Thursday , December 26 2024

Local

Sa Sultan Kudarat
GURONG CARTOONIST PATAY SA TAMBANG 

110622 Hataw Frontpage

HINDI NAKALIGTAS sa kamatayanang isang guro matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Brgy. Pasandalan, bayan ng Lebak, lalawigan ng Sultan Kudarat, nitong Sabado ng gabi, 5 Nobyembre.                Kinilala ng pulisya ang biktimang si Benharl Kahil, 34 anyos, award-winning cartoonist, guro,  at coordinator ng special program in the arts ng Lebak Legislated National High School. Kilala si Kahil sa …

Read More »

Undas 2022 sa CALABARZON ‘generally peaceful’

cemetery

NAPANSIN ng PRO4-A (CALABARZON) ang pangkalahatang mapayapang paggunita ng Undas 2022 sa lahat ng lugar sa rehiyon, ayon sa mga ulat mula sa limang Police Provincial Offices. Batay sa monitoring na ginawa ng kanilang tanggapan, may kabuuang 326,923 pumunta sa 584 sementeryo at 44 columbarium sa rehiyon. Kapansin-pansing na walang naitalang marahas na insidente kaugnay ng Undas. Gayonman, nakompiska ng …

Read More »

Sa Cebu City
100 PAMILYA NAWALAN NG TIRAHAN SA SUNOG  

fire sunog bombero

UMABOT sa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa Brgy. Mambaling, sa lungsod ng Cebu, nitong Martes, mismong Araw ng mga Santo, 1 Nobyembre. Ayon kay Arson investigator Fire Office 3 (FO3) Emerson Arceo, tinatayang nasa P1.8 milyon ang halaga ng natupok na mga ari-arian sa sunog na naiulat na sumiklab dakong 9:58 pm at naapula …

Read More »

SINEliksik Bulacan Grand Champion – Best Program for Culture and the Arts

Alexis Castro Bulacan SINEliksik

TINANGGAP ni Vice Gov. Alexis Castro para sa Bulacan ang tropeo ng SINEliksik bilang Grand Champion para sa Best Program for Culture and the Arts na iginawad ng Association of Tourism Officers of the Philippines -Department of Tourism Pearl Awards 2022 na ginanap sa Taal Vista Hotel, Tagaytay noong Biyernes, 28 Oktbre. Kasama niya sina (mula kaliwa) Provincial History, Arts, …

Read More »

Wanted person nakalawit sa Oplan Pagtugis

San Jose del Monte CSJDM Police

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaghahanap ng batas dahil sa nakabinbing kaso sa hukuman sa kanyang pinagtataguan sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 1 Nobyembre. Kinilala ang suspek na si Jomar Marzan na nadakip ng mga operatiba ng CIDG Bulacan katuwang ang 1st PMFC, Bulacan PPO at San Jose del Monte CPS …

Read More »

2 suspek sa pang-aabuso tiklo

Bulacan Police PNP

KAHIT Undas ay hindi tumigil ang pulisya sa Bulacan sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga mamamayan gaya ng pagkakaaresto sa dalawang most wanted persons sa serye ng anti-criminality drive sa lalawigan nitong Martes, 1 Nobyembre . Sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operations …

Read More »

Bulacan, nagkamit ng Hall of Fame Award para sa local revenue generation

Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan local revenue generation

MULING kinilala ang tuloy-tuloy at katangi-tanging kahusayan ng Bulacan sa pagkolekta ng lokal na kita sa ilalim ng administrasyon ni Gob. Daniel Fernando sa paggawad ng Department of Finance – Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF) ng parangal na Hall of Fame para sa Local Revenue Generation sa ginanap na Awarding Ceremony sa Philippine International Convention Center, sa Pasay City, …

Read More »

Sa Cabanatuan, Nueva Ecija
TIRADOR NG MOTORSIKLO DEDO SA SHOOTOUT

dead gun

NAPATAY ang isang hinihinalang motornapper matapos makipagbarilan sa mga operatiba sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija nitong Lunes ng madaling araw, 31 Oktubre. Batay sa ulat na ipinadala kay PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ng Nueva Ecija PPO, kinilala ang napaslang na suspek na si Crisanto Reyes, sakay ng isang asul na motorsiklong Rusi na target ng …

