Wednesday , April 16 2025

Local

Bulacan, SMC, pagtutugmain ang mga proyektong pangkaunlaran sa lalawigan

Daniel Fernando Ramon S Ang Bulacan SMC

UPANG talakayin ang mga kasalukuyan at panghinaharap na proyekto sa Bulacan, nakipagpulong si Gob. Daniel Fernando kay San Miguel Corporation (SMC) President at Chief Executive Officer Ramon S. Ang nitong Lunes, 5 Setyembre. Kabilang sa mga paksa na inihain sa hapag ang pagiging accessible ng itinatayong New Manila International Airport sa Bulakan, Bulacan sa mungkahing Bulacan Mega City sa mga …

Read More »

Makulay na pagdiriwang ng Singkaban Festival sa Bulacan nagsimula na

Daniel Fernando Maria Esperanza Christina Frasco Singkaban Festival Bulacan

MULING napuno ng sigla, kulay, at saya ang bakuran ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pagbalik ng normal na face-to-face na pagdiriwang ng Singkaban Festival 2022 nitong Huwebes, 8 Setyembre, dakong 8:00 ng umaga sa harap ng gusali ng Kapitolyo, sa lungsod ng Malolos, matapos ang dalawang taon na pagdaraos nito online. Pinangunahan ni Department of Tourism Secretary Maria Esperanza …

Read More »

Para matutong magbasa at magsulat
30-ANYOS AMA SA SARANGANI NAG-ENROL SA GRADE 1

Para matutong magbasa at magsulat 30-ANYOS AMA SA SARANGANI NAG-ENROL SA GRADE 1

NAANTIG ang netizens ng isang 30-anyos lalaki mula sa bayan ng Gian, sa lalawigan ng Sarangani, na nag-enrol sa Grade 1, sa parehong paaralan kung saan nag-aaral ang kanyang anak upang matutong magbasa at magsulat. Hanggang nitong Miyerkoles, 7 Setyembre, umabot sa 5.1 milyong views; 671,000 likes, at 17,100 comments ang video ni Rizalde Bisalona, na nakaupo sa loob ng …

Read More »

Sa Pakil, Laguna
PAGTUTOL SA AHUNAN PUMPED STORAGE HYDROPOWER PROJECT NAGLUWAL NG MANAPAK

Mamamayang Nagmamahal Sa Pakil MANAPAK

ISANG samahan na nabuo dahil sa pagtutol sa pagtatayo ng dam sa bayan ng Pakil ang nagkaroon ng libreng palengke. Ang Mamamayang Nagmamahal Sa Pakil (MANAPAK) kasama ang iba pang organisasyon ay nagsagawa ng Sunday Free Market sa Rizal Covered Court, Brgy. Taft, Pakil, Laguna nitong nakaraang 4 Setyembre 2022. Nagkaroon ng libreng pakain, libreng gupit, libreng mga damit at mga kagamitan …

Read More »

Sa one-time big time ops vs ilegal na sugal
1,162 SUSPEK TIMBOG SA CALABARZON

PNP PRO 4A Calabarzon Police

NASAKOTE ang may kabuuang 1,162 indibidwal sa buong rehiyon ng CALABARZON sa isinagawang One-Time Big Time (OTBT) Operations Against Illegal Gambling ng pulisya nitong Martes, 6 Setyemrbe. Nagkasa ang mga police unit ng PRO-A PNP ng 496 operasyon sa magdamag, na ikinahuli ng mga indibidwal na sangkot sa tupada, paglalaro ng cara y cruz, pusoy, tong-its, Lucky 9, mahjong, video …

Read More »

Panaderong rank No. 2 MWP ng Laguna arestado sa manhunt ops

Boy Palatino Panaderong rank No 2 MWP ng Laguna arestado sa manhunt ops

NASAKOTE ang pangalawang most wanted person sa Provincial Level sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Cruz, lalawigan ng Laguna, nitong Martes ng gabi, 6 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna PPO, ang suspek na si Edmar Bacaling, 26 anyos, panadero, at residente sa Brgy. Sto. Angel Central, sa nabanggit na bayan. …

Read More »

Sa one-time big time ops vs ilegal na sugal
130 SUGAROL SA BULACAN SWAK SA SELDA

Bulacan Police PNP

ARESTADO ang may kabuuang 130 indibidwal sa isinagawang one-time big time operation laban sa mga ilegal na sugalan ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 6 Setyembre. Sa ulat kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, isingawa ang serye ng mga anti-illegal gambling operations ng mga tauhan ng mga police stations at Provincial Mobile Force Company …

Read More »

Lolo patay, apo sugatan sa ambulansiya 

road accident

ISANG lolo ang binawian ng buhay, habang sugatan ang kanyang apong lalaki matapos mabangga ng ambulansiya ang sinasakyan nilang e-trike sa Hacienda Layagon Rd., Brgy. Lalagsan, sa bayan ng La Castellana, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Lunes, 5 Setyembre. Kinilala ang biktimang si Emeterio Ordas, 72 anyos, residente sa naturang barangay. Ayon kay P/MSgt. Polen Jabagat, traffic investigator ng La …

Read More »

PNP PRO3 hinangaan at pinuri ni Gov. Daniel

PNP PRO3 Bulacan Daniel Fernando

“LAGI nating isapuso ang sinumpaan nating tungkulin: ang maglingkod at magbigay ng proteksiyon.” Ito ang mensahe ni Gob. Daniel Fernando ng Bulacan, unang gobernador na naimbitahan bilang panauhing pandangal sa isinagawang Lingguhang Pagtataas ng Watawat kasama ang Philippine National Police-Police Regional Office sa pamumuno ni P/BGen. Cesar Pasiwen na ginanap sa PRO3 Parade Ground, Camp Julian Olivas, sa lungsod ng …

Read More »

5 tulak, 9 pa timbog sa Bulacan

Bulacan Police PNP

ARESTADO ang limang hinihinalang mga tulak kasama ang apat na pinaghahanap ng batas at limang huli sa aktong nagsusugal sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan, hanggang nitong Lunes ng umaga, 5 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang limang drug suspects sa serye ng …

Read More »

Karpinterong nasa PDEA watchlist nabitag

NADAKIP ang isang lalaking hinihinalang notoryus na tulak ng ilegal na droga at nasa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) watchlist sa isinagawang buybust operation sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 4 Setyembre. Kinilala ang suspek na si Jose Oliber Marcelo, 56 anyos, isang karpintero at residente ng Brgy. Malipampang, sa naturang bayan, na inaresto sa mga …

Read More »

2 BIG TIME TULAK TIKLO SA P7.9-M ‘DAMO’  
(5  pang drug suspect nakorner)

2 BIG TIME TULAK TIKLO SA P7.9-M ‘DAMO’

NASAMSAM ang tinatayang P9.7-milyong halaga ng sako-sakong dahon ng hinihinalang marijuana habang arestado ang dalawang pinaniniwalaang big time tulak at lima pang personalidad sa droga sa magkakasunod na drug sting na isinagawa ng Bulacan PNP sa lalawigan nitong Linggo, 4 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, nakumpiska ng mga operatiba ng Balagtas …

Read More »

Nabitiwan ng kapatid
BABY GIRL NAHULOG SA TRIKE, NASAGASAAN NG JEEPNEY PATAY 

dead baby

SA HINDI malamang dahilan, humulagpos sa kamay ng nakatatandang kapatid ang isang 12-buwang sanggol na babae saka nahulog sa sinasakyang tricycle at nasagasaan ng pampasaherong jeepney sa J. Sumulong Ave., Brgy. Bagumbayan, Teresa, Rizal, nitong Biyernes ng umaga, 2 Setyembre. Nabatid sa imbestigasyon ng Teresa MPS, dakong 10:30 am, tinatahak ng tricycle na minamaneho ng ama ng mga bata ang …

Read More »

3 tigasin dinakma sa Bulacan

Bulacan Police PNP

SUNOD-SUNOD na inaresto ang tatlong lalaking nagsisigasigaan sa lalawigan ng Bulacan sa isinagawang kampanya ng pulisya laban sa krimen nitong Sabado, 3 Setyembre. Unang nadakip ng mga tauhan ng Baliwag MPS ang suspek na kinilalang si Lafy Ditucalan, 33 anyos, residente sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan. Nabatid na nagpapatrolya ang mga tauhan ng Baliwag MPS sa Brgy. Pinagbarilan, sa naturang …

Read More »

Sa Zambale s
SUSPEK SA PAMAMASLANG NG 82-ANYOS LOLA TIMBOG

Arrest Posas Handcuff

NASUKOL ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Setyembre ang pangunahing suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa isang matandang babae sa bayan ng San Antonio, lalawigan ng Zambales.   Sa ulat mula kay P/Col. Fitz Macariola, provincial director ng Zambales PPO, kinilala ang suspek na si John Henrick Balendres, 19 anyos, nadakip sa pinagtataguan sa lungsod ng Olongapo. Pangunahing suspek si Balendres …

Read More »

Dredging sa waterways sa mga binabahang bayan sa Bulacan isinagawa

Daniel Fernando Bulacan Dredging

INATASAN ni Gob. Daniel Fernando ang Provincial Engineering Office na dagdagan ang pondo sa paghuhukay ng mga ilog at creek sa mga bahaing lugar sa Bulacan tulad ng bayan ng Hagonoy at lungsod ng Malolos. Sinuyo din ng gobernador ang mga pribadong kontraktor upang makahiram ng karagdagang backhoe at iba pang mga equipment upang mapabilis ang paghuhukay. Ani Fernando, ang …

Read More »

Bagong hepe ng Sta. Maria police itinalaga

Voltaire Rivera Christian Alucod Sta Maria Bulacan police

GINANAP nitong Huwebes, 1 Setyembre, ang isang programa para pormal na ipasa ng dating hepe na si P/Lt. Col. Voltaire Rivera ang katungkulan kay P/Lt. Col. Christian Alucod bilang Acting Chief of Police ng Sta. Maria MPS sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan. Nagpahatid ng pasasalamat si Mayor Omeng Ramos kasama sina Vice Mayor Eboy Juan at Municipal …

Read More »

ASF kontrolado sa Bulacan

Pig baboy

MATAPOS ipahayag ng mga opisyal ng Aurora ang pagpapatupad ng pork ban mula sa Bulacan, Pampanga at Tarlac, tiniyak ni Gob. Daniel Fernando sa mga Bulakenyo, lalo ang mga nag-aalaga ng baboy na kontrolado na ang kaso ng African Swine Flu (ASF) sa lalawigan. Naglabas ang mga opisyal ng lalawigan ng Aurora Province ng Executive Order No. 35 na nagpapatupad …

Read More »

Danao nakiramay at nagpugay sa napaslang na hepe ng pulis sa Ampatuan Maguindanao

Vicente Danao Reynaldo Samson Ampatuan Maguindanao

PERSONAL na nakiramay si Area Police Command Western Mindanao commander P/Lt. Gen. Vicente Danao, Jr., sa nauililang pamilya ng napaslang na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na si P/Lt. Reynaldo Samson, Chief of Police Ampatuan Maguindanao, na tinambangan ng armadong grupo nitong 30 Agosto 2022 sa Sitio Pasio, Brgy. Kapinpilan, Ampatuan, Maguindanao. Ayon kay Danao, magsisilbi ng warrant of …

Read More »

NEA ‘nagisa’ sa isyu ng BENECO

NEA BENECO

‘GINISA’ ni Senator Raffy Tulfo ang mga opisyal ng National Electrification Administration (NEA) nang mabatid na pinanghimasukan ang pamamahala sa Benguet Electric Cooperative (BENECO). Sinabi ng bagong Senador, rerebyuhin niya ang NEA Memorandum No. 2017-035, na ginagamit ng NEA para depensahan ang sinabing maanomalyang pagtatalaga kay Maria Paz Rafael bilang General Manager (GM) ng BENECO. “As far as I’m concerned, …

Read More »

Sa Lanao del Norte
101-ANYOS GABALDON SCHOOL BUILDING TINUPOK NG APOY

fire sunog bombero

NAGLIYAB hanggang tuluyang maabomula sa sumiklab na sunog nitong Miyerkoles ng madaling araw ang isang centennial school building sa bayan ng Lala, lalawigan ng Lanao del Norte, na tinatayang P19.7-milyong halaga ng ari-arian ang kasamang natupok. Ayon kay SFO2 Jessie Cabigon, pangunahing imbestigador ng Bureau of Fire Protection – Lala Fire Station, nagsimula ang sunog sa Lala Proper Integrated School …

Read More »

Sa Laguna
88 WANTED PERSONS TIKLO SA ONE-DAY POLICE OPS

Lagina PPO Police PNP

ARESTADO ang 88 indibidwal, pawang nakatala bilang wanted persons sa isinagawang Simultaneous Implementation of Warrant of Arrest sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Laguna, nitong Martes, 30 Agosto. Sa isinagawang Simultaneous Implementation of Warrant of Arrest ng iba’t ibang police stations sa Laguna, 34 arestado ay nakatalang most wanted persons sa Regional, Provincial at City/Municipal Level, kasalukuyang nasa kustodiya …

Read More »

 ‘One-time, big-time’ police ops ikinasa
5 MWP, 93 LAW OFFENDERS NADAGIT SA BULACAN 

Bulacan Police PNP

PINAGDADAMPOT ang limang most wanted persons at 93 indibidwal na pawang may paglabag sa batas, sa isang araw na One-Time Big-Time (OTBT) police operation ng Bulacan PPO na inilunsad nitong hatinggabi ng Martes, 30 Agosto. Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nagresulta ang operasyon sa pagsisilbi ng 117 warrants of arrest at pagpapatupad ng 779 …

Read More »