TUMALON mula sa ika-45 palapag ng isang condominium ang apo ni dating Manila Mayor at ngayon ay party-list Rep. Lito Atienza dahil sa matinding depresyon sa lungsod ng Makati kamakalawa ng hapon. Namatay noon din ang biktimang si Andrea Georgia “Adi” Atienza Beltran, 18, ng West To-wer 1 Condominium,1 Rockwell Drive, Brgy. Poblacion, Makati City, estudyante ng Endoron Colleges, Global …
Read More »P50-M massacre deal sa DoJ kompirmado
MISMONG ang dating tauhan ni Andal Ampatuan Sr., ang nagkompirma na nagkaroon ng P50 million deal para sa public prosecutors ng Maguindanao massacre case. Nangyari aniya ang nasabing kasunduan noong siya ay nasa panig pa ng mga Ampatuan. Ayon kay Lakmodin Saliao, siya ang naatasan noon na makipag-usap sa abogado ng kanyang amo para ibigay ang nasabing halaga. Kwento ni …
Read More »Revilla 90-araw suspendido — Sandigan
INIUTOS na ng Sandiganbayan 1st division ang pagsuspinde kay Sen. Bong Revilla, nahaharap sa kasong plunder dahil sa pork barrel fund scam. Sa resolusyon ng Sandiganbayan 1st division, 90 araw o katumbas ng tatlong buwan ang suspensiyon kay Revilla. Noong nakaraang buwan, unang sinuspinde bilang senador sina Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile. May pagkakataon pa ang kampo ni Revilla …
Read More »Probe vs CCT pinalagan ng Palasyo
PUMALAG ang Malacañang sa giit ng mga mambabatas na imbestigahan ng Kongreso ang epekto ng conditional cash transfer (CCT) program. Una rito, sinabi nina Sen. Bongbong Marcos at House Minority Leader Ronaldo Zamora, walang patunay na nabawasan ang bilang ng mga mahihirap na pamilya sa bansa dulot ng CCT program. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, mainam na mismong bumaba …
Read More »Killer tandem pumalag sa parak tigbak
SINISIYASAT ng mga tauhan ng Manila Police District-Homecide Section ang bumulagtang riding in tandem makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa P. Burgos Dr., Intramuros, Maynila. (BONG SON) BUMULAGTANG walang buhay ang dalawang hindi nakilalang lalaki nang makipagpalitan ng putok sa dalawang pulis na sumita sa kanila kahapon ng madaling-araw sa Ermita, Maynila. Ayon sa ulat ni PO2 Michael …
Read More »Paslit pisak sa oil tanker (4 sugatan)
PATAY ang isang paslit at sugatan ang tatlong kaanak at isang kapitbahay nang ararohin ng isang oil tanker sa Caniogan, Pasig City, kamakalawa ng gabi. Naglalaro ang biktimang si Jowielyn Virania, 5, kasama ang iba pang mga bata sa harap ng isang bahay nang biglang umandar ang nakaparadang oil tanker na nag-deliver ng oil products sa katapat na gasolinahan. Ayon …
Read More »Sarhento dedbol sa rapido (Dyowa kritikal)
PATAY ang isang pulis habang kritikal ang kanyang kinakasama makaraan paulanan ng bala ng dalawang hindi nakilalang armadong lalaki na lulan ng Ford Everest sa Muntinlula City kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay noon din si SPO3 Rolando Lavarez, 54, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP-3) ng Muntinlupa City Police, residente sa Antonio Compound, Sitio Fantastic, Brgy. Alabang, Muntinlupa City. …
Read More »Banta ni Jaafar inismol ng Palasyo
MINALIIT ng Palasyo ang banta ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chairman for military Affairs Ghadzali Jaafar na babalik ang kanilang grupo sa armadong pakikidigma kapag nabigo ang Malacañang na maisumite sa Kongreso ang Bangsamoro Basic Law draft sa loob ng isang buwan. Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, mas pinakikinggan ng administrasyong Aquino sina MILF Chairman Al Haj …
Read More »Nobyo nalunod nang mag-dive sa sea cliff (Trahedya sa swimming date ng mag-syota)
NAUWI sa trahedya ang masayang paliligo sa beach ng magkasintahan nang malunod sa lakas ng alon ang isa sa kanila sa Nasugbu, Batangas kamakalawa. Dead-on-arrival sa Jabez Medical Hospital ang biktimang si Leo Biñas, 30, ng 32 Orchids LBC, Marikina City. Dakong 2:30 p.m., masayang naliligo ang biktima kasama ang nobyang si Clarissa Calugay, sa Tali Beach, Brgy. Natipuan, Nasugbu, …
Read More »Bagyong Jose super typhoon na – JTWC
ITINUTURING na ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ang tropical Jose na may international name na Halong, bilang super typhoon. Ang nasabing bagyo ay pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) kamakalawa ng gabi at naging ika-10 sama ng panahon para sa taon 2014. Sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), hindi ito magkakaroon ng landfall …
Read More »PNoy ‘di na uulit
WALANG balak si Pangulong Benigno Aquino III na labagin ang batas at palawigin pa ang kanyang termino kahit pa may gumugulong na online petition na humihiling na manatili siya sa Palasyo matapos ang 2016. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., malinaw ang nakasaad sa Saligang Batas na hanggang isang termino o anim na taon lang ang panunugkulan ng Pangulo …
Read More »Desperado nanratrat at nagbaril sa sentido ( Mag-asawang biyenan patay, live-in partners kritikal)
PATAY ang mag-asawang biyenan habang kritikal ang mag-live-in nang magwala at mamaril ang 33-anyos lalaki na ayaw nang balikan ng kanyang kinakasama sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa. Hindi na nadala sa ospital ang mga biyenan ng suspek (nasa kritikal na kondisyon) na kinilalang si Arvi Villa, 33, ng No. 3 Aquarius St., Remarville Subd., Bagbag, Novaliches, Quezon City, nang magbaril …
Read More »Yolanda survivor CPA board topnotcher
HINDI makapaniwala ang isang Yolanda survivor na siya ang nakakuha nang pinakamataas na marka sa katatapos lamang na 2014 Certified Public Accountant Licensure Exam sa buong Filipinas na ibinigay ng Professional Regulations Commission (PRC). Kwento ni Rommel Rhino Edusma, “overwhelmed” siya at walang mapagsidlan ng kanyang kaligayahan dahil isa ito sa kanyang mga pangarap. Napag-alaman na si Edusma ay galing …
Read More »Bagyong papasok sa PAR, lalong lumalakas — Pagasa
LALO pang lumakas ang bagyong nasa karagatang Pasipiko na nakaambang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR). Ayon sa Pagasa, taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 160 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa bilis na 10 kilometro bawat oras sa direksyon …
Read More »Ebola virus monitoring higpitan — Palasyo
PINAWI ng Malacañang ang pangamba ng mamamayan kaugnay sa Ebola virus outbreak na halos isang libong katao na ang namatay. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, may sapat na kakayahan ang Department of Health para ma-monitor ang pagpasok ng mga galing Africa. Ayon kay Valte, puspusan ang ginagawang pagbabantay sa mga paliparan na naka-heightened alert para mapigilang makapasok ang …
Read More »Uploader ng sex video ni Paolo Bediones tinutunton ng PNP (Nagpadala ng blackmail letter)
INILAGAY ni TV5 news anchor Paolo Bediones sa kanyang Instagram account ang larawan ng blackmail letter na kanyang tinanggap kaugnay sa video ng pakikipagtalik niya sa isang starlet. “At the PNP-Anti Cybercrime Division. Investigation has begun. Please help me put a stop to this. Thank you,” ayon sa inilagay na caption ni Bediones sa kanyang post. Si Bediones ay naghain …
Read More »Bangkay ng Aussie model itinapon sa tunnel
ISANG bangkay ng Australian model ang nakitang tadtad ng tama ng bala sa katawan sa Kayblang Tunnel road, Maragondon, Cavite, nitong Huwebes ng gabi. Ayon kay S/Supt. Joselito Esquivel, Cavite Police Provincial Office (CPPO) director, ang bangkay ng biktimang si Brenton Trevon Metken, 58, ay nakita ng mga residente sa nasabing lugar. Sa imbestigasyon ng pulisya, papunta sa Batangas ang …
Read More »Baby girl todas sa rapist (Bangkay iniwan sa ilalim ng jeep)
NATAGPUANG walang buhay ang isang taon gulang sanggol na babae at walang saplot na pang-ibaba, sa ilalim ng nakaparadang pampasaherong jeep sa Don Ejercito Street, Brgy. Tibagan, San Juan nitong Biyernes ng umaga. Ayon sa jeepney driver na si Efren Martinez, naglilinis siya ng kanyang jeepney nang matagpuan ang bangkay ng sanggol sa ilalim ng sasakyan dakong 8:30 a.m. Nakita …
Read More »3-anyos kinidnap ng yayang bading
DUMULOG sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang mga magulang ng tatlong-taon gulang na batang lalaki na dinukot ng kanyang bading na yaya sa Maynila, kamakalawa. Ang magkarelasyong Jayson Jervoso, 30, at Jessel Lazarna, 28, kapwa ng 1222 BF Muñoz St., San Andres, Maynila ay lumapit kay PO3 Adonis Aguila, ng MPD-GAIS, upang i-report ang pagkawala ng …
Read More »Kris inihingi ng suporta sa publiko si ‘Kuya Noy’ (Bilang ‘big’ taxpayer)
MISMONG si presidential sister Kris Aquino ay duda kung kayang tapusin ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang termino hanggang 2016. Sa kanyang mensahe kahapon makaraan ang misa para sa ikalimang death anniversary ni dating Pangulong Cory Aquino sa Manila Memorial Park, bilang nagbabayad aniya nang malaking buwis ay nanawagan si Kris sa publiko na bigyan ng lakas ang kanyang …
Read More »Jeep sumalpok sa Gas Station 2 patay, 26 sugatan (Pedestrians inararo)
DALAWA ang kompirmadong patay at 26 ang grabeng nasugatan nang bumangga sa pader ng gasolinahan ang pampasaherong jeep na nawalan ng preno sa Masinag Marcos Hi-way, Brgy. Mayamot, Antipolo City. Sa inisyal na ulat ng Antipolo PNP, kinilala ang namatay na sina Miguel Potol at isang Diana Luning, kapwa residente ng lungsod. Kritikal ang 26 katao na pawang pasahero at …
Read More »Alerto itinaas ng DoH vs Ebola virus
NAGTAAS pa ng alerto ang Department of Health (DoH) nang pumalo na sa halos 800 ang bilang ng mga namamatay dahil sa Ebola virus. Ito ay mula sa mahi-git 1,200 na bilang ng mga tinamaan ng naturang sakit. Ayon kay DoH spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, maituturing nang nakaaalarma ang halos 50-75 percent fatality rate para sa kahit anong sakit. …
Read More »Lisensya naging peke nang tubusin sa pulis
INIREKLAMO ang isang bagitong traffic policeman dahil naging peke ang lisensya ng isang jeepney driver na kanyang hinuli sa traffic violation sa Tondo, Maynila. Si PO1 Arni Campo, Jr., nakatalaga sa Manila Police District-Traffic Division, ay sinampahan ng kasong swindling at paglabag sa Article 172 Falsication by Private Indivual and use of Falsified Document, ng biktimang si Michael Paglinawan, 28, …
Read More »Bagyong Jose papasok sa Lunes
MAAARING pumasok sa Lunes o Martes sa Philippine Area of responsibility ang namataang panibagong tropical storm sa Pacific Ocean. Ayon kay Pagasa forecaster Gener Quitliong, sa ngayon nasa Pacific Ocean pa ang namumuong sama ng panahon na may taglay lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometers per hour (kph) at pagbugso na 100 kph. Gayunman, wala pang forecast model …
Read More »P500-B lump sum sa 2015 budget idetalye — oposisyon (Giit sa Palasyo)
HINIMOK ni House independent minority leader Ferdinand Martin Romualdez ang mga kapwa niya kongresista na huwag palusutin ang mahigit kalahating trilyong lump sum sa ilalim ng 2015 proposed budget ng Malacanang. Ayon kay Romualdez, dapat obligahin ng Kamara ang Palasyo na idetalye kung saan mapupunta ang P501.6 billion na special purpose fund kung talagang paninindigan ng administrasyon ang isinusulong nitong …
Read More »