Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

May sukbit na toy gun, senglot binoga sa ulo

PATAY ang isang lalaking lasing na may sukbit na toy gun makaraang barilin sa ulo kamakalawa ng gabi sa Port Area, Maynila.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si Vicente Morga, alyas Bay, nasa 30-35 anyos; tubong Leyte, at naninirahan sa Blk. 6, Baseco Compound, Port Area, dahil sa tama ng bala sa ulo.

Habang walang nakuhang impormasyon ang mga imbestigador ng Manila Police District-Homicide kaugnay sa nangyaring pamamaril sa biktima.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Noel Santiago, ng MPD-HS, naganap ang insidente dakong 9 p.m. sa Blk. 15-A Habitat, Baseco Compound, malapit sa Benigno Aquino Elementary School sakop ng Brgy. 649, Zone 68.

Ayon sa isang Edmund Cayanan, barangay kagawad sa lugar, agad niyang ini-report ang insidente kay Insp. Ricardo Mendoza III, block commander ng Baseco  Police Community Precinct, na sakop ng MPD-Ermita Police Station 5, habang nagsasagawa ng checkpoint.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …