Thursday , June 4 2026

5-anyos palaboy tinurbo sa motel ni lolo

HINALAY ng 66-anyos matandang lalaki sa loob ng motel kamakalawa ang 5-anyos batang babaeng namamalimos sa Caloocan City.

Arestado ang suspek na si Dominador Pagulayan, residente ng Morning Breeze Subdivision, Bagong Barrio ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse).

Batay sa ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk ng Caloocan City Police, dakong 4 p.m. kamakalawa nang maganap ang insidente sa loob ng Venus Hotel sa kanto ng 2nd Avenue, Grace Park ng nasabing lungsod.

Salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Janine, bigla na lamang siyang hinila ng suspek sa loob ng nasabing hotel at pinagsamantalahan ang kanyang murang katawan.

Makaraan ang insidente ay agad umuwi ang biktima at isinumbong sa mga magulang ang ginawa ng suspek.

Agad humingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga magulang ng biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Hinala ng mga magulang, matagal nang minamanmanan ng suspek ang biktima habang namamalimos at nang makatiyempo ay dinala sa motel.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …