Wednesday , July 24 2024

Baby girl todas sa rapist (Bangkay iniwan sa ilalim ng jeep)

NATAGPUANG walang buhay ang isang taon gulang sanggol na babae at walang saplot na pang-ibaba, sa ilalim ng nakaparadang pampasaherong jeep sa Don Ejercito Street, Brgy. Tibagan, San Juan nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa jeepney driver na si Efren Martinez, naglilinis siya ng kanyang jeepney nang matagpuan ang bangkay ng sanggol sa ilalim ng sasakyan dakong 8:30 a.m.

Nakita sa footage ng closed-circuit television (CCTV) camera ng kalapit na bahay, ang isang kabataang lalaking nakasuot ng white striped shirt at denim shorts na naglalakad habang karga ang sanggol na buhay pa dakong 3:17 a.m.

Hinala ng mga residente, ang sanggol ay ginahasa dahil sa nakitang sugat sa kanyang ari.

Ngunit sinabi ng mga awtoridad, kailangan pa nila itong kompirmahin.

Anila, iimbestigahan nila ang posibleng dahilan ng pagkamatay ng sanggol dahil walang nakitang sugat sa kanyang katawan.

Hinahanap din nila ang isang babae na unang nag-ulat na nawawala ang kanyang anak dakong 1 a.m.

About hataw tabloid

Check Also

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Carina ulan baha

Klase suspendido sa Metro Manila at Cavite Province

SUSPENDIDO ang klase sa ilang paaralan sa Metro Manila at lalawigan ng Cavite dahil sa …

072324 Hataw Frontpage

POGO ‘TODAS’ KAY BONGBONG

“EFFECTIVE today all POGOs are banned.”                Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., …

Cruise Visa Waiver DOT DOJ Immigration

PH target maging tourist hub of Asia  
CRUISE VISA WAIVER INILUNSAD NG BI DOT, DOJ NAKIISA

PARA higit na palakasin ang turismo sa bansa, inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang …

Bulacan Police PNP

No. 1 MWP – City Level, 16 lawbreakers timbog

ARESTADO ng mga awtoridad ang anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, tatlong pinaghahanap …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *