Palasyo dumistansiya sa Senate probe vs Binay

Philippine Congress and Senate during a joint session on martial law in Maguindanao

DUMISTANSYA ang Palasyo sa pagsisiyasat ng Senado sa mga Binay kaugnay sa sinasabing overpriced Makati City parking building.

“Wala kaming kinalaman diyan. This is a Senate decision to investigate that but we have no hand on that,” ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Ipinauubaya na aniya ng Malacanang sa mag-amang Binay na sina Vice President Jejomar  at Makati City Mayor Jun-jun Binay ang pagtalakay sa usapin sa pagharap nila sa Senate probe.

(ROSE NOVENARIO)