Tuesday , February 27 2024
marijuana

Halos Php2-M halaga ng ‘omads’ nakumpiska sa mga durugistang tulak Bulacan

TINATAYANG halos dalawang milyong pisong halaga ng marijuana ang nasamsam at walong durugistang tulak ang naaresto sa isinagawang anti-criminality operations ng pulisya sa Bulacan kamakalawa Disyembre 7, 2023.

 Sa ulat na isinumite kay P/Lt/Colonel Jacquiline P. Puapo, officer-in-charge ng Bulacan PPO, nakasaad na dakong alas-11:20 ng gabi nang matagumpay na nagkasa ng drug sting operation ang San Jose Del Monte City Police Station {CPS} sa Blk-3, Brgy. Gumaoc East, City of San Jose Del Monte, Bulacan. 

Sa isinagawang operasyon ay nakumpiska ang humigit-kumulang 15 kilo ng pinatuyong dahon marijuana, na may Standard Drug Price na (SDP) na humigit-kumulang Php 1,800,000, kasama ang markadong pera at isang piraso ng coin purse.

 Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang reklamong kriminal para sa mga paglabag sa R.A. 9165 laban sa mga suspek ay inihahanda na para sa pagsasampa sa korte.

 Ayon kay P/Lt.Colonel Puapo, ang hindi natitinag na pangako ng Bulacan PNP na labanan ang kriminalidad at panatilihin ang kaligtasan ng publiko sa lalawigan ay makikita sa pinaigting na operasyon ng pulisya, sa gabay ni Regional Director PRO3 PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr. 

Aniya pa, ang mga matagumpay na operasyon ay isang patunay ng dedikasyon at pagiging epektibo ng pagpapatupad ng batas sa pagsugpo sa mga aktibidad ng ilegal na droga at paghuli sa mga wanted na kriminal. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sa DigiPlus maging responsableng gamer, puwede

Sa DigiPlus
MAGING RESPONSABLENG GAMER, PUWEDE

PINAIIGTING ng DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), operator ng mga nangungunang digital platform gaya ng BingoPlus, …

Vape Smoke

Vape company ipinasasara ng Kamara

NANAWAGAN ang Kamara de Representantes sa Securities and Exchange Commission (SEC),  sa Department of Trade …

Valenzuela city magtatayo ng command center Nagbigay pa ng 2 swat van

Nagbigay pa ng 2 swat van
Valenzuela City magtatayo ng command center 

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th Charter Day ng Valenzuela, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang …

shabu drug arrest

2 tulak, nalambat sa buy-bust

DALAWANG tulak ng ilegal na droga ang nalambat makaraang kumagat ang mga ito sa isinagawang …

Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril 10 pa law violators dinakma

Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril; 10 pa law violators dinakma

ISANG lalaki na nag-iingat ng iligal at hindi lisensiyadong baril ang inaresto ng pulisya kabilang …