Friday , October 4 2024

3 Napoles list magkakaiba — PNoy (Ano ba talaga, Ate?)

051314_FRONT
“ANO ba talaga, Ate?” Ito ang tanong nang naguguluhang si Pangulong Benigno Aquino III sa aniya’y tatlong “Napoles’ list” na magkakaiba ang laman.

“Merong alleged, maraming hindi. Pero alam ninyo kasi parang kapag sinabi kong may discrepancy, iyong number nagpa-fluctuate e. Iyong unang list na ipinadala sa akin X numbers sabihin natin, ano. Iyong next list na nakita ko, minus three. Tapos iyong binabanggit sa akin parang plus four. O di ba, parang, hindi merong ganun phrase: ‘Ano ba talaga ate?’ Hindi ba? Parang ganun,” anang Pangulo sa press conference sa Myanmar makaraan ang 24th ASEAN Summit kamakalawa.

Inamin ng Pangulo na mas nauna siyang nakatanggap ng listahan mula kay pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles kaysa kay Secretary Leila de Lima ngunit hindi niya tinukoy kung paano nakarating ito sa kanya, habang ang pangatlong kopya nito’y hawak ni rehab czar Panfilo Lacson.

Iisa aniya ang pinanggalingan ng listahan at magkakaiba ang nakasaad dito kaya ang duda niya, ginugulo ang imbestigasyon ng pork barrel scam.

“The way she was narrating certain things, she will show some alleged evidence to it, then she’d go on tangents e. Pero ang point lang ha, iyong unang pinadala, pangalawang pinadala hindi nga magkatugma . So ‘di ba is it safe to reveal? Parang even that by itself, you have to resolve first: why are there differences in the information you are getting from the one witness who is supposed to be narrating facts? So one cannot escape, di ba, parang the suspicion that instead of trying to clarify matters, (they) are trying to cloud the whole issue, make the process much more difficult,” sabi pa niya.

Naniniwala si Aquino na hindi pa dapat isapubliko ang listahan at ipinauubaya na niya sa Ombudsman kung magsasagawa pa ng mas malalimang imbestigasyon sa pork barrel scam.

”I’d rather give it to the Ombudsman right away because that will be the end point, that will where you will determine iyong value of the testimony and be able to evaluate; and that is the only arm that where you can file a case before the Sandiganbayan. Parang ang value sa atin ‘non, if she says the truth, thank you. If she says some of the truth and some of it lies, even the truth that will support the lies or will try to make the lies seemingly true, will help us in ferreting out the truth,” dagdag pa ng Pangulo.

ni ROSE NOVENARIO

Rehab czar umepal
21 SENATORS,  90 REPS DAWIT  SA PORK SCAM

UMABOT sa 21 incumbent at former senators ang bilang ni dating senador at ngayon ay rehabilitation czar Panfilo Lacson na nakipagtransaksyon kay Janet Lim-Napoles kaugnay ng pork barrel scam.

Ayon kay Lacson, base ito sa listahan na ibinigay sa kanya ni Napoles.

Sa 21 bilang, 12 ang incumbent senators, kabilang na ang tatlong matagal nang nababanggit na si Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Jingoy Estrada at Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Habang aabot aniya sa 90 kongresista ang mga nakipagtransaksyon kay Napoles.

Base pa rin sa listahang hawak ni Lacson, kabilang dito ang dalawang incumbent cabinet members na dating mga kongresista.

Maingat ngayon si Lacson sa pagsagot sa mga tanong ng media.

Ayaw niyang magbigay ng clue kung sino pa ‘yung siyam na incumbent senators na kasama sa listahan.

Ngunit huwag aniya mainip dahil “willing” siyang magbigay ng testimonya sa Senado kung ipatatawag sya ng Senate blue ribbon committee o kaya ay isusumite na lamang niya ang hawak niyang dokumento.

Gayunman, magpapaalam pa rin aniya siya kay Pangulong Benigno Aquino III dahil sakop siya ng executive previlege ng pangulo.

Ngunit nakatitiyak si Lacson na papayagan siya ng pangulo.

KOKO PUMIYOK  SA NAPOLES LIST

NAKATUNOG si Senador Koko Pimentel III na kasama siya sa listahan ni Jane Lim Napoles sa pork barrel scam.

Ngayon pa lamang ay tiniyak ni Pimentel na ano mang listahan na ilalabas ni Napoles na kasama ang kanyang pangalan ay peke.

Nilinaw ni Pimentel na bagaman magkakilala sila ni Napoles ay wala silang transaksyon sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Kasunod nito ay nagbanta si Pimentel na sino mang nameke ng pirma niya ay kanyang kakasuhan.

Nanindigan si Pimentel na base sa opisyal na records mula sa kanyang opisina, kahit isang sentimo mula sa kanyang pork barrel fund ay walang napunta sa mga non-government organization konektado man o hindi kay Napoles.

(CYNTHIA MARTIN)

NAPOLES LIST NI DE LIMA IPINA-SUBPOENA NG SENADO

IPINA-SUBPOENA ng Senado si Justice Sec. Leila De Lima upang isumite sa kapulungan ang kontrobersiyal na listahan ni Janet Lim-Napoles upang mabati kung sino-sino ang mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan na sangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam.

Ngunit nilinaw ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. TG Guingona III, hindi ito nangangahulugan na agad nilang bubuksan ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na isyu.

Ayon kay Guingona, kailangan muna nilang himayin ang nilalaman ng affidavit ni Napoles upang pagbatayan kung kailangan buksan ang imbestigasyon at ipatawag si Napoles.

About hataw tabloid

Check Also

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

THE Department of Science and Technology (DOST), through its office in Region XII, has launched …

QCPD Belmonte

Kaligtasan ng QCitizens tiyakin tagubilin ni Mayor Joy sa bagong QCPD

SA PAGPAPALIT ng liderato ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon, mahigpit na tagubilin ni  …

100224 PH Under-20 water polo team sasabak sa Malaysia Open

PH Under-20 water polo team sasabak sa Malaysia Open

SASABAK ang Philippine Under-22 water polo team  sa 65th MILO-DSA-PRM Malaysia Open Water Polo Championships …

RSTIW In CaLaBaRzon

2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTIW) in CALABARZON

Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan. Providing Solutions and …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *