Wednesday , May 21 2025
sea dagat

2 Turkish nationals nasagip sa sumabog na yate

LUCENA CITY – Dalawang Turkish nationals ang nailigtas nang masunog at sumabog ang kanilang sinasakyang yate sa bayan ng Nasugbu, sa lalawigan ng Batangas nitong Biyernes, 16 Hunyo.

Sa ulat ng Batangas police nitong Sabado, 17 Hunyo, nabatid na sina Erdinc Turerer, 62 anyos, at Ergel Abdulla, 40, ay naglalayag sakay ng kanilang yate

nang hampasin ng malakas na alon sa lokasyon ng Limbones island sa Barangay Papaya dakong 3 am.

         Dahil sa walang tigil na pag-uga ng yate tumapon ang nakaimbak na gasolina sa engine room na agad ‘hinalikan’ ng apoy hanggang magkaroon ng pagsabog.

         Agad nakalundag palabas sa yate ang dalawang biktima bago tuluyang sumabog ang sasakyan, ayon sa pulisya.

Nasagip si Turerer ng mga mangingisda habang si Abdulla ay nailigtas ng isa pang mangingisda sa hiwalay na lokasyon.

Napinsala si Turerer ng first-degree burns sa hita at kanang braso habang si Abdulla ay walang kagalos-galos.

Dinala sa Jabez Medical Center sa Nasugbu at ngayon ay nasa mabuting kalagayan na.

         Sa ulat, sinabing ang dalawang marinero ay nagsimulang maglayag sa bayan ng San Isidro sa Leyte patungong Ilocos Norte.

Gayonman, hindi binanggit kung sina Turerer at Abdulla ay mga turista.

About hataw tabloid

Check Also

Molotov cocktail bomb

Kapilya ng INC tinangkang sunugin kelot arestado

ARESTADO ang isang 40-anyos construction worker matapos tangkaing sunugin ang isang kapilya ng Iglesia Ni …

Murder suspect arestado

Murder suspect arestado

ISANG lalaking murder suspect ang nasakote ng mga awtoridad sa ikinasang follow-up operation sa bayan …

Talisay Negros Occidental

Jeep tumaob sa Talisay, Negros Occidental 11 pasahero sugatan

SUGATAN ang 11 katao, kabilang ang limang menor de edad, nang tumaob ang sinasakyan nilang …

Gun poinnt

Kelot binaril ng armadong nakamotorsiklo todas

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isang armadong nakamotorsiklo sa Brgy. San Roque, Baliwag …

Candle

Apoy nagsimula sa kandila mag-utol na paslit patay, lolong magliligtas sugatan

HINDI nakaligtassa sunog ang magkapatid na kapwa menor de edad na natagpuang wala nang buhay …