Monday , March 30 2026

Front Page

Daddy pinatay si Mommy sa harap ng 5-anyos anak (Bago nagbaril sa ulo)

SELOS ang hinihinalang motibo sa pagpatay ng overseas Filipino worker (OFW) sa dati niyang kinakasamang OFW rin, bago magbaril sa ulo, sa harap ng kanilang 5-anyos anak, sa Barangay Roxas District, Quezon City kahapon ng madaling-araw. Sa ulat kay Chief Supt. Richard Albano, Quezon City Police District (QCPD) Director, mula kay C/Insp. Rodelio Marcelo, Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) …

Read More »

Boundary agreement nilagdaan ng PH, Indonesia

  SINAKSIHAN nina Pangulong Benigno S. Aquino III at Excellency Susilo Bambang Yudhoyono, Pangulo ng Republic of Indonesia, ang paglagda nina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Indonesian Minister of Foreign Affairs Dr. R.M. Marty Natalegawa sa Agreement on the Exclusive Economic Zone (EEZ) Boundary sa Reception Hall ng Malacañang Palace kahapon. (JACK BURGOS) IKINAGALAK nina Pangulong Benigno “Noy-noy” …

Read More »

4 pulis-MPD ini-hostage sa bahay ng gambling lord

APAT kagawad ng Manila police  ang ini-hostage  ng mga tauhan ng gambling lord na nag-o-operate sa Lungsod ng Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ang mga kagawad ng pulisya na sina Insp. Arial del  Rosario, PO1  James Poso, PO3 Adonis Aguila at PO2 Elmer  Revita, nakatalaga sa MPD General Assignment Section. Nabatid, inatasan ni MPD Director Rolando Asuncion  ang hepe ng MPD-GAS …

Read More »

3 Koreano minasaker sa Cebu

NEGOSYO ang hinihinalang motibo sa pagpatay sa tatlong Koreano sa loob ng Lapu-Lapu City sa lalawigan ng Cebu kamakalawa ng gabi. Natagpuang patay sa loob ng Han Ga Wi restaurant sa Brgy. Maribago sa Lapu-Lapu City dakong 5 p.m. kamakalawa ang mag-asawang sina Ho An at Kim Soonok, at ang anak nilang si Young Mi An. Ayon kay Chief Insp. …

Read More »

UCPB director resign (Graft vs PCGG dahil sa UST dean)

pb PINAYUHAN ni Atty. Oliver San Antonio, abogado at tagapagsalita ng National Filipino Consumers (NCFC)  si United Coconut Planters Bank (UCPB) board member na si Atty. Nilo Divina, ang kasalukuyang Dean ng UST Law Faculty, na magbitiw na lamang matapos mabunyag na kinuha rin external counsel ng nasabing banko sa dalawang kasong isinampa laban sa Presidential Commission on Good Government …

Read More »

VP ng SMDC nahulog mula 16/f nalasog

PATAY ang mataas na opisyal ng SM Development Corp. (SMDC) makaraan mahulog mula sa 16 palapag ng condominium sa Makati City kamakalawa. Ayon kay Makati City Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban, ang 52-anyos na si Efren Lim Tan, vice president for sales and property, ay bumagsak sa concrete canopy ng 7th floor ng BSA Condotel sa San Lorenzo Village. …

Read More »

Ex-solon arestado sa protesta vs Eco Forum

INARESTO ang dating party-list representative kahapon sa naging marahas na kilos-protesta malapit sa Makati City Hotel na ginaganap ang World Economic Forum for East Asia. Si dating Bayan Muna Rep. Teodoro “Teddy” Casiño ay inaresto habang kasama sa protesta sa Ayala Avenue. Kinompronta ng mga tauhan ng Makati City Police ang mga militante malapit sa perimeter ng WEF venue. “Ang …

Read More »

Ebak ng tao itinapon sa estero 3 kalaboso

ARESTADO ang tatlo katao makaraan maaktuhan habang nagtatapon ng dumi ng tao sa isang creek sa Quezon City kahapon ng madaling-araw. Nadakip ng mga pulis ang tatlong suspek na sina Rogelio Collantes, 49; Jose Flordaliza, 36; at Edgardo Flordaliza, 44; mga kawani ng Madamex Pluming Services sa Mandaluyong City, pawang mga residente ng Tandang Sora, habang itinatapon ang liquid watse …

Read More »

UCPB board ‘dean’s list’ sa gastos (Sinsangsang ng Napoles list)

BAGO pa man umalingasaw ang baho ng Napoles list, Benhur List, Lacson List at Cam List, nagsimula nang humaba ang listahan ng Kamkam list na naglilitanya ng mga katiwalian sa isang institusyong pinapatakbo ng mga taong itinalaga ng gobyerno, ayon sa isang anti-graft watchdog. Mariing hinihiling ngayon ng National Coalition of Filipino Consumers (NCFC), sa pamamagitan ng abogadong si Atty. …

Read More »

