Kinondena ng kapulisan sa Region 3 ang ginawang pagpatay kay Brgy.Captain Jesus Liang y Lorenzana ng Brgy.Sto.Rosario, Lungsod ng San Fernando, sa Pampanga, gabi ng Disyembre 27 sa bahagi ng City Market Plaza sa nabanggit na barangay. Si Brgy,Captain Lorenzana ay kaswal na naglalakad sa may Abad Santos St, City Market Plaza 4th nang walang kaabog-abog na barilin siya sa …
Read More »Anim na law offenders sa Bulacan isinako
Nitong Disyembre 28 at hanggang kahapon, ang mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office (BulPPO) ay sunod-sunod na naaresto ang anim na katao na pawang lumabag sa batas sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan. Sa ulat kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang pinagsanib na buy-bust operation ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Special Operations …
Read More »
Sa Rehiyon 6
11 INSIDENTE NG PINSALA DAHIL SA PAPUTOK NAITALA
NAITALA ng Department of Health (DOH) ang 11 insidente ng 11 firecracker-related injuries sa rehiyon ng Western Visayas sa nakalipas na pitong araw. Ayon kay Dr. May Ann Sta. Lucia, OIC ng DOH-6 Local Health Support Division, pito sa 11 kaso ay naitala sa lalawigan ng Iloilo mula 21 hanggang 26 Disyembre. Naitala rin ang tatlong insidente ng firecracker-related injuries …
Read More »4 tulak ng ‘omads,’ 7 tulak ng ‘bato’ timbog sa drug-bust
SUNOD-SUNOD na naaresto ang 11 personalidad sa droga sa ikinasang anti-criminality operation na isinagawa ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan nitong Lunes, 26 Disyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nagresulta ang drug bust operation sa Brgy. Sto Cristo, Malolos na pinangunahan ng Malolos CPS ang pagkakaaresto sa apat na marijuana dealers na …
Read More »Sa Bicol Region 2 SA 9 NAWAWALANG MANGINGISDA SA CATANDUANES, BANGKAY NA LUMUTANG SA ALBAY AT MATNOG
WALA nang buhay nang matagpuan ang mga katawan ng dalawang mangingisdang kasama sa naiulat na nawawala sa lalawigan ng Catanduanes, ayon sa kompirmasyon ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol nitong Martes, 27 Disyembre. Ayon kay Gremil Naz, tagapagsalita ng OCD Bicol, natagpuan ang bangkay ni Arnel Araojo, 43 anyos, sa dalampasigan ng Brgy. Calanaga, Rapu-Rapu, Albay; habang natagpuan …
Read More »
Sa patuloy na pagbaha sa hilagang Mindanao
6 PATAY SA MISAMIS OCCIDENTAL
ANIM na casualty ang naitala ng lalawigan ng Misamis Occidental nitong Lunes, 26 Disyembre, sa patuloy na pagbaha sa ilang bahagi ng rehiyon ng hilagang Mindanao na nagresulta sa pagpapalikas ng higit sa 40,000 katao. Isinagawa ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Oroquieta City Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) ang pinakahuling retrieval operation sa Purok 3, Brgy. …
Read More »
Mga kaanak tinangkang iligtas
LALAKING NILAMON NG ALON, MISSING
NAWAWALA ang isang 32-anyos lalaki matapos tangayin ng alon nang tangkaing sagipin ang mga kaanak na nalulunod sa isang beach sa bayan ng Binmaley, lalawigan ng Pangasinan nitong Lunes, 26 Disyembre. Patuloy na nagsasagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMMO) at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) upang mahanap ang nawawalang …
Read More »
Lungsod ng Iligan binaha
81 PAMILYA INILIKAS
UMABOT sa 81 pamilya ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan na apektado ng pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan sa lungsod ng Iligan, lalawigan ng Lanao del Norte. Nagmula sa Brgy. Hinaplanon ang 73 pamilya habang ang tatlo ay mula sa Bryg. Del Carmen at dinala sa Hinaplanon National High School. Nitong Linggo, 25 Disyembre, may kabuuang 85 pamilya …