Read More »

DPWH district office sa BARMM kinatigan 

BARMM DPWH

UMANI ng malaking suporta ang panukala ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na magbuo ng district office ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos ang napakalaking pinsala sa rehiyon dulot ng bagyong Paeng. Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman napakaraming daan at tulay ang napinsala sa pananalasa ng nakaraang bagyo, …

Read More »

Sa Sta. Maria, Bulacan
BANGKAY NG BINATANG NALUNOD SA ILOG NATAGPUAN NA

Lunod, Drown

MAKALIPAS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan ng mga awtoridad nitong Martes ng umaga, 1 Nobyembre, ang bangkay ng isang binatang nalunod sa ilog sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, noong Linggo ng hapon, 30 Oktubre. Ayon kay Konsehal Jess De Guzman ng Sta.Maria at siyang nanguna sa isinagawang search and retrieval operation, dakong 9:30 am kahapon nang …

Read More »

Sa Bulacan
LIDER NG ‘CRIMINAL GANG’ TIMBOG 

Arrest Posas Handcuff

NAARESTO ng mga awtoridad ang pinuno ng isang notoryus na ‘criminal gang’ sa isinagawang operasyon sa bayan ng Plaridel, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 31 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek na si Jannel Contreras, alyas Miyaw, 33 anyos, nadakip ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) sa drug buy-bust operation sa …

Read More »

Magnitude 6.7 lindol yumanig sa Abra

lindol earthquake phivolcs

MULING nilindol ang lalawigan ng Abra nitong Martes ng gabi, 25 Oktubre, may lakas na magnitude 6.7 kung saan naitala ang epicenter sa pitong kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Tineg. Ramdam ang pagyanig na may tectonic origin na naitala dakong 10:59 pm, may depth of focus na 28 kilometro. Ramdam ang Intensity V sa Sinait, Ilocos Sur; habang ramdam …

Read More »

BUWAN NG MGA KATUTUBO.

BUWAN NG MGA KATUTUBO

Ang pinuno ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism na si Dr. Eliseo S. Dela Cruz, kasama ang mga katutubong komunidad sa Sitio Manalo, Brgy. San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan sa idinaos na Taunang Araw ng mga Katutubong Dumagat na may temang “Pagsasakatuparan ng mga Katutubong Karapatan at Kapakanan Batay sa Kanilang mga Pangarap at Hangarin” noong Huwebes, 21 Oktubre. Nasa …

Read More »

Natatanging kooperatiba sa Bulacan kikilalanin

Bulacan PCEDO

BILANG bahagi ng buong buwang pagdiriwang ng Cooperative Month, kikilalanin ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) ang mga katangi-tanging nagawa ng mga kooperatiba at mga kontribusyon nito sa lokal na ekonomiya sa programang “Gawad Galing Kooperatiba Awards” na gaganapin sa darating na Biyernes, 28 Oktubre, ganap na 3:00 pm sa Bulacan …

Read More »

Anak binaril ng ama, patay retiradong pulis arestado

gun dead

DINAKIP ng mga awtoridad nitong Lunes, 24 Oktubre ang isang retiradong pulis na inakusahang binaril ang sariling anak matapos ang matinding sagutan sa kanilang bahay sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ronaldo Lumactod, hepe ng San Jose del Monte CPS, kinilala ang suspek na si Enrique Galapate, 62 anyos, inaresto …

Read More »

Sa Calamba, Laguna
MOST WANTED SA CALABARZON ARESTADO

Arrest Posas Handcuff

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person (MWP) sa CALABARZON sa ikinasang manhunt operation nitong Linggo ng hapon, 23 Oktubre, sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna PPO ang suspek na si Richard Lizano, residente sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ng Calamba CPS, nadakip ang …

Read More »

Sa Batangas
HOSPITAL STAFF TINODAS SA FRAT ANNIVERSARY PARTY

gun dead

PATAY ang isang 42-anyos empleyado ng isang pagamutan habang dumadalo sa anibersaryo ng kanyang fraternity sa lungsod ng Batangas nitong Linggo ng gabi, 23 Oktubre. Kinilala ng Batangas PPO ang biktimang si Delfin Gonday, Jr., residente sa Brgy. Kumintang, sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ng pulisya, sinabing magkasama ang biktima at ang suspek na kinilalang si Felicimo Padilla nang …

Read More »

Sa Maguindanao
KONSEHAL PATAY SA AMBUSH 

dead gun police

NAMATAY habang itinatakbo sa ospital ang konsehal ng Datu Montawal, sa lalawigan ng Maguindanao, matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa national highway sakop ng Brgy. Pagagawan nitong Lunes ng tanghali. Ayon kay P/Lt. Nurjhasier Sali, acting police chief ng Datu Montawal MPS, kabababa ng biktimang si Konsehal Mubarak Moby Abubakar mula sa kanyang pulang Mitsubishi pick-up sa tabing …

Read More »

Pampanga PPO OIC itinalaga

Pampanga Police PNP

PINAMUNUAN ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ang paglilipat ng tungkulin sa Pampanga PPO na ginanap sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga, noong Sabado, 22 Oktubre. Itinalaga si P/Col. Levy Hope Basilio bilang bagong Officer-In-Charge ng Pampanga PPO kapalit ni P/Col. Alvin Ruby Consolacion na nagsilbi bilang acting provincial director sa loob ng pitong buwan. Si P/Col. …

Read More »

6 drug suspects, 25 sugarol nakalawit sa Bulacan

Bulacan Police PNP

SUNOD-SUNOD na nadakip ang anim kataong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga at 25 sugarol sa pinaigting na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 23 Oktubre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, inaresto sa bisa ng search warrant ng San Jose del Monte CPS sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte ang suspek …

Read More »

Ika-339 taon pagkakatatag ng Angat, Bulacan, ipagdiriwang ngayon

Angat Bulacan GulayAngat Festival

IDARAOS ngayong Lunes, 24 Oktubre, ang ika-399 taon pagkakatatag ng bayan ng Angat, sa lalawigan ng Bulacan na katatampukan ng mga programang isasagawa sa kanilang munisipyo at simbahan sa pangunguna ni Mayor Jowar Bautista. Unang naging matagumpay ang inilunsad na Himig ng GulayAngat Festival Song Writing Competition noong 16 Oktubre, sa Greenfields Resort, Brgy. Binagbag, Angat.  Kasabay nito, idinaos ang …

Read More »

Tulak pumalag sa aresto, dedo sa enkuwentro

shabu drugs dead

NAPATAY ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang drug operation ng mga awtoridad na nauwi sa enkuwentro sa lungsod ng Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 22 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang napatay na suspek na si Rene Redobla, alyas Empoy, residente sa Brgy. Perez, sa nabanggit na lungsod. Batay …

Read More »

Sa Farmers’ Field School
 512 BULAKENYONG MAGSASAKA, MANGINGISDA NAGTAPOS NG TRAINING COURSES 

Sa Farmers’ Field School 512 BULAKENYONG MAGSASAKA, MANGINGISDA NAGTAPOS NG TRAINING COURSES

NAGTAPOS at nakompleto ng apat na pangkat ng mga Bulakenyong magsasaka at mangingisda ang kanilang season-long Farmers’ Field School (FFS) at mga kurso ng pagsasanay; nakakuha ng karagdagang kaalaman upang doblehin ang kanilang ani; at tumanggap ng kanilang katibayan sa ginanap na Mass Graduation Ceremony sa Bulacan Capitol Gymnasium, lungsod ng Malolos. Pahayag ni Gobernador Daniel Fernando, buo ang suporta …

Read More »

Mining, quarrying sa Bulacan pansamanatlang ipinagpaliban

Quarry Quarrying

SA isang follow-up meeting kasama ang sektor ng pagmimina na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, sa lungsod ng Malolos, lalalawign ng Bulacan, nitong Huwebes, 20 Oktubre, inihayag ni Gob. Daniel Fernando na pansamantalang ipagpapaliban ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang pagpapatupad sa Executive Order No. 21-2022 sa 26 Oktubre na nagsususpendi sa pagmimina at pagka-quarry sa …

Read More »