Friday , December 5 2025

Front Page

PRC director nag-walkout sa oathtaking ng Pharmacists (Dress code hindi sinunod ng mga manunumpa)

ILOILO CITY – Naunsyami  ang  oathtaking ceremony ng newly licensed pharmacists na gaganapin sana sa lungsod ng Iloilo kamakalawa ng gabi. Ito ay sinasabing dahil hindi sinunod ang tamang dress code. Ayon kay Director Lily Ann Baldago ng Professional Regulation Commission (PRC) Region 6, 10 minuto bago ang seremonya, dumating siya upang pangunahan ang aktibidad. Ngunit nadesmaya ang director nang …

Read More »

TOWING-ESCORT RACKET. Kung inaakala ninyong binabatak ng RWM towing truck ang…

TOWING-ESCORT RACKET. Kung inaakala ninyong binabatak ng RWM towing truck ang container van sa kanyang likuran para dalhin sa impounding area dahil sa paglabag sa traffic rule, nagkakamali po kayo. Binabatak ng RWM towing truck ang container van na pumayag magpa-escort sa kanila upang hindi maipit ng traffic. Ang mga hindi nagpapa-escort, pinaliliko sa Romualdez at sinusuong ang nakakukunsuming traffic …

Read More »

Sorry ni PNoy inisnab (Yolanda victims nainsulto, Dinky palpak, Lacson bagman)

MINALIIT ng Palasyo ang pagbasura ng mga Yolanda victims sa apology ni Pangulong Benigno Aquino III sa mabagal na aksiyon ng gobyerno sa kalamidad at panawagan na sibakin sina Social Welfare Secretary Dinky Soliman at rehabilitation czar Panfilo Lacson. Ayon sa People Surge Alliance, hindi nila matatanggap ang masyadong huling paghingi ng paumanhin ng Pangulo at kailangang managot siya sa …

Read More »

Senior citizen nagbigti sa problema

Dahil sa problemang pampamilya, nagbigti ang isang senior citizen, driver,  sa daang Villoso, Barrio Obrero, Davao City, kahapon ng madaling araw. Gamit ang electrical cord, nagbigti ang biktimang kinilalang  si Cyrin Sorita, 61-anyos. Ayon sa anak ng biktima na si Sherwin, may problemang kinakaharap ang kanilang pamilya kaya marahil ito ang dahilan para magpakamatay ang ama. (Beth Julian)

Read More »

Rojas, Ragos mas konek kay Janet Lim Napoles (Close kay De Lima)

BINALEWALA ng Palasyo ang ulat na malapit kay Justice Secretary Leila de Lima ang matataas na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may koneksiyon kay Janet Lim-Napoles at hindi ang  pinasibak niya kay PNoy na dalawang deputy directors. Tila nag-iba ng tono si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nang usisain kung ang Napoles isyu ba ang dahilan sa …

Read More »

Cudia nagpasaklolo sa Korte Suprema

Dumulog na sa Korte Suprema si First Class Cadet Aldrin Jeff Cudia para hilinging maisama siya sa mga magtatapos na kadete sa Philippine Military Academy (PMA). Sa petition for certiorari, prohibition and mandamus, na inihain ni Cudia, kanyang hiniling na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order o status quo ante order laban sa ipinataw na dismissal sa kanya …

Read More »

Base military sa PH ipagagamit sa US (Sa ilalim ng ‘security deal)

Pumayag na ang pamahalaang Filipinas na ipagamit sa United States (US) ang mga base-militar sa bansa sa ilalim ng bagong “security deal.” Nabatid na inilatag ang “security deal” sa anim na beses na dayalogo ng dalawang bansa sa Washington noong nakaraang linggo. Umaasa ang Amerika at Filipinas na maisasapinal ang mga terms ng “agreement on enhanced defense cooperation” bago ang …

Read More »

Karnaper tinugis ng pulis (1 todas, 2 sugatan )

