Monday , May 19 2025
Bulacan DOLE

Bulacan ipagdiwang ika-90 anibersaryo ng DOLE sa pamamagitan ng job fair

SA pagdiriwang ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng kanilang Ika-90 Anibersaryo ngayong taon, nakatakdang magsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng Bulacan Trabaho Service: Job Fair sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan ngayon, Disyembre 7, 2023.

Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na mag-aalok ang mini job fair ng mahigit 2,000 job vacancies mula sa 20 lokal at 10 overseas na kumpanya at employers.

Kabilang sa libu-libong job openings ang Associate Agency Manager at Financial Advisor para sa Sun Life GREPA Financial; Receptionist, Waiter, Chief Cook, Steward at Stockman para sa Jolly Management Solutions Inc.; at Automotive Mechanic, Automotive Technician, at Sales Executives at Showroom Assistant para sa ASAP Automan Services and Parts Incorporated.

Nakaangkla sa temang “Serbisyong Mabilis at Matapat sa Bagong Pilipinas”, nakatakdang magbigay ng mahigit 28,000 oportunidad sa trabaho ang DOLE sa pamamagitan ng pagsasagawa ng job fair sa buong buwan ng Disyembre na gaganapin sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.

Hinihikayat ang mga interesadong aplikante na sagutan ang pre-registration link sa https://forms.gle/j5cdnRxSRRWtUXtW9 o bisitahin ang Provincial PESO Bulacan facebook page para sa iba pang detalye. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Xian Gaza Isko Moreno

Yorme Isko bubuwelta sa mga naninira; Post ni Xian Gaza binura?

I-FLEXni Jun Nardo ISANG matapang na tanong  ang inilabas sa Yorme’s Choice page sa Facebook nitong nakaraang mga araw. …

Rice, Bigas

P20 rice program isusulong sa Navotas

MAAARI nang makabili ng halagang P20.00 kada kilo ng bigas ang mga residente ng Navotas …

Motorcycle Hand

Operasyon ng motorcycle taxi company ‘status quo’ – LTFRB

MANANATILI ang operasyon o ‘status quo’ ang pagbiyahe ng motorcycle taxi na Move It. Inihayag …

Walang budget sa manual recount ng boto – Comelec

INIHAYAG kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na kinakailangan munang amiyendahan …

Comelec Ballot Election

63 nanalong partylists, ipoproklama ngayon

INAASAHANG ipoproklama ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes, 19 Mayo, ang mga nagwaging partylist …