Thursday , December 26 2024

Front Page

P7-M shabu itinago sa sandals, nabisto

CAGAYAN DE ORO CITY – Nabawi ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad mula sa isang hinihinalang drug pusher ang tinatayang P7 million halaga ng shabu sa siyudad ng Iligan. Sa entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naaresto ang suspek na si Mansawi Sumangcad Odin, tubong siyudad ng Marawi. Inihayag ni PDEA regional director Emerson Margate, nakuha sa …

Read More »

Wage hike pinag-aaralan ng DoLE

PINAG-AARALAN ng National Wage and Productivity Commission (NWPC) ang epekto ng pagtaas ng presyo ng pangunahing mga bilihin sa sweldo ng mga manggagawa. Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, patuloy na mino-monitor ng NWPC ang inflation, ngunit sa ngayon ay wala pang ulat na naisusumite sa kanya kung ang antas ng inflation ay sapat nang gawing batayan ng panibagong umento …

Read More »

Accreditation ng NGOs lusot sa House panel

INAPRUBAHAN na ng House Committee on People’s Participation ang panukalang batas para sa accreditation ng lahat ng non-governmental organization (NGO) at people’s organizations na pwedeng tumanggap ng salapi mula sa gobyerno. Layunin nito na tumibay pa ang sistema para sa accountability at transparency sa paggamit ng pondo ng bayan para hindi na maulit ang pamamayagpag ng Napoles NGOs na naging …

Read More »

Misis at lover tiklo sa motel (Ministro pinendeho)

KALABOSO ang misis at ang kanyang kalaguyo makaraan maaktohan ng mismong asawang abogado na magkapatong sa loob ng isang motel sa Pasig City kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang nagreklamong mister na si Atty. Abraham Constante Espejo, 51, isang ministro ng kilalang sekta, at residente ng Marikina City. Habang ang mga inireklamo ay sina Marie Anntoinette Espejo alyas Bubbles, …

Read More »

116 DAP projects ‘di pa isasapubliko (Palasyo bumubuo pa ng diskarte)

WALANG plano ang Malacañang na isapubliko ang 116 proyekto na tinustusan ng pondo mula sa  Disbursement Acceleration Program (DAP) hangga’t hindi nakabubuo ng legal na diskarte ang Palasyo makaraan ideklarang unconstitutional ng Supreme Court ang kontrobersiyal na multi-bilyong programa ng administrasyong Aquino. Kamakalawa ay hinamon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang Malacañang na ihayag kung saan napunta …

Read More »

Napoles inayawan ng CBCP (Hirit na kustodiya ibinasura)

BAGAMA’T nagalak sa hiling ni Janet Napoles na siya ay doon ikustodiya, tinanggihan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang pork barrel scam queen dahil sa posibleng gusot na idudulot sa Simbahan at sa batas ng bansa. Sa ipinalabas na kalatas ng CBCP sa pamamagitan ng kanilang presidente na si Archbishop Socrates “Soc” Villegas, inihayag niyang maganda ang …

Read More »

P4.5-M shabu kompiskado sa sampaguita boy

ARESTADO ang 36-anyos sampaguita boy makaraan mabentahan ng shabu ang isang confidential agent sa Rodriguez, Rizal kahapon ng umaga. Sa ulat na tinanggap ni Supt. Samuel Delorino, hepe ng Rodriguez Police, kinilala ang suspek na si Eddie Domingo y Asesor alyas Boy Sampaguita, nasa hustong gulang, at nakatira sa #291 Laguerta St., Brgy. San Vicente, San Pablo, Laguna. Dakong 8:30 …

Read More »

Modelo naglason (Nobyo nagpakasal sa iba)

MAKARAAN magpakasal sa iba ang kanyang nobyo, naglason ang isang 29-anyos modelo sa Baguyan City, Agusan del Sur kamakalawa. Sa ulat ni SPO2 Noel Tanghay, ng Bayugan City Police Station, walang foul play sa pagkamatay ng biktimang si Christine Escobia, tubong Davao City, ng Purok 8, Brgy. Poblacion, Bayugan City. Natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang bakanteng bahay sa …

Read More »

Health issues ni Enrile titiyakin pa (Bago payagan sa PNP Gen. Hospital)

KAILANGAN pang i-validate ang health issues ni Sen. Juan Ponce Enrile bago tuluyang mabigyan ng full clearance na manatili sa PNP General Hospital. Ayon sa mga mahistrado ng Sandiganbayan, bagama’t pormalidad na lamang ito dahil nasa ospital na si Enrile noon pang nakaraang linggo, dapat pa rin sundin ang panuntunan para sa mga bilanggo. Sinasabing maayos ang kalusugan ng mambabatas …

Read More »

DAP projects walang paper trail?

MALABO pang malaman ng publiko kung talagang may nakinabang sa mga proyektong tinustusan ng multi-bilyong pondo ng Disbursement Acceleration Program (DAP) dahil mismong Palasyo ay wala pang kopya ng listahan nito. “We will inquire from DBM if those—if we have the list, the funding of those projects, and if we can outline and release it to the public. We do …

Read More »

Gigi Reyes hiling ilipat siya sa PNP detention center (Enrile humirit ng hospital arrest)

HINILING ni Atty. Jessica Lucila ”Gigi” Reyes sa Sandiganbayan Third Division na ipalipat siya sa Philippine National Police (PNP) custodial center. Sa urgent motion to transfer detention na inihain sa pamamagitan ng abogadong si Atty. Christian Diaz, sinabing mas akmang makulong si Reyes sa PNP custodial center sa Camp Crame. Ito ay dahil may sapat na pasilidad ang custodial center …

Read More »

Enrile humirit ng hospital arrest

HINILING ni Senate minority leader Juan Ponce Enrile sa Sandiganbayan ang pansamantalang hospital arrest sa PNP General Hospital habang nakabinbin pa ang kanyang hirit na motion for bail kaugnay ng kasong plunder bunsod ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam. Ang 90-anyos na si Enrile ay dinala sa PNP General Hospital noong nakalipas na Biyernes nang pumalo …

Read More »

Rice hoarders sa Vizmin sasalakayin

TINIYAK ni Secretary Francis “Kiko” Pangilinan, presidential assistant on food security and agricultural modernization, hindi lamang sa bahagi ng Luzon ang focus ng kanilang kampanya laban sa rice hoarders. Ayon kay Pangilinan, susunod na rin nilang sasalakayin ang operasyon mg rice hoarder sa Visayas at Mindanao. Ang hakbang ng tangapan ng kalihim, National Food Authority (NFA) at Philippine National Police-Criminal …

Read More »

71-anyos ina nagbigti (May sama ng loob sa anak)

NAGA CITY – Labis-labis ang pagsisisi ng isang anak na naging dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang ina sa Brgy. Taytay, Goa, Camarines Sur. Kinilala ang biktimang si Lourdes Peñaflorida, 71-anyos. Ayon kay PO3 Reynan Obias, nabatid na nagpaalam ang biktima sa kanyang asawa na maghahanap ng gulayin. Ngunit ilang oras na ang nakararaan, hindi pa rin siya bumabalik at nang …

Read More »

Magsasaka binoga ng katagay (Nagtalo sa alak na bibilhin)

PINAGBABARIL hanggang mapatay ng kainoman ang isang lalaki makaraan0 magtalo sa bibilhing alak sa San Rafael, Bulacan kamakalawa ng gabi. Sa ulat na ipinadala ng San Rafael PNP kay Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police director, kinilala ang biktmang Alfredo Mempin, 53, magsasaka at residente ng Brgy. Diliman, sa naturang bayan. Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Alvin …

Read More »

3 sa pamilya nalason sa kabute

GENERAL SANTOS CITY – Isinugod sa pagamutan ang tatlong miyembro ng isang pamilya nang nalason sa kabute na kanilang kinain. Kinilala ang mga biktimang si Paulino Quining, 61; anak niyang si Freddie Quining, 26; at ang isang taon gulang na apo na si Keeper John Quining, pawang residente ng Upper Alabel Sarangani Province. Ayon sa ulat, umaga nang kumuha sila …

Read More »

62-anyos kano todas sa Samurai

NAPATAY sa saksak ng isang Samurai ang 62-anyos American national ng isang 29-anyos lalaki sa Makati City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Makati City police chief Sr. Supt. Manuel Lukban ang biktima na si Robert Trotter ng 2963 General del Pilar St., Brgy. Bangkal. Namatay noon din si Trotter sanhi ng malalim na saksak ng samurai sa katawan habang arestado …

Read More »

HS principal, guidance counselor, 2 titsers inasunto sa pang-aabuso

DAHIL sa pang-aabuso sa mga estudyanteng menor de edad, isang high school principal, isang guidance counselor at dalawang guro sa Rodriguez Rizal ang sinampahan ng kasong child abuse sa Rizal’s Prosecutors’ Office. Kinilala ang mga sinampahan ng kaso sa Rizal Prosecutor’s Office ng paglabag sa Republic Act (RA) 7610 o child abuse ang principal ng Silangan National High School na …

Read More »

Seguridad sa 2015 ni Pope Francis tiniyak ng Vatican

BILANG paghahanda sa pagbisita ni Pope Francis sa Enero 2015, nagsagawa ng inspeksyon ang mga taga-Vatican sa ilang lugar na posibleng bisitahin ng Santo Papa sa Visaya. Kabilang sa ininspeksyon ang ilang lugar sa Tacloban at Palo, Leyte, mga lugar na matindi ang pananalasa ng Bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013. Pangungunahan ng Santo Papa ang blessing sa bagong Palo Cathedral. …

Read More »

3 UP USC officials sinuspinde sa hazing

TATLONG opisyal ng University Student Council (USC) ng University of the Philippines na kasapi ng Upsilon Sigma Phi Fraternity ang sinuspinde dahil sa insidente ng hazing sa unibersidad. Una nang iniulat na isang estudyante ang sugatan at naospital dahil sa isinagawang initiation rites. Napag-alaman na mga opisyal ng naturang samahan ang sinuspinde na sina USC Vice Chairperson JP delas Nieves, …

Read More »

Kapoteng pvc may tama sa utak ng tao

PINAG-IINGAT ang mga magulang ng isang ecological group sa pagpili ng mga kapote na kanilang bibilhin para sa kanilang anak para proteksyon sa ulan . Nadiskubreng ilang kapote o raincoat ang gawa sa polyvinyl chloride (PVC) plastic ang may toxic additives tulad ng lead. Batay sa EcoWaste Coalition, nakabili sila sa Divisoria at Baclaran ng mga PVC raincoats na ipinagbibili …

Read More »