Monday , March 4 2024
arrest, posas, fingerprints

Exec huli sa P1.3-M shabu sa parcel

ARESTADO ang isang babaeng marketing officer nang tanggapin ang isang parsela na naglalaman ng may P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakatago sa isang massager, sa ikinasang controlled delivery operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite, nabatid kahapon.

Kinilala ang suspek na si Georgette Elio, 24 anyos, marketing officer, at residente sa Indiana St., North 1, San Marino City Subdivision, Dasmariñas, Cavite.

Itinanggi ni Elio ang akusasyon, at sinabing ang parcel ay hindi sa kanya, kundi ipinakisuyo ng isang Nigerian na nakilala niya sa pangalang Alfred, 34 anyos, na tatlong ulit umano niyang naka-date, at nanunuluyan sa Bacoor, Cavite.

Batay sa ulat, dakong 6:00 pm nitong Biyernes, nang maaresto ang suspek malapit sa kanyang tahanan.

Ayon sa PDEA, bago ang pag-aresto ay dumating ang parsela sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at nang idaan sa x-ray machine at ipaamoy sa K9 dogs, ay nadiskubreng may laman na 200 gramo ng shabu, na nakatago sa massager.

Ang parsela ay idineklara anila bilang “Deep Tissue Massager” na ipinadala ng isang Thea Kruger, may address sa 209 Grosvoner Road, 0083 Hatfield, South Africa at naka-consign kay Elo.

Agad nagkasa ng controlled delivery operation ang mga awtoridad at naaresto ang suspek nang tanggapin ang pakete.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy kung may katotohanan ang sinasabi ng suspek.

Makikipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration (BI) at sa South African Embassy hinggil dito. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

road traffic accident

Kinapos ng paghinga, pulis nahulog sa mobile vehicle nasawi sa sagasa ng Mitsubishi L200

ISANG malagim na insidente ang naganap nang ang isang miyembro ng Bulacan PNP ay nasawi …

Robin Padilla Mariel Rodriguez IV Drip

Sen Robin at Mariel humingi ng sorry sa gluta session

MA at PAni Rommel Placente NAGPADALA ng dalawang sulat si Sen. Robin Padilla noong Lunes, February 26,  …

Heather White Buhain Swimming

Ajido, White kumubra ng bronze sa AACG

CAPAS, TARLAC –  Binuhay nina Jamesray Mishael Ajido at Heather White ang pag-asa ng team …

Law court case dismissed

Sa Jemboy Baltazar case
PULIS GUILTY SA HOMICIDE, 4 KABARO, 4 BUWAN KULONG BUGAYONG, ABSUWELTO 

“GANOON LANG? Makalalaya lang sila, sana maramdaman din nila ‘yung nararamdaman ng pamilya ko ngayon …

Sa kasong Statutory Rape LAGUNA REGIONAL LEVEL NA MWP INARESTO NG MAGDALENA POLICE

Sa kasong Statutory Rape
LAGUNA REGIONAL LEVEL NA MWP INARESTO NG MAGDALENA POLICE

CAMP B/GEN. PACIANO RIZAL – Arestado ang isang most wanted person (MWP) sa regional level …