Saturday , December 13 2025

Front Page

74-anyos Binondo restaurant nasunog

KABILANG ang 74-anyos Binondo restaurant sa natupok sa naganap na sunog sa residential-commercial area kahapon ng umaga sa Ongpin St., Binondo, Maynila. Ayon sa ulat ng Manila Fire Bureau, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang residential bldg. dakong 9:31 a.m. sa Ongpin corner Mañosa Streets. Bunsod nito, natupok din ang nakapaligid na commercial establishments sa lugar kabilang ang …

Read More »

2 warehouse ng tsinelas naabo sa Valenzuela

SINISIKAP apulain ng mga bombero ang apoy sa nasunog na dalawang warehouse ng tsinelas ng Adriatic Manufacturing sa Industrial Road, Brgy. Karuhatan, Valenzuela City. (RIC ROLDAN) NAABO ang mahigit sa P5 milyon halaga ng mga produkto at ari-arian makaraan tupukin ng apoy ang dalawang  warehouse ng tsinelas kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Dakong 7:02 a.m. nang magsimulang lamunin ng …

Read More »

Manunubang employer 14-taon kulong (Sa SSS contributions)

MAS mabigat na parusa para sa mga employer na hindi nakapagbabayad ng kanilang SSS contributions sa kanilang mga empleyado, ang isinusulong ngayon sa Kamara. Base sa House Bill 4405 na iniakda nina Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate (Party-list Bayan Muna), kalahati sa multang ibabayad ng mga walang konsensiyang employer ay ibibigay sa mga empleyadong naagrabyado. Ayon kay Rep. …

Read More »

Bebot nag-amok sa mayor’s office multi-cab sinunog

LEGAZPI CITY – Inaresto ng mga awtoridad ang isang 21-anyos babae makaraan magwala sa opisina ng alkalde at sinunog ang isang sasakyan sa bayan ng Baras, sa lalawigan ng Catanduanes kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Jelyn Dayawon Broso, mula sa San Miguel sa nasabing bayan. Napag-alaman, dakong 8 a.m. biglang sumugod sa Baras municipal building si Dayawon at sinilaban …

Read More »

Brillantes hoyo sa PCOS

GUSTONG ipakulong ng isang anti-corruption group sa Presidential Electoral Tribunal (PET) si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes at iba pang poll body officials dahil sa kuwestiyonableng paglipat ng libo-libong precinct count optical scan (PCOS) machines nang walang pahintulot ng hukuman. Isinampa ang petisyon nina Alicia Lazaga, Joel Abalos, Jonas Sinel na pawang residente ng Sta. Rosa City, at …

Read More »

‘Panday’ nasindak sa daga

BUKOD sa matinding init sa loob ng selda, inireklamo rin ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang nagkalat na mga ipis at daga na aniya’y sinlaki ng pusa. Si Revilla ay nakapiit sa PNP Custodial Center makaraan sumuko nitong Biyernes sa Sandiganbayan bunsod ng kasong graft at plunder kaugnay P10-billion pork barrel scam. Kaugnay nito, hiniling ng pamilya Revilla na …

Read More »

Jinggoy sumuko sa Crame

SINAMAHAN ni Manila Mayor Joseph Estrada ang kanyang anak na si Senador Jinggoy Estrada sa pagsuko kahapon kay CIDG chief, Supt. Benjamin Magalong sa Camp Crame kahapon. (RAMON ESTABAYA) DUMIRETSO sa PNP headquarters sa Camp Crame si Sen. Jinggoy Estrada para sumuko. Ito’y makaraan maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan Fifth Division laban sa senador sa kasong plunder at graft …

Read More »

National artists umaalma kontra Palasyo (Pagbasura kay Ate Guy insulto)

INALMAHAN ng national artists ang hindi pagkakabilang ng beteranang aktres na si Nora Aunor sa idineklarang national artists ng Malacañang kamakailan. Ayon kay National Commission for Culture and the Arts Chairman Felipe de Leon, Jr., kailangan magpaliwanag dito ang Palasyo. Sa deliberasyon pa lang aniya ng pagpili sa hihiranging national artists ay isa si Aunor sa mga nakakuha nang mataas …

Read More »

Dinukot na Chinese tourist nasagip 6 suspek arestado

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Republic Act 1084 at serious illegal detention ng Pasay City Police sa Prosecutor’s Office ang anim kalalakihang dumukot sa Chinese tourist nitong Biyernes. Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Florencio Ortilla ang mga suspek na sina Richard Eloriaga, 31; Christoper Esperat, 29; Roel Fausto, 32; Daniel Ren, 20; isang Tsinoy; Giovani Erollo, 20; …

Read More »

4-anyos tigok sa silver cleaning solution

PATAY ang 4-anyos batang lalaki nang aksidenteng mainom ang silver cleaning solution na nakalagay sa plastic bottle nitong Sabado ng umaga. Kinilala ng Pasay City Police ang biktimang si Rheven Mendoza, ng Santiago St., Pasay City, idineklarang dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital. Ayon kay SPO3 Allan Valdez , naganap ang insidente dakong 7:11 a.m. nitong Sabado …

Read More »

Yolanda victims agrabyado sa 3 pork senators (Kulungan maganda pa sa bunkhouses)

INIREREKLAMO ng mga tagasuporta, kaanak at mga survivor ng super typhoon Yolanda ang malaking pagkakaiba ng detention cells ng mga senador na sangkot sa pork barrel scam at bunkhouses na ipinatayo para sa mga biktima ng bagyo. “The clear and wide gap of discrepancies between the pork detention cells and the bunkhouses for Yolanda victims and survivors only shows who …

Read More »

3 todas sa MNLF vs ASG

TATLO ang kompirmadong patay sa mahigit sa isang oras na sagupaan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Al-Barka, Basilan noong Sabado ng umaga. Kabilang sa mga napatay ang komander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Basilan na si Basir Kasaran dahil sa tama ng bala sa ulo at dalawang kasapi ng MNLF na …

Read More »

Mandato ‘agimat’ ng Palasyo kontra Nora Aunor (Paliwanag ni Coloma)

IDINEPENSA ng Malacañang ang desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi isama si award-winning actress Nora Aunor sa listahan ng bagong National Artists. Inihayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang desisyon ni Aquino ay base sa kung sino ang higit na nagsilbi sa interes ng bansa. Nang itanong kung ang dahilan ni Aquino ay politikal o may kaugnayan …

Read More »

VIP prisoners ipinabubusisi ni Miriam

PINAIIMBESTIGAHAN ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Senado ang napaulat na “VIP prisoners” o ang mga bilanggong namumuhay nang maluho kahit nasa loob ng kulungan. Dahil dito, nakatakdang ihain ni Santiago ang Senate Resolution No. 525, naglalayong imbestigahan ng kinauukulang komite sa Senado ang aniya’y anomalous situation sa New Bilibid Prison. Ito ay kasunod ng ulat na may mga bilanggo sa …

Read More »

2 konsehal tepok 3 pa sugatan (SUV swak sa tulay)

DALAWANG konsehal ang patay habang tatlo pa ang sugatan nang mahulog sa tulay ang sinasakyang SUV sa Sto. Niño, Cagayan. Kinilala ang mga namatay na sina Councilor Orlando Campano at Councilor Rosendo Ruiz. Nagpapagaling sa ospital ang mga sugatang konsehal na sina Jamil Romeo Uy, Felomena Tulali at Romeo Pecson. Pauwi na sakay ng Mitsubishi Montero ang mga biktima galing …

Read More »

Bus tumagilid sa hi-way 30 sugatan

Sugatan ang may 30 pasahero nang tumagilid ang isang pampasaherong bus sa barangay Dauis Norte, Carmen, Cebu, kahapon ng hapon. Ang mga sugatan ay kinabibilangan ng driver ng Ceres Bus na si Ronald Lato. Isinugod sa Vicente Sotto Memorial Medical Center at Danao Provincial Hospital ang mga sugatang pasahero. Ayon kay Lato, sinubukan niyang mag-overtake sa isang motorsiklo pero nawalan …

Read More »

No price hike sa bigas, bawang, baboy – Palasyo

TINIYAK ng Malacañang na base sa pahayag ng industry players, walang magaganap na pagtaas sa presyo ng bigas, bawang, karne ng baboy at iba pang pangunahing bilihin. Binigyang-diin ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hindi pahihintulutan ng gobyerno ang mga mapagsamantala na magpapataas nang sobra sa iba’t ibang mga bilihin. Ayon kay Coloma, nagpulong kamakailan ang National Price Coordinating Council …

Read More »

P178-M 6/55 Grand Lotto no winner pa rin – PCSO

WALA pa ring nanalo sa jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. Ito ang naging anunsyo ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Acting Chairman Ferdinand Rojas II, kasunod ng isinagawang draw nitong Sabado ng gabi. Walang nakakuha ng lumabas na ticket combination na 37, 41, 29, 34, 52, 16. May nakalaan itong P178,876,580 pot money. Dahil dito, inaasahang papalo na sa …

Read More »

Nora Aunor ‘ibinasura’ ni PNoy (6 idineklarang National Artists)

NILAGDAAN na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Proclamation Numbers 807, 808, 809, 810, 811 at 812 na nagdedeklara bilang National Artists kina Alice Reyes – Dance; Francisco Coching (Posthumous) – Visual Arts; Cirilo Bautista – Literature; Francisco Feliciano – Music; Ramon Santos – Music; at Jose Maria Zaragoza (Posthumous) – Architecture, Design and Allied Arts. Sinabi ni Communications …

Read More »

P30K Shabu bistado sa Korean noodles (Ipapasok sa BI jail)

KULUNGAN ang binaksakan ng 28-anyos babae nang tangkaing ipasok sa loob ng Immigration detention cell sa Camp Bagong Diwa ang noodles na may nakaipit na shabu kamakalawa sa Taguig City. Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act sa Taguig City Prosecutors Office si Mary Ann De Leon, ng 546 Alonzo St., Malate, Manila na nakompiskahan ng tatlong sachet …

Read More »

Pangil vs human trafficking talasan pa — Palasyo (Panawagan sa mambabatas)

NANAWAGAN ang Palasyo sa mga mambabatas na gumawa ng batas na magpapataw nang mas mabigat na parusa sa mga sangkot sa human trafficking. Inamin ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kulang pa ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang bigyan ng proteksyon ang mga mamamayan laban sa human traffickers. Sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act o Republic Act 10364, ang parusa …

Read More »

3 sa 5 Pinoy ‘di kayang bumili ng pagkain

TATLO sa limang Filipino ang nahihirapan pa ring makabili nang sapat na pagkain sa nakaraang quarter ng taon, ayon sa survey na isinagawa ng development think tank. Ayon sa survey ng IBON Foundation, sa 1,500 respondents mula noong Abril 24 hanggang 30, napag-alaman na 59.3 porsyento ang nagsabing nahirapan sila sa pagbili ng pagkain sa nasabing period. Bukod dito, sinabi …

Read More »

Rantso inayawan ni Bong

NAKATULOG nang maayos si Senador Bong Revilla Jr. sa kanyang unang gabi sa Custodial Center sa Camp Crame at bantay sarado ang kanyang selda. Kamakalawa ng gabi, paglabas ng pamilya ni Senador Revilla sa kanyang kulungan ay hindi na pinalapit ang media sa kanyang selda. Una rito, humingi ng pagkain si Revilla Jr. bukod sa pagkain niya sa loob ng …

Read More »