Tuesday , October 8 2024
Piolo Pascual Mallari Derick Cabrido John Bryan Diamante

Piolo ayaw limitahan ang pagiging aktor sa proyektong may kinalaman sa relihiyon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TUNAY at magaling na aktor si Piolo Pascual kaya hindi niya nililimitahan ang sarili sa pagtanggap ng mga project may kinalaman man ito sa relihiyon niya o simbahan.

Sa media conference at ceremonial signing ng pelikulang Mallari na handog ng Mentorque Productions at pagbibidahan niya sinabi ng aktor na mataas ang respeto niya sa kanyang trabaho kaya hindi niya ito hinahayaang makaapekto sa kanyang relihiyon.

Ang Mallari ay inspired sa buhay ng serial killer na paring si Fr. Juan Severino Mallari noong 1840 na taga-Pampanga.

I have so much respect for my craft that I don’t tend to compromise because I know that this just a story, it’s just a film, it’s a story to tell, and you don’t leave it out,” katwiran ni Papa P.

Mahirap kasi kapag nag-compromise ka, mako-compromise ‘yung proyekto mo, mako-compromise ‘yung karakter,” sambit pa ng aktor.

Sinabi pa ni Piolo na iba ang kanyang professional at personal views kaya naman hindi niya ito pinagsasama o pinaghahalo.

Nalaman namin kay Mr John Bryan Diamante, presidente ng Mentorque Productions na hindi agad tinanggap ni Piolo ang project nang ialok sa kanya dahil sa schedule.

Sinabi naman ni Piolo na nagkataong nag-uusap-usap sila ng kanyang grupo ukol sa  isang pelikula na palabas sa Netflix, ang Dahmer. Isa ito sa  top ten best movie sa Netflix na ukol sa America’s most notorious serial killer. At dito’y nabanggit sa aktor ang ukol sa offer na Mallari.

Kaagad nag-google si Piolo ukol sa pari at nakuha ang kanyang interes. Kasunod niyon ay ipinadala na sa kanya ang script at lalong nagka-interes ang aktor lalo’t tatlong katauhan ang kanyang gagampanan.

Bagamat hindi madali ang karakter na gagampanan ni Piolo, nagandahan naman siya sa script kaya tinanggap na niya ang offer.

Sinabi pa ni Mr John Bryan na talagang hinintay nilang maging available si Piolo para sa kanilang pelikula.

“Wala kasi akong nakikitang ibang aktor na gaganap na Mallari. Para sa kanya talaga ito. Kahit naglista kami ng ibang magagaling na aktor, sa huli siya pa rin talaga ang napipili. Kaya malaki ang pasasalamat namin at tinanggap niya ito,” pagbabahagi ni Mr John Bryan.

Ukol pa rin sa compromise, tinanong daw ni Piolo ang kanilang Pastor tungkol sa mga compromise and limitation sa kanyang mga papel na gagampanan. At ang isinagot sa kanya, “A role is a role, you don’t have to believe in it, it’s just a story.”

Ang Mallari ay ididirehe ni Derick Cabrido,  at isasali ito sa Metro Manila Film Festival 2023.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney laging nakaalalay kay Vico, kasama sa pagpa-file ng COC 

I-FLEXni Jun Nardo ANG gandang tingnan nina Vic Sotto at Coney Reyes nang samahan ang anak na si Vico Sotto para …

Jesi Corcuera

Transman na dating sumali sa Starstruck buntis na

HATAWANni Ed de Leon TINGNAN ninyo, iyong transman na dating sumali sa StarStruck na babae at naging …

Elections

Politika showbiz na rin sa sandamakmak na artistang tatakbo

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG masyado na ngang showbiz ang politika sa ating bansa. Maging …

Pulang Araw

Pulang Araw tagilid, anyare? (produksiyon, kuwento maganda, artista sikat)

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT iyong kumakalat na tsismis na “on the red” na raw …

Mujigae Richard Quan a Alexa Ryrie Kim Ji-soo

Richard Quan, bilib sa co-stars na sina Alexa, Ryrie, at Kim Ji-soo sa pelikulang Mujigae

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio HINDI kami nakapunta sa press conference ng pelikulang Mujigae, kaya …