Vendor, 3 pa sugatan sa killer tandem

080114 gun hospital

MALUBHANG nasugatan ang isang vendor at tatlong bystander makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Kinilala ang mga biktimang sina Saddam Cerera, vendor; Ricky Geraldino, 34, bus dispatcher; Aron Dominique Talban, 23, data analyst; at Fred Belogot, tricycle driver, pawang ng nasabing lungsod.  Base sa ulat ng mga awtoridad, dakong 3:20 a.m. nang maganap ang insidente sa #441 EDSA Avenue, Zone 15, Brgy. 142 ng naturang lungsod. Nakikipaglaro si Cerera ng cara y cruz sa ilang lalaki habang naroroon din ang tatlo pang mga biktima. Sa puntong iyon, biglang dumating ang isang motorsiklong walang plaka at pinagbabaril ang mga biktima.

(JAJA GARCIA)