 Patay ang isang karnaper at agaw-buhay ang kanayng kasama makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng MPD-ANCAR sa Taft Ave. kanto ng Quirino Ave, Malate, Manila. Naka-inset ang inagaw na motorsiklo ng mga suspek. (ALEX MENDOZA) Isa ang patay habang dalawa ang sugatan sa naganap na enkwentro ng mga pulis laban sa mga hinihinalang carnapper sa Maynila, iniulat kahapon. Sa panayam …

Read More »

Malakas na FOI bill ipaglalaban ni Sen. Poe

TINIYAK ni Sen. Grace Poe na ipaglalaban niya ang malakas na bersiyon ng Freedom of Information (FOI) bill kapag nakarating sa bicameral conference committee ang kontrobersyal na panukala na naglalayong bigyan ng access ang taong bayan sa mga impormasyon sa tanggapan ng pamahalaan. Sinabi ni Poe, sponsor ng panukala sa Senado, kailangan matiyak na malakas ang bersyon na maisabatas dahil …

Read More »

SINADYA ni Music legend and fight aficionado Bob Dylan (kaliwa) ang…

SINADYA ni Music legend and fight aficionado Bob Dylan (kaliwa) ang Wild Card Boxing Club sa Hollywood, California para panoorin ang sparring session ni Fighter of the Decade Manny Pacquiao. Naghahanda at nagsasanay si Pacquiao para sa pinakahihintay na rematch laban kay undefeated WBO World Welterweight champion Timothy Bradley. (Grab mula sa FB ni Manny Pacquiao)

Read More »

Messenger namboso na nang-video pa kalaboso

INARESTO at ikinulong ang 33-anyos messenger nang mabuko ang pamboboso at ini-video pa ang dalagang kapit-kuwarto, habang naliligo sa loob ng banyo, sa Taguig city,  kamakalawa ng gabi. Nabisto ng 28-anyos dalaga, na itinago sa pangalang Marlie, ang paninilip ng suspek na kinilalang si Elmer Lapid, nang kumislap ang cellphone niyang gamit sa pagkuha ng larawan habang naliligo ang biktima. …

Read More »

4 Binay staff sugatan sa Ifugao (SUV nahulog sa bangin)

BAGUIO CITY – Apat staff ang sugatan nang mahulog sa bangin ang isang sasakyan mula sa convoy ni Vice Pres. Jejomar Binay sa  Banaue, Ifugao   kahapon  ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Danilo Tamo, driver ng nasabing sasakyan, Alexander Solis, Alexander Sicat at Roman Campita, photographer. Sa impormasyon mula sa Ifugao Provincial Police Office, isang itim na Fortuner (SJR-272) …

Read More »

Utak ng madugong kudeta bagong Assec sa OP (Muntik magpabagsak kay Cory)

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III bilang assistant secretary sa Office of the President (OP) ang isa sa mga utak ng madugong kudeta na muntik magpabagsak sa administrasyon ng kanyang inang si Pangulong Cory Aquino noong Disyembre 1989. Inihayag kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang paghirang ng Pangulo kay Victor Batac bilang assistant secretary ng OP. Si Batac …

Read More »

Esmeralda, Lasala sinibak ni PNoy sa NBI

SINIBAK ni Pangulong Benigno Aquino III ang dalawang mataas na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI). Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang mga sinibak ay sina Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala, kapwa deputy directors ng NBI. Aniya, si Atty. Ricardo Pangan Jr. ang papalit kay Esmeralda at si Atty. Antonio Pagatpat ang papalit sa pwesto ni Lasala. …

Read More »

Negosyante ng gulay utas sa .9mm bala ng kawatan

ISANG bata ang nakaligtas sa bala ng kawatan nang hilahin siya ng kanyang ina pero sinawing-palad ang hindi nakaiwas na 62-anyos ginang na negosyante ng gulay nang makipagbarilan sa mga pulis ang suspek sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Rebecca Sapelino, 62, ng 122 Iba Este, Calumpit, Bulacan, binawian ng buhay sanhi ng isang tama ng …

Read More »

