Thursday , June 4 2026

Drug pusher itinumba ng tandem

AGAD binawian ng buhay ang isang 35-anyos lalaking sinasabing sangkot sa pagtutulak ng droga, makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakikipag-inoman sa ilang kalalakihan sa Brgy. Gumaoc Central, San Jose Del Monte City, Bulacan, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Luis Cabuang, Jr., residente ng Del Monte Heights, Brgy. Kaypian sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO1 Ritchie Militante, nakikipag-inoman ang biktima nang lapitan ng dalawang armadong lalaki at kinaladkad palayo.

Nakahulagpos ang biktima at nakatakbo ngunit binaril siya sa ulo ng mga suspek.

Hinala ng pulisya, maaaring onsehan sa droga ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

(DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …