Tuesday , January 25 2022

Bangkay ng Aussie model itinapon sa tunnel

ISANG bangkay ng Australian model ang nakitang tadtad ng tama ng bala sa katawan sa Kayblang Tunnel road, Maragondon, Cavite, nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay S/Supt. Joselito Esquivel, Cavite Police Provincial Office (CPPO) director, ang bangkay ng biktimang si Brenton Trevon Metken, 58, ay nakita ng mga residente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, papunta sa Batangas ang biktima para sa isang engagement nang maganap ang brutal na pagpatay sa kanya.

“May posiblidad na pinatay ang biktima habang nasa byahe at itinapon ang katawan sa Cavite para iligaw ng mga salarin ang imbestigasyon,” pahayag ni Esquivel.

Napag-alaman na may tourist visa si Metken na inisyu noong Pebrero 14, na pansamantalang nanunuluyan sa isang apartment sa Ayala, Alabang, Muntinlupa City.

Sinabi ni Esquivel na bumuo siya ng grupo na tututok sa kaso upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Rabiya Mateo Lolo Narding Flores

Rabiya abogado ang tulong na maibibigay kay Lolo Narding

HATAWANni Ed de Leon NANAWAGAN ang dating Miss Universe contestant at nag-aartista na ngayong si Rabiya Mateo sa kung …

Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar

Las Piñas City LGU pasado sa SGFH ng DILG

INIANUNSIYO nitong Huwebes, 20 Enero 2022, ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar ang pagpasa …

Para sa CoVid-19 test kits PITMASTER NAGBIGAY NG P100-M SA LGUs

Para sa CoVid-19 test kits
PITMASTER NAGBIGAY NG P100-M SA LGUs

SA PATULOY na pagsirit ng hawaan ng CoVid-19 sa bansa partikular sa Metro Manila, nag-donate …

NTC suportado sa pagtutol ng OSG sa “ABS-CBN Favoritism Bill” na isinusulong ni Sen. Leila De Lima

SINUPORTAHAN ng National Telecommunication Commission (NTC) ang pagtutol ng Office of the Solicitor General (OSG) …

Cha-cha ipaubaya sa sunod na kongreso — Rodriguez

HINIMOK ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang mga kasamahan niya sa Kongreso na ipaubaya …

Leave a Reply