Monday , March 30 2026

Front Page

65-anyos lola kinatay ng 21-anyos dyowa

TINUTUGIS ng mga awtoridad ang isang 21-anyos lalaki makaraan patayin sa saksak ang 65-anyos niyang live-in partner sa Pamplona, Cagayan. Ang biktimang si Anita Carlos ay natagpuang tadtad ng saksak sa kanilang bahay sa nabanggit na lugar. Habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si Francin Ayuban, ng Bgy. Bagu, sa nasabing bayan. Nabatid na umuwing lasing ang suspek …

Read More »

Benhur Luy list ipina-subpoena

IPINA-SUBPOENA na rin ng Senado ang digital-list na sinasabing naglalaman ng pangalan ng mga mambabatas at mga cabinet officials na nakinabang sa multi-billion peso pork barrel scam, na hawak ngayon ng whistleblower na si Benhur Luy. Ayon kay Senate President Franklin Drilon, pinirmahan niya ang subpoena base na rin sa kahilingan ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Teofistio Guingona III. …

Read More »

Freeze order vs Corona assets inilabas na

HINDI na maaaring magamit ni dating Chief Justice Renato Corona at ng kanyang asawang si Cristina ang kanilang mga ari-arian makaraan patawan ng freeze order ng Sandiganbayan ang kanilang assets. Sa kautusan ng Sandiganbayan Second Division, inaatasan ng korte si Sheriff Alex Valencia na agad ipatupad ang direktiba. May kaugnayan ito sa forfeiture case ng mag-asawang Corona dahil sa sinasabing …

Read More »

Pasahero sa NAIA hinimatay sa sobrang init

HINIMATAY ang paalis na pasahero sa immigration counter ng departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Si Angelita Baroso ng Marilao, Bulacan ay nawalan ng malay habang ipinoproseo ang mga dokumento ng kanyang pamilya sa immigration counter. Inihayag ng mister ni Baroso na si Jing, nagulat siya nang makitang nakahandusay ang kanyang misis sa sahig at walang …

Read More »

Misis pinatay, ari sinunog ng adik na mister

DAVAO CITY –  Bagama’t sumuko sa mga awtoridad ang adik na mister na pumatay at sumunog sa ari ng kanyang misis, hindi pa rin matanggap ng mga magulang ang sinapit ng biktima. Kinilala ang suspek na si Danny Boy Cabrera, suspek sa pagbaril at pagpatay sa misis niyang overseas Filipino worker (OFW) na si Emily Mendoza sa Brgy. Acacia, Buhangin …

Read More »

Manila kotong engineer timbog sa entrapment

ISANG enhinyerong opisyal ng Manila City Engineering Office ang nasakote ng mga awtoridad nang tanggapin ang hinihingi niyang ‘padulas’ mula sa isang arkitekto sa loob ng kanyang tanggapan kahapon ng hapon. Kinilala ang suspek na si Engr. Juan Capuchino, Jr., chief of staff sa City Engineering Office na inireklamo nina Cesar “King” Gallardo at Architect Bryan Chester Lim, ng 145 …

Read More »

Buntis na misis ipinahoyo ng mister na OFW

Nagsilang ng babaeng sanggol ang misis na ipinakulong  ng sariling mister,  sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Agad naisugod ng mga bantay na pulis sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang inmate na kinilalang si Joanna Castañeda, 35-anyos, ng Francisco Homes, City of San Jose del Monte, Bulacan, nahaharap sa kasong Adultery. Sa ulat nina POs3  Alberto Eustaquio at Marcelino …

Read More »

Yaya naligis ng matuling SUV sa makipot na kalye

NAMATAY ang  28-anyos  yaya nang araruhin ng sports utility vehicle (SUV) habang naglalakad  sa makipot na kalye ng Protacio, sa Pasay City kamakalawa ng gabi. Isinugod sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Laila Opiana, ng 2628 Cabrera St., pero binawian din ng buhay habang ginagamot ng mga doktor sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan. Sa imbestigasyon …

Read More »

Ping bading — Miriam (Bwelta ng idinawit)

NAGING personal ang naging bwelta ni Sen. Miriam Defensor-Santiago kay dating senador at ngayon ay Rehabilitation Czar Panfilo “Ping” Lacson nang idawit ang kanyang pangalan sa kontrobersiyal na “Napoles list”. Ayon kay Santiago, kwestyonable ang pagkalalaki ni Lacson. “Anyone can make lists. I was told that there is a list entitled ‘closeted gays or bisexuals in public service.’ I was …

Read More »

Ping ‘nag-isyu’ ng Gag Order sa sarili (Naduwag kay Miriam)

MAKARAAN ilabas ni Sen. Miriam Defensor- Santiago ang kanyang listahan ng ‘closeted gays or bisexuals in public service,’ kasama ang isang “Pinky Lacson,” nagpatupad ng self-imposed gag order si rehab czar Panfilo Lacson kaugnay sa isyu ng Napoles list. Sinabi ni Lacson, hindi siya inutusan ni Pangulong Benigno Aquino III na tumahimk sa usapin bagkus ay nais lamang niyang muling …

Read More »

Admin allies sa Napoles list ‘di itatago

NAGKILOS-PROTESTA sa harap ng Department of Justice (DoJ) ang iba’t ibang grupo ng mga militante upang kondenahin si Justice Secretary Leila de Lima sa hindi agad pagsasapubliko sa kontrobersiyal na Napoles list. (BONG SON) TINIYAK ng Malacañang na hindi pagtatakpan, iliiligtas o ipagtatanggol ang mga kaalyadong nadadawit din sa pork barrel scam. Magugunitang pinangalanan kamakalawa ng gabi ni Rehab czar …

Read More »

Bistek desmayado sa killings PCP chief sinibak ni Albano ( Driver, 5 pa timbog sa safehouse)

DESMAYADO   sa Quezon City Police District (QCPD) si Mayor Herbert Bautista, hinggil sa serye ng pamamaril sa Fairview nitong Linggo. “I’m not really happy about what happened. Hindi ako natutuwa dahil lahat ng suporta ng Quezon City government sa Quezon City Police District ay ibinibigay namin,” pahayag ng alkalde. May utos na aniya ng QC Peace and Order Council sa …

Read More »

Miss PH Earth winners desmayado sa mabahong Pasig River

MAGING ang Miss Philippines Earth 2014 beauty queens ay desmayado sa nagkalat na mga basura nang sumakay sila  sa Pasig River Ferry na muling binuhay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon ng umaga. Layunin ng pagsakay ng MissPhilippines-Earth beauty queens, upang hikayatin ang publiko na tangkilikin ang Pasig River Ferry System bilang alternatibong transportasyon sa Metro Manila. Ayon kay …

Read More »

3 Napoles list magkakaiba — PNoy (Ano ba talaga, Ate?)

“ANO ba talaga, Ate?” Ito ang tanong nang naguguluhang si Pangulong Benigno Aquino III sa aniya’y tatlong “Napoles’ list” na magkakaiba ang laman. “Merong alleged, maraming hindi. Pero alam ninyo kasi parang kapag sinabi kong may discrepancy, iyong number nagpa-fluctuate e. Iyong unang list na ipinadala sa akin X numbers sabihin natin, ano. Iyong next list na nakita ko, minus …

Read More »

Calayag ng NFA nagbitiw

NAGBITIW na sa pwesto si National Food Authority (NFA) Administrator Orlan Calayag. Ayon sa ulat, layunin niyang mabigyan ng kalayaan ang bagong talagang kalihim na mangangasiwa sa NFA at iba pang ahensya ukol sa food supply na si Sec. Kiko Pangilinan. Matatandaan, itinalaga si Pangilinan noong nakaraang linggo lamang, kasabay nang pagbuo ng hiwalay na tanggapan mula sa Department of …

Read More »

Sindikato ng droga itinuro sa Fairview killings

PATULOY ang imbestigasyon sa serye ng magkakahiwalay na pamamaril sa limang indibidwal sa Fairview, Quezon City, Linggo ng madaling araw. Ayon kay Supt. Richard Albano, nakatitiyak ang pulisya na iisang kalibre ng baril ang ginamit sa apat na biktima at hinihintay pa nila ang resulta ng ballistic examination para makumpirmang iisang baril ang pinagmulan ng mga bala. Una nang lumutang …

Read More »

Agawan sa ‘Pusong Bato’ 2 bagets kritikal

NAGKAINITAN   sa  komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan nang kantahin ng isang  grupo ang  kantang request na ‘Pusong Bato’  na nauwi sa saksakan, sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Malubha ang kalagayan  sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ng mga biktimang kapwa 20-anyos, factory worker, na  sina Franklin Celso, at Fila-mer Ralar II, kapwa residente  ng Karisma Village, Brgy. …

Read More »

IPINAKITA sa publiko nina Iglesia Ni Cristo (INC) Executive…

IPINAKITA sa publiko nina Iglesia Ni Cristo (INC) Executive Minister Eduardo V. Manalo at Philippine Postal Corporation Chairman Cesar N. Sarino, kasama sina Postmaster General Ma. Josefina dela Cruz at INC General Secretary Radel G. Cortez, ang INC Centennial Commemorative Stamp na inilunsad nitong Sabado Saturday (Mayo 10, 2014) sa okasyon ng ika-128 kaarawan ni First Executive Minister Bro. Felix …

Read More »

Ping: Rehab ‘wag hadlangan

UMAPELA si rehabilitation czar Ping Lacson sa mga politiko at pampolitikang grupo na huwag maging hadlang sa mga pagkilos ng pamahalaan para tulungan ang mga biktima ng kalamidad sa Kabisayaan na bumangon at magkaroon ng normal na pamumuhay. Sinabi ni Lacson bagama’t katanggap-tanggap ang mga pagpuna, hindi dapat na pangibabawin ng mga politiko at political group ang kanilang mga pansariling …

Read More »

5 itinumba sa Fairview (Sa buong magdamag)

Lima ang kinompirmang patay sa serye ng magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa nakalipas na magdamag sa Fairview, QC. Ayon sa pulisya, unang pinagbabaril ng mga nakamotorsiklong suspek ang isang lalaki na kinilalang si Rodelio dela Cruz, sa tapat ng tindahan ng car accessories at tabi ng isang apartelle sa Commonwealth Avenue, sakop ng North Fairview. Ilang minuto makalipas, isa …

Read More »

Caloocan LGU officials ‘ngarag’ na sa patayan

MATINDING pangamba ang nararanasan ng mga barangay officials sa Caloocan City dahil sa sunod-sunod na pamamaslang sa kanilang hanay sa lungsod. Ayon sa barangay official na tumangging magpabanggit ng pangalan, labis silang nababahala dahil hindi pa nahuhuli ang mga pumatay sa kanilang mga kasamahan at hanggang ngayon ay nangangamba sila sa kanilang sariling buhay. Hiniling ng mga opisyal kay Mayor …

Read More »