Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

NFA mangmang sa importasyon (Rice importer umalma)

MULI  na namang nakastigo ang National Food Authority (NFA) sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) ngayong Lunes dahil sa hindi makatrarungang pagpigil sa mga shipment ng bigas na inangkat ng Silent Realty Marketing at ng Starcraft International at maling pagpaparatang na sangkot sa operasyon ng rice smuggling sa Davao. Dahil dito, pinayuhan ng abogado ng Silent Realty Marketing at …

Read More »

22 patay sa brgy poll violence

INULAT ng Philippine National Police (PNP) na umabot na sa 22 ang naitalang namatay kaugnay sa nationwide barangay elections. Sinabi ni PNP spokesperson Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, hanggang 11 p.m. nitong Linggo, bisperas ng halalan, nakapagtala ng 54 insidente ng election-related violence. Sa nasabing bilang ay 22 ang napatay sa politically motivated violent incidents. RETRATONG NAKIKIPAG-SEX NG LADY CANDIDATE …

Read More »

Brillantes, kinondena ng ANAD sa hindi pagsunod sa SC decision

Sinuportahan ni dating congressman Pastor “Jun” Alcover ng ANAD Party-List ang mabilis na pagpoproklama kay Senior Citizens Party-list first nominee Godofredo Arquiza at tinuligsa ang hindi pagtalima ni Comelec Chairman Sixto Brillantes sa utos ng Supreme Court (SC) na iproklama ang dalawang nagwaging kinatawan ng mga nakatatanda. Mismong sa kanyang facebook account ay tinuligsa ni Alcover ang “sobrang init”ni Brillantes …

Read More »

1 patay, 3 sugatan sa ambush sa bus

CEBU CITY – Patay na nang ida-ting sa pagamutan ang isang lalaki matapos pagbabarilin habang lulan ng bus matapos bomoto sa Balud Elementary School sa bayan ng San Fernando, lalawigan ng Cebu pasado 12 p.m. kahapon. Batay sa ulat, sumakay ang biktimang si Ariel Gomez, 22, sa mini-bus ng FM Liner (GXL-862) na ang ruta ay mula sa bayan ng …

Read More »

Biyahe ni Jinggoy aprub kay De Lima

INIULAT ni Justice Secretary Leila de Lima sa Palasyo na nagpaalam sa kanya si Sen. Jinggoy Estrada na aalis ng bansa at babalik din sa susunod na buwan. Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr., pinagbigyan naman ni De Lima ang pagbibyahe ni Estrada dahil hindi pa naman kanselado ang pasaporte ng senador at iba pang …

Read More »

Market inspector utas sa tambang

PATAY noon din ang market inspector makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kahapon ng umaga, Sa ulat na nakarating kay Chief Supt. Richard Albano,  Quezon City Police District (QCPD) Director, mula sa QCPD Police station 6, ang napatay ay si Roger Pineda, 38, market inspector sa Commonwealth Market sa Brgy. Commonwealth sa lungsod. Ayon kay …

Read More »

P.5-M pinsala sa nasunog na paaralan

MAHIGIT kalahating milyong pisong halaga ng ari-arian at estruktura ang naabo nang masunog ang apat na silid-aralan sa ikalawang palapag ng isa sa mga gusali ng P. Burgos Elementary School sa Altura St., Sampaloc, Maynila. Nabatid mula kay Fire Chief Inspector Jeffrey Gano ng Manila Fire Department, umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa mga silid-aralan sa isa sa dalawang …

Read More »

Afters shocks sa Visayas quake halos 3,000 na

HALOS umabot na sa 3,000 ang naitalang aftershocks sa Central Visayas makaraan ang magnitude 7.2 quake na yumanig sa rehiyon nitong Oktubre 15, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon. Sa 6 a.m. update, sinabi ng NDRRMC, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng 2,937 aftershocks hanggang 12: a.m. kahapon. Sa nasabing bilang, …

Read More »

NFA chief Amerikano ( Bunyag ng abogado )

PANIBAGONG pagbubunyag na naman ang inilunsad kahapon ng abogadong aktibista na si Atty. Argee Guevarra laban sa pamumuno ni Sec. Proceso Alcala sa Department of Agriculture (DA), sa pagsisiwalat sa mga “kadudadudang mga appointees” sa matataas na posisyon sa nasabing kagawaran. Kasama umano sa mga ito ay isang “Kano” na hinirang ng kalihim upang pamunuan ang  National Food Authority (NFA) …

Read More »

2 paslit nalitson sa Makati

PATAY ang dalawang magkapatid na paslit sa naganap na sunog sa Makati City kahapon ng madaling-araw at natupok ang kabahayan ng mahigit 2,000 pamilya. Ang magkapatid na sina Rose Ann Ariola, 6, at Robert Ariola, 4, ay unang napaulat na nawawala. Ang kanilang tupok na bangkay ay natagpuan sa ikalawang palapag ng kanilang bahay na gumuho bunsod ng sunog. Ang …

Read More »

ALAM chapter president, utol patay sa car accident

BACARRA, Ilocos Norte – Patay ang aktibong pangulo ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) Ilocos Norte-Chapter, at kasaluluyang propesor ng isang unibersidad, at ang kanyang kapatid habang malubhang nasugatan ang isa pang propesor na kasama nila makaraang bumangga sa poste ng transmission lines ang sinasakyan nilang kotse sa national highway ng Brgy. 7 kamakalawa ng umaga. Kinilala ni Chief Inspector Randy …

Read More »

P54-M botante boboto ngayon

PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagboto ngayon ng 54,051,626 registered voters na maghahalal ng mga magiging pinuno sa kani-kanilang barangay sa buong bansa. Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr., aagahan ni Pangulong Aquino ang pagboto sa Tarlac upang i-monitor ang barangay elections sa buong maghapon. “Katulad ng kaugalian at ginawa niya noong 2013 …

Read More »

JPE, Jinggoy, Bong ipinatawag ng DFA (Sa passport cancellations)

NAKATAKDANG talakayin sa unang linggo ng Nobyembre ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang usapin kaugnay sa kahilingan ng Department of Justice na kanselahin ang pasaporte ng 37 katao, kabilang ang ilang mambabatas na sangkot sa kontrobersyal na “pork barrel” fund scam. Kaugnay nito, kinompirma ni DFA spokesperson Raul Hernandez na kanila nang napadalhan ng notice ang ilan sa mga …

Read More »

Grand Lotto jackpot P120-M na

HINDI pa rin napapanalunan ng libo-libong lotto bettors ang jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. Ito’y makaraang walang makakuha ng winning number combination na 46-02-04-30-22-33 sa isinagawang draw kamakalawa ng gabi sa PCSO headquarters sa Pasay City. Nakataya rito ang P116,061,952.00. Dahil walang nanalo, umakyat na ang premyo sa P120 million sa susunod na draw date. Ang Grand Lotto draw …

Read More »

Aksyon ng DSWD vs Freddie Aguilar aprub sa Palasyo

SUPORTADO ng Palasyo ang pagpasok ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isyu ng paki-kipagrelasyon ng 60-anyos singer na si Freddie Aguilar sa 16-anyos dalagita. “Lahat naman po ng pagkilos ng mga ahensya ay sang-ayon sa pangkalahatang direksyon ng pambansang pamahalaan,” sabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma, Jr. Ayon kay Coloma, ang sinusunod na proseso …

Read More »

Bahay nilamon ng sinkhole 4 patay

APAT katao ang namatay nang ‘lamunin’ ng sinkhole ang isang bahay sa Brgy. Ubojan, Antequerra, Bohol. Nauna rito, nagsulputan ang mga sinkhole sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ma-karaan ang 7.2 magnitude na lindol na tumama sa Visayas nitong Oktubre 15. Dalawang miyembro ng pamilya Barace ang nakaligtas sa insidente. Si Saturnino Barace, Jr., isa sa mga survivor, ay naghintay …

Read More »

Kandidatong kagawad tiklo sa droga

DAGUPAN CITY – Arestado ang kumakandidato sa pagka-barangay kagawad matapos mahulihan ng hinihinalang shabu at marijuana sa bayan ng Urbiztondo sa lalawigan ng Pangasinan. Kinilala ang suspek na si Joel Doria, 39, residente ng Brgy. Gueteb sa nasabing bayan. Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga awtoridad ang bahay ng suspek. Nakuha sa kustodiya ng suspek ang apat na …

Read More »

Ulo ng kelot napisak sa ambulansiya at trak

ILOILO CITY – Basag ang ulo ng isang lalaki at kritikal naman ang kanyang kasama matapos masagasaan ng ambulansya at truck habang tumatawid sa Brgy. Tabuc Suba, Jaro, Iloilo City. Ang biktimang namatay ay kinilalang si Crudjie Yap y Osano ng Brgy. 2 Poblacion, Cadic City, Negros Occidental. Nilalapatan ng lunas sa West Visayas State University Medical Center ang kasama …

Read More »

Ama utas sa suntok ng anak

ROXAS CITY – Patay ang isang ama matapos suntukin ng anak sa Brgy. Milibili, Roxas City. Ayon kay Hilda Demausa, kapatid ng biktimang si Ramil Devela, bago ang insidente ay nagkaroon ng mai-nitang diskusyon ang kanyang kapatid at anak na si Federico Devela, Jr., na naging dahilan ng pagsuntok ng suspek sa ama. Dahil sa malakas na pagkakasuntok ng suspek …

Read More »

2 karnaper todas sa shootout

DALAWANG hinihinalang karnaper ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga opera-tiba ng Quezon City Police District, Novaliches Police Station 4, matapos tangayin ang isang motorsiklo kahapon ng mada-ling araw sa nasabing lungsod. Sa ulat ni Supt. Norberto Babagay, PS 4 chief, kay Chief Supt. Richard Albano, QCPD Director, patuloy pa rin inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na suspek habang ang …

Read More »

5 pulis tiklo sa hulidap

LIMANG pulis kabilang ang apat na pawang mga bagito, ang ipinaaresto ng kanilang opisyal matapos ireklamo ng pangingikil ng isang negosyante kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Agad ipinag-utos ni Sr. Supt. Severino Abad, hepe ng Malabon Police,  na arestohin, disarmahan at sampahan ng kaso ang mga pulis na sina POs1 Chistopher Tesio, Renato Flores, Jr., Alfie Mariano, Adan Christian …

Read More »

‘Dumukot’ kay Jonas sumuko, nagpiyansa

Sumuko na ang pangunahing suspek sa pagdukot sa militanteng si Jonas Burgos noong 2007. Kasama ang kanyang abogado, alas-8:30 nitong Biyernes ng umaga, dumating sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 216 si Army Major Harry Baliaga, Jr. Naglagak ang suspek ng P40,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan. Si Baliaga ang isa sa sinasabing nasa likod ng pagdukot kay …

Read More »

Visayas quake death toll lumobo sa 201

UMAKYAT na sa 201 ang bilang ng mga namatay sa magnitude 7.2 na lindol sa Visayas, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ayon sa NDRRMC, tatlo pa katao ang natagpuang patay sa Balilihan at Calape, sa Bohol, at Pinamungajan sa Cebu. Sa nasabing bilang, 187 ang mula sa Bohol, 13 sa Cebu at isa sa Siquijor. …

Read More »

Pautang kinolekta babae patay sa bala

Patay ang isang babae matapos pagbabarilin sa Commonwealth market sa Quezon City, alas-8:00 Biyernes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Charie Porpores, kolektor ng bayad sa mga pwesto sa palengke. Batay sa imbestigas-yon, ikinamatay  ng biktima ang isang tama ng bala sa ulo ng hindi pa batid na kalibre ng baril. Natangay naman ng dalawang suspek ang bag na dala …

Read More »

Kelot ipinosas saka niratrat (Sa Paco)

NAKAPOSAS nang pagbabarilin hanggang mapatay ng mga hindi nakilalang suspek ang lalaking tadtad  ng  tattoo sa katawan  sa Paco, Maynila iniulat kahapon. Sa ulat ni PO3 Cris-pino S. Ocampo ng MPD homicide desk, inilarawan ang biktima na nasa 40 anyos, 5’10″ ang taas, fair  complexion, katamtaman ang katawan, tadtad ng tattoo sa katawan,  may tattoo na ‘Romeo Magleo’ sa dibdib. …

Read More »