Read More »
Sa Negros Occidental,
TRICYCLE DRIVER SUGATAN SA WHISTLE BOMB
ISANG 45-anyos tricycle driver ang sugatan matapos sumabog ang isang paputok sa kanyang kanang kamay sa lungsod ng Bago, lalawigan ng Negros Occidental, nitong araw ng Pasko, 25 Disyembre. Sa ulat mula sa Negros Occidental PPO, nakikipag-inuman ang biktima sa isang kamag-anak nang sinindihan ng kanyang kapatid ang isang whistle bomb na kanyang kinuha bago pa man sumabog. Dinala ang …
Read More »
Sa Sta. Rosa, Laguna
SUPERMARKET NILOOBAN, P.3-M NINAKAW SA ATM
NILOOBAN ng apat na lalaki ang isang commercial establishment sa lungsod ng Sta. Rosa, sa lalawigan ng Laguna, at ninakawan ng hindi pa matukoy na halaga ang isang automated teller machine (ATM) nitong Linggo ng madaling araw, 25 Disyembre. Ayon kay Laguna PPO Provincial Director P/Col. Randy Glenn Silvio, nadiskubre ni Glenje Opeña, 51 anyos, store manager ng Puregold Commercial …
Read More »
3 sasakyan nagkarambola sa Isabela
KONSEHAL PATAY, ALKALDE SUGATAN
PATAY ang isang konsehal habang sugatan ang alkalde at kanyang kasama sa insidente ng banggaan ng tatlong sasakyan nitong Sabado ng gabi, 24 Disyembre, sa bayan ng Quezon, lalawigan ng Isabela. Iniulat ng isang lokal na estasyon ng radyo na pumanaw si Candido Andumang, konsehal sa naturang bayan; habang sugatan si Quezon Mayor Jimmy Gamazon, Jr., at ang kanyang kasama. …
Read More »Tupada sa araw ng Pasko 7 sabungero arestado
NADAKIP ang pito katao matapos maaktohan ng mga awtoridad sa tupada sa Brgy. Gaya-Gaya, lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 25 Disyembre, mismong araw ng Pasko. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga suspek na sina Romulo Blanco; Victor Felicidario; Frodencio Austria; Alberto Serrano; Amadeo Merico; Oscar Barona, Jr.; at …
Read More »
Gusto ‘solb’ sa Pasko
11 DRUG USERS TIMBOG SA NOCHE BUENANG SHABU
ARESTADO ang 11 kalalakihan nang matiktikan ng mga awtoridad na babatak ng shabu upang salubungin ang Pasko sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Biyernes, 23 Disyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, dakong 10:00 pm nitong Biyernang nang ikinasa ang isang anti-illegal drugs operation ng mga tauhan ng …
Read More »ALEE Rendering Facility, SLSJ Trucking Services namahagi ng biyaya
AABOT sa 400 katao ang nabiyayaan ng pamasko mula sa ALEE Rendering Facility at SLSJ Trucking Services sa pamamagitan ni Solomon “Ka Sol” Jover, kasama sina Emmanuel Guma Felix, Annie Villano, at Edna Bernardo na halos tradisyon na at taon-taon ang pamamahagi ng biyaya gaya ng bigas, groceries, at cash upang maging masaya at may mapagsaluhan sa araw ng Pasko …
Read More »
Sa Olongapo
CARETAKER NG LUPA NATAGPUANG PATAY
TINITINGNAN ng mga awtoridad ang posibleng foul play sa pagkamatay ng isang caretaker sa Brgy. Sta. Rita, lungsod ng Olongapo, nitong Lunes, 19 Disyembre. Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na mayroong mga sugat sa bandang kilikili ang biktimang kinilalang si Jonathan Hadley, 47 anyos, natagpuang wala nang buhay sa lupaing kanyang binabantayan. Ayon sa mga imbestigador, nakatanggap sila ng impormasyon …
Read More »
Sa PRO4-A year end thanksgiving competition
LAGUNA PPO NAKASUNGKIT NG PANALO
NAKAMIT ng Laguna PPO ang pangalawang puwesto sa parol competition at pangatlong puwesto sa showband competition sa ginanap na Year End Thanksgiving ng PRO CALABARZON noong Biyernes, 16 Disyembre, sa Bigkis-Lahi Event Center, Camp BGen. Vicente Lim, sa lungsod ng Calamba. Isinagawa ang Year End Thanksgiving sa pamumuno ni Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., may temang Paskuhan sa …
Read More »
Sa pagbaha at landslides