Philhealth ipinabubuwag sa Kamara

IPINABUBUWAG   ng ilang mambabatas sa Kamara ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa sinasabing kahinaan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga miyembro. Kasunod ito ng reklamo ng Private Hospitals Association of the Philippines na hindi naire-reimburse ng Philhealth ang gastos sa ospital ng mga miyembro ng ahensiya. Sinabi ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus, noon pa nila ipinanawagan …

Read More »

Hirit na TRO ni Jinggoy vs plunder tinabla ng SC

HINDI pinagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ni Senador Jinggoy Estrada na magpalabas ng temporary restraining order (TRO)  laban sa pagdinig ng Ombudsman sa kasong plunder  kaugnay sa kontrobersiyal na P10-B  pork barrel scam. Sa ipinalabas na resolution kahapon,  binigyang-pagkakataon ng Kataas-taasang Hukuman ang mga respondent na kinabibilangan ng Ombudsman, National Bureau of Investigation at Atty. Levito Baligod na maghain …

Read More »

Brain drain sa PAGASA (Dahil sa mababang sweldo)

NABABAHALA ang Palasyo sa nagaganap na ‘brain drain’ o pagkaubos ng mga weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) dahil sa pagnanais na magtrabaho sa ibang bansa. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, patuloy na inaalam ng Malacañang sa Department of Budget Management (DBM) kung naresolba na ang isyu ng hazard pay ng mga kawani ng …

Read More »

Katorse binakuran bagets tinarakan si ‘Ariel Rivera’

SUGATAN ang 16-anyos binatilyo nang saksakin ng karibal sa panliligaw, sa isang 14-anyos, sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon. Ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC), ang biktimang si Ariel Rivera, estudyante,  ng 178 Osmeña St., Tondo, sanhi ng mga saksak sa katawan Sa ulat ng Manila Police  District – Police Station 1(MPD-PS1) selos ang dahilan kung bakit sinaksak ang …

Read More »

UCPB board hinambalos (Nanggisa sa sariling mantika)

UMIINIT ngayon ang mga likurang bahagi ng mga kasapi ng United Coconut Planters Bank (UCPB) board of directors dahil sa pagkuha ng serbisyo ng isang miyembro at pagbayad ng di-makatarungang milyon-milyong piso. Bukod dito, nasasadlak din sila sa balag ng alanganin dahil sa isyu  ng “conflict of interest” na napaulat kamakailan. Ito at ang mga ‘di pa naibubunyag na mga …

Read More »

Habal-habal driver tumirik sa masahista

GENERAL SANTOS CITY – Binawian ng buhay ang isang 27-anyos habal-habal driver makaraan makipagtalik sa masahista sa massage parlor sa Pioneer, General Santos City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Ben Ampunga, 27, residente ng Tambilil, Kiamba, Sarangani province. Ayon sa masahista na si alyas Ara, bigla na lamang nanigas si Ampunga makaraan silang magtalik. Patuloy ang imbestigasyon ng …

Read More »

2 tigbak sa gumuhong pader

ANG gumuhong pader ng bodega ng LG Atkimson Inc. na ikinamatay ng dalawang biktima makaraan matabunan kamakalawa ng gabi sa Malasimbo St. malapit sa kanto ng Aloi St., Brgy, Masambong, San Francisco del Monte, Quezon City. (ALEX MENDOZA) PATAY ang dalawa katao makaraang madaganan ng gumuhong pader ng inire-renovate na warehouse sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng …

Read More »

3 utas, 45 sugatan sa 3 road mishap

TATLO ang patay habang 45 ang sugatan sa tatlong magkakahiwalay na insidente sa Naga City, San Fernando City sa La Union, at sa Calauag, Quezon. Sa Naga City, sugatan ang anim na pasahero ng isang tricycle makaraan mahagip ng isang pick-up kamakalawa. Kinilala ang driver ng tricycle na si Wilfred Butacao, 39, residente ng San Rafael ng nasabing lugar. Sa …

Read More »

Ret. US Navy, misis patay sa akyat-bahay

CAMP OLIVAS, Pampanga – Natagpuang patay at may sugat sa ulo ang isang retired US Navy at ang kanyang misis kamakalawa ng umaga sa garahe ng kanilang bahay sa Samal, Bataan. Kinilala ang mga biktimang sina Rogelio Cortez, 75, retiradong US Navy, at Flordeliza Cortez, 66, negosyante, kapwa naninirahan sa Brgy. Sapa ng nasabing bayan. Ayon sa ulat ni Brgy. …

Read More »

Biyudo dedo sa 5 punglo (Sa 60th birthday)

PATAY sa limang bala ng kalibre. 45 pistola ang 60-anyos birthday celebrant nang barilin sa loob ng kanyang bahay sa Marikina City kamakalawa. Sa ulat kay Supt. Vincent Calanoga, kinilala ang napatay na si Virgilio Gervacio, 60, biyudo, ng Blk. 54, Lower Pipino St., Brgy. Tumana. Ikinasa ng mga awtoridad ang manhunt – operation para arestohin ang ‘di nakilalang suspek …

Read More »