LALONG sumikip ang trapiko sa kanto ng Andrews Ave., at Tramo Ave., Pasay City kahapon nang biglang sumalungat sa daloy ng mga sasakyan (counterflow) ang isang lalaking nakamotorsiklo na may sukbit na baril, kasunod  nito ang convoy ng mga sasakyan na kinabibilangan ng isang puting sports utility vehicle (SUV) na may palakang numero dos (2). Wala mang wangwang, ang pagsalungat …

Read More »

Calixto, SMLI, 13 pa inasunto sa Omb (Sa Pasay City reclamation project)

SUSPENSIYON kina Pasay City Mayor Antonino Calixto, sa isang realty development at mga kagawad ng Sangguniang Panglungsod ang hiling ng isang Pasayeño na naghain ng kasong administratibo at kriminal sa Ombudsman dahil sa paglabag sa anti-graft practices ng mga nasasangkot. Bukod kay Calixto at sa SMLI, nahaharap din sa kasong  administratibo at kriminal sina vice mayor Marlon Pesebre; mga kasapi …

Read More »

Sanggol, 2 paslit, lolo, 4 pa todas sa sunog

WALO katao ang natusta nang lamunin ng apoy ang 100 kabahayan sa Tinajeros, Malabon city, at sa Zamboanga  City kahapon. Apat sa mga biktima ng sunog sa Malabon ay kinilalang sina Tomas Cruz, 72, lolo; Maylene Cruz-Mateo, 38, ina ng dalawang batang sina Lelei, 10 anyos  at Raylei, 5 anyos, magkakasama sa isang bahay  sa Espiritu St., Brgy. Tinajeros habang …

Read More »

Raket ni Dinky ibinisto ng madre (Cash for testimony ng Yolanda victims ‘pampabango’ ng DSWD)

HINAMON ng Malacañang ang madreng nagbulgar ng sinasabing “cash-for-testimony” raket ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman para pabanguhin ang imahe ng DSWD sa Yolanda relief operations, na maglabas ng ebidensya kaugnay sa nasabing anomalya. Hamon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., kay Benedictine Sister Edita Eslopor na magharap ng konkretong katunayan dahil hindi aniya tungkulin …

Read More »

Seguridad vs terorista inalerto (Atas ng Palasyo sa BI)

INATASAN ng Palasyo si Immigration chief Siegfrid Mison na higpitan pa ang ipinatutupad na patakarang pang-seguridad para hindi malusutan ng mga terorista. Ang direktiba ng Malacañang ay kasunod ng ulat na nakapuslit ang dalawang pasaherong may hawak na nakaw na pasaporte sa Malaysian Airlines flight MH370 na biglang nawala mula nang umalis sa Kuala Lumpur airport noong Sabado habang patungo …

Read More »

‘Piratang’ intsik timbog sa camcording

TIMBOG ang isang Chinese national nang maaktohang nagrerekord ng kanyang pinanonood na pelikula sa isang sinehan sa Mall of Asia, Pasay city, nitong nakaraang Biyernes. Sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Camcording Act ang suspek na kinilalang si Chen Shen Hua, 32,  pansamantalang nanunuluyan sa Unit 6B LPL Center 130LP Leviste St., Salcedo Village, Makati City. Inaresto ni PO3 Bienvenido Calvario, …

Read More »

NAG-IIYAK at naglulupasay sa galit ang amo ng kasambahay na si Doneza De Guzman, na sinabing nahagip at nakaladkad ng tren nang biglang tumawid sa riles sa Altura St., Sta. Mesa, Maynila kahapon. (BONG SON)

Read More »

4 pasahero gumamit ng nakaw na passports (Malaysia Airlines missing pa rin)

Iniimbestigahan ng Malaysia ang posibleng koneksyon sa terorismo ng pagkawala ng eroplano ng Malaysia Airlines nitong Sabado ng umaga. Sa pinakabagong ulat, may dalawang hindi kinilalang sakay ng eroplano ang may kwestyunableng pagkakakilanlan. Una nang napag-alaman na dalawang sakay ng nawawalang Malaysia Airlines flight MH370 ang gumamit ng nakaw na pasaporte ng isang Italyano at isang Austrian. Kinumpirma ng dalawang …

Read More »