DAAN-DAANG RESIDENTE SA BICOL INILIKAS
INILIKAS ng mga lokal na opisyal ang hindi bababa sa 127 pamilya o 417 katao patungo sa mga evacuation center sanhi ng patuloy na pag-ulan mula noong Linggo, 19 Disyembre, ilang insidente ng pagbaha at pagguho ng lupa ang naiulat sa rehiyon ng Bicol. Ayon kay Gremil Alexis Naz, tagapagsalita ng Office of Civil Defense (OCD) sa Bicol, naiulat ang …
Read More »P2-M halaga ng ari-arian natupok sa sunog sa Ifugao
TINATAYANG aabot sa P2-milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na tumagal nang dalawang oras sa isang tindahan ng muwebeles at dalawang bahay sa bayan ng Lagawe, sa lalawigan ng Ifugao nitong Lunes ng gabi, 19 Disyembre. Nabatid na sumiklab ang apoy sa tindahan ng muwebles sa Brgy. Cudog dakong 11:00 pm na kalaunan ay kumalat sa mga katabing …
Read More »
Sa Bulacan
5 TULAK, 5 PUGANTE NAKALAWIT
ISA-ISANG bumagsak sa kamay ng batas ang limang drug traffickers at limang pugante sa operasyong inilatag ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Martes, 20 Disyembre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, arestado ang limang personalidad na sinabing sangkot sa illegal na droga, sa buy-bust operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) …
Read More »Limang drug traffickers at limang pugante, kinalawit
Isa-isang bumagsak sa kamay ng batas ang limang drug traffickers at limang pugante sa operasyong inilatag ng Bulacan PNP sa lalawigan hanggang kahapon, Disyembre 20. Ayon kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ang limang personalidad sa droga ay arestado sa buy-bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga himpilan ng pulisya ng …
Read More »
Sa Angeles City…
MAG-LIVE-IN PARTNER ARESTADO SA PAGPATAY SA 18-ANYOS NA ESTUDYANTE
Naaresto ng mga awtoridad ang mga pangunahing suspek sa pagpatay sa isang estudyante sa Angeles City sa Pampanga sa isinagawang follow-up operation isang araw matapos ang krimen nitong Disyembre 17. Napag-alamang ang wala ng buhay na katawan ni Juana Mae Maslang y Reymundo, 18-anyos, estudyante, na residente ng Jesus St, Purok 4, Brgy. Pulungbulu, Angeles City, ay natagpuan ng kanyang …
Read More »Mayor Jocel Vistan-Casaje, Ayala Land Estate Crossroads
NAGING panauhing pandangal si Mayor Jocel Vistan-Casaje sa ground breaking ceremony ng Crossroads na proyekto ng Ayala Land Estate Nitong Nakaraang Dec 15 sa Plaridel, Bulacan. (MICKA BAUTISTA)
Read More »Lolo na miyembro ng NPA sumuko
SA hangaring makapiling ang pamilya sa Araw ng Pasko at dahil na rin sa katandaan, isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Bulacan kamakalawa. Kinilala ni PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BUL PPO), ang sumuko na si alyas Ka Dan, 63-anyos na nagpakilalang siya ay dating …
Read More »Baliwag sa Bulacan, isa nang lungsod
Isa na ngayong lungsod ang Baliwag sa Bulacan-ikaapat sa lalawigan matapos ang Malolos, Meycauayan at San Jose del Monte. Ito ang ipinahayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado, na sinabing mayorya ng mga botante sa isinagawang plebisto ay niretipikahan o pinagtibay na ang munisipalidad ay maging ganap na lungsod. Ang kabuuang bilang ng bumoto ay nasa 21.70% o 23, …
Read More »Driver ng truck nalito traffic enforcer binangga, patay
HINDI na nadala sa ospitalatagad namatay ang isang 44-anyos traffic enforcer nitong Martes ng hapon, 13 Disyembre, nang masagasaan ng truck sa bayan ng Carmona, lalawigan ng Cavite. Ayon sa ulat mula sa PRO-4A PNP nitong Miyerkoles, 14 Disyembre, nakatayo ang biktimang si Sammy Osena sa gilid ng highway sa Brgy. Maduya, sa nabanggit na bayan, dakong 1:30 pm nang …
Read More »