Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

NOTAM inalis na sa Zambo airports (2 commercial flights unang lilipad)

INIHAYAG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kahapon ang pag-alis sa Notice to Airman (No-tam) na ipinalabas hanggang Setyembre 21, 2013 bunsod ng pagbuti ng sitwasyon sa Zamboanga International Airport. Pansamantala dalawang commercial flights lamang muna ang pinayagan ng CAAP na makalipad ngayong Huwebes, ito ay ang PAL Express at Cebu Pacific Air, ayon kay CAAP Deputy Director …

Read More »

Jinggoy ‘kakanta’ sa privilege speech

NAGING palaisipan ang napipintong privilege speech ni Senador Jinggoy Estrada ukol sa pork barrel na sinasabing makakaladkad ang pangalan ng iba pang mga senador. Kamakalawa ay inamin ni Estrada na mayroon siyang nakatakdang privilege speech ngunit hindi niya sinabi kung kailan niya ito ihahayag. Ayon kay Estrada, sa kanyang speech ay tiyak na masasagasaan ang iba niyang mga kapwa senador …

Read More »

Gov’t employees libre ngayon sa MRT-LRT

May libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) sa mga empleyado ng gobyerno ngayong Huwebes, Setyembre 19. Sa opisyal na Twitter account ng Department of Transportation and Communications (DoTC), inianunsyo ang libreng makasasakay ng MRT- 3 ang mga empleyado ng gobyerno mula alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi. …

Read More »

PNoy ‘missing in action’ sa Zambo siege

“MISSING in action” si Pangulong Benigno Aquino III mula pa noong nakalipas na Linggo, Setyembre 15. Ito ang naging puna ng publiko makaraang huling magpakita sa publiko si Pangulong Aquino noon pang nakaraang Sabado, Setyembre 14, nang bisitahin ang mga tropa ng pamahalaan sa Zamboanga City. Kinompirma naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na hindi pa rin umaalis sa Zamboanga …

Read More »

Bangketa sa Baclaran nabawi ng vendors

IPINAUBAYA na ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez sa mga sidewalk vendors ang Redemptorist Road sa Barangay Baclaran nang pahintulutang muli  maglagay ng mga stalls sa naturang lansangan. Gayonman, nilinaw ni Olivares na dalawang linya lang ng Redemptorist Road ang ipapa-okupa sa mga vendors kaya’t maluwag pa ring makakadaan sa dalawa pang lane ang mga motorista. Ani Olivarez, hindi niya …

Read More »

Biazon: Customs employees balik sa mother units

UPANG maipatupad ang kinakailangang reporma sa ahensya, ipinag-utos ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rozanno “Ruffy” Biazon ang pagbabalik ng mga empleyado ng Aduana sa kanilang mother units ayon sa nakasaad sa kanilang appointment papers. Sa Customs Personnel No. B-134-2013 na ipinalabas ni Biazon, sinabi doon na ang lahat ng kasalukuyang puwesto ng mga kawani ng BoC ay binabawi na …

Read More »

Anti-Bullying Law nilagdaan na ni PNoy

KINOMPIRMA ng Malacañang kahapon, pirmado na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang batas laban sa bullying lalo sa mga mag-aaral. Ang Republic Act 10627 o Anti-Bullying Act of 2013 ay nilagdaan ni Pangulong Aquino noong Setyembre 12 at kahapon lamang inilabas ng Malacañang. Sa ilalim ng batas, lahat ng elementary at secondary schools ay naatasang bumuo ng polisiya para …

Read More »

9 katao kalaboso sa kotong

Kalaboso sa entrapment operation ang siyam katao matapos  mangikil sa mga tsuper ng jeep na dumaraan sa Quiapo, Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ni P/Senior Supt Clark Cuyag ng MPD District Police Intelligence and Operations Unit o DPIOU  ang mga suspek na sina Bernardino Pangilinan, 44; Cristina Rozas, 44; Babylyn Cruz, 22;  Rosmarilyn Pangilinan, 23;  Randy Igbuhay, 25;  Teofilo Bugtong, 46; …

Read More »

