Friday , September 20 2024

Masonry Layout

Tserman sa Davao itinumba

DAVAO CITY – Ang grupo ng New People’s Army (NPA) ang itinuturong responsable sa pagpatay sa isang barangay kapitan sa Brgy. Kadalian, Baguio district, lungsod ng Davao. Knilala ang biktimang si Kapitan Alex Angko, binaril ng armadong kalalakihan sa loob ng kanyang farm sa nasabing barangay. Naniniwala si Chief Insp. Ernesto Castillo, hepe ng Baguio Police Station, ang Front Committee …

Read More »

1 patay, 15 sugatan sa bumaligtad na jeep sa SLEX

Isa ang patay at 15 ang sugatan matapos bumaligtad ang pampasaherong jeep sa southbound ng South Luzon Expressway Lunes ng umaga. Agad nasawi si Gemma Asidre ng San Pedro, Laguna na nakaupo sa dulong bahagi matapos maipit ang ulo sa pagitan ng mga bakal ng jeep. Hawak na ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang driver na si Elmer …

Read More »

NFA 100,000 MT bigas aangkatin (Rice cartel lalabanan)

NAKATAKDANG umangkat ng karagdagang 100 ,000 metriko tonelada ng bigas ang National Food Authority (NFA) mula sa Vietnam o di kaya ay sa Thailand sa darating na mga buