 3 Enero. Kinilala ng La Union PPO ang mga sugatang sina Danilo Ortiz, 47 anyos; at Sanny Galduen, 48 …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com