Namingwit ng pulutan senglot nalunod

NALUNOD ang isa sa dalawang lalaking namimingwit ng isda para gawing pulutan nang lumubog ang kanilang bangka sa Laguna de Bay sa bisidad ng San Pedro sa lalawigan ng Laguna. Kinilala ang biktimang si John Eric Cruz. Ayon sa ulat, si Cruz ang kaibigan niyang si Jerome Berroya ay namingwit sa Brgy. Landayan. Ngunit bago pa man sila makahuli ng …

Read More »

Obrero kinasuhan ng rape-slay sa 12-anyos

SINAMPAHAN ng kaukulang kaso ng pulisya ang construction worker na nanghalay at pumatay sa 12-anyos dalagita noong Biyernes ng madaling araw sa Muntinlupa City. Ayon kay Muntinlupa police chief Senior Supt. Roque Vega, kasong Rape with Murder ang ikinaso kay Reynante Odono, 26, tubong Sorsogon at naninirahan sa 7-A Extension Ylaya St., Alabang, matapos ituro ng testigo na siyang may …

Read More »

Yaman ng solons sa ‘pork’ scams i-freeze (Hiling ng DoJ)

HIHILINGIN ng Department of Justice (DoJ) sa korte na magpalabas ng freeze order laban sa assets ng mga personalidad na kabilang sa kinasuhan kaugnay sa kontrobersyal na pork barrel scam. Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, nakikipag-ugnayan na sila sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), matapos ang pormal na pagsasampa ng kaso, sa layuning maipa-freeze ang assets ng mga sangkot …

Read More »

Opisyal ng Bilibid utas sa ambush

NAPATAY ang 62-anyos opisyal ng New Bilibid Prisons (NBP) matapos pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa hindi pa mabatid na dahilan habang lulan ng kanyang sasakyan sa Muntinlupa City kahapon ng umaga. Dead-on-arrival sa Medical Center Muntinlupa dahil sa tatlong tama ng bala sa kanyang katawan ang biktimang si Supt. III Francisco Abunales, nakatalaga sa office of the director ng …

Read More »

Zambo police chief humakot ng ‘suko’ mula sa MNLF (Akala ay hostage)

LIGTAS na nakalabas sa pugad ng Moro National Liberation Front (MNLF) si Zamboanga City police chief, Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, sinasabing binihag ng mga rebelde, kasama ang 23 sumukong MNLF fighters. Ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, nagawang kombinsihin ni Malayo ang 23 MNLF fighters na sumuko na lamang. “I am pleased to inform you that …

Read More »

Anakpawis Rep. Hicap inaresto sa Luisita

TIKOM ang bibig ng Palasyo sa isyu ng pagdakip kahapon ng mga pulis kay Anakapwis Rep. Fernando Hicap sa Hacienda Luisita sa Tarlac nang dumalo sa isang fact-finding mission hinggil sa pamamahagi ng lupa ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa naturang lugar. ”I cannot comment as we are not familiar with the details of the incident,” tugon ni Presidential …

Read More »

Tourist boat lumubog 24 katao nasagip

NAGA CITY – Umabot sa 24 katao ang nasagip mula sa lumubog na tourist boat sa karagatang sakop ng Caramoan. Kaugnay nito, nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) – CamSur na hindi nakipag-ugnayan sa kanila ang nasabing tourist kaugnay sa kanilang paglalayag sa nasabing lugar. Ayon sa impormasyon, nag-island hopping ang  mga pasahero ng MV JL, isang motorbanca, nang hampasin …

Read More »

P2-M patong sa ulo ng killer/s ni Davantes

Itinaas na sa P2-milyon ang pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon sa kaso ng pinaslang na advertising executive na si Kristelle “Kae” Davantes. Una nang inianunsyo ng Philippine National Police (PNP) na P500,000 ang pabuya sa magbibigay impormasyon sa ikadarakip ng (mga) suspek. Ngunit dakong 9:50, Lunes ng gabi, itinaas ito sa P2-milyon, ayon sa PNP-PIO sa pangunguna ni  Sr. Supt. …

Read More »

Public funds nasayang sa fogging—Mapecon

MAAARING nasayang lamang ng Department of Health (DoH) ang pondo ng taumbayan kaugnay sa anti-dengue project sa 21 barangay sa Metro Manila ayon kay inventor/entomologist Gonzalo Catan, Jr., executive vice president ng Mapecon Philippines, Inc., ang pangalan na synonymous sa pagsugpo sa mga peste. Sa ilang press releases, sinabi ng Mapecon, hindi uubra ang fogging sa airborne mosquitoes dahil naitataboy …

Read More »

Utang ng PH P7 trillion na

UMAABOT na sa P7.3 trillion ang consolidated public sector debt ng Filipinas. Sa plenary debate sa budget, iniulat ng Department of Finance (DoF) kay House appropriations committee vice chairman Luigi Quisumbing. Nabatid na kasama  rito ang utang ng government owned and controlled corporations (GOCC) at local government units (LGUs). Sa P7.3 trillion, nasa P5.8 trillion ang pagka-kautang ng national government. …

Read More »

13-anyos totoy patay sa hit and run

Dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc ang 13-anyos na batang lalaking kinilalang si Joel Realista, matapos masagasaan ng Isuzu pick-up sa tapat ng Barangay 458, Zone 45, Earnshaw Street, Sampaloc, Maynila. Ayon sa barangay tanod na si Roland de Guzman, isang saksi ang nakakita sa naturang sasakyan nang masagasaan ang biktima habang naglalakad sa nasabing kalye kasama ng kanyang kuya. Sa …

Read More »

Groom napisak sa dump truck

VIGAN CITY – Agad binawian ng buhay ang isang lalaking malapit nang ikasal, nang masagasaan ng dump truck sa national highway ng Brgy. Sacuyya, Santa, Ilocos Sur. Kinilala ang biktimang si Michael Vincent Ramos, 22, residente ng Brgy. Barbar, San Juan. Ayon sa ulat, lulan ng motorsiklo ang biktima at uunahan sana ang Mitsubishi Adventure nang huminto ang huli dahil …

Read More »

Biyuda agaw-buhay sa ratrat

AGAW-BUHAY  sa pagamutan ang  61-anyos biyuda makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City. Inoobserbahan sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Carmelita Cabrera, dahil sa isang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kaliwang pis-ngi. Sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin ng Station Investigation and Detective …

Read More »

Standard ng rice self sufficiency ibinagsak (Taggutom nagbabadya sa Pinoys?)

Babaan ang pamantayan para lang maabot ang layunin? Ito ngayon ang lumalabas na estratehiya ng Department of Agriculture (DA) upang maabot ang rice self-sufficiency target na itinakda nito, ayon kay Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, na kumastigo sa ahensya noong Huwebes sa pagdinig ng House Committee on Agriculture at ng Special Committee on Food Security. Tumaas ang tensyon sa nasabing …

Read More »

Plunder vs Napoles, 3 senador isinampa sa Ombudsman

IPINAKITA sa media ng NBI ang mga dokumento na gagamiting ebidensya sa isinampang kasong plunder sa Office of the Ombudsman laban kina Senador Juan Ponce Enrile, Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla at sa negosyanteng si Janet Lim Napoles kaugnay sa P10 billion pork barrel scam. (BONG SON) ISINAMPA na ng Department of Justice at National Bureau of Investigation …

Read More »

Ilang lugar sa Metro lumubog sa pag-ulan

Muling binaha ang maraming lugar at kalsada sa Metro Manila dahil sa pagbuhos ng ulan kahapon. Kabilang sa mga binaha ang Barangay Pio del Pilar sa Makati City na hindi na madaanan ng maliliit na sasakyan. Hanggang tuhod naman ang baha sa Pedro Gil at Taft Avenue sa Maynila dahil sa walang tigil na ulan. Sa Quezon City, hanggang beywang …

Read More »

Aerial assault inilunsad vs MNLF

ZAMBOANGA CITY – Sa unang pagkakataon, gumamit ng air asset ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kani-lang operasyon laban sa Moro National Liberation Front (MNLF) fighters na nagkakanlong pa rin sa ilang barangay sa Zamboanga City. Napag-alamang da-lawang MG-520 attack helicopters ng Philippine Air Force (PAF) ang umatake sa posisyon ng MNLF Misuari faction. Ang hakbang ng PAF …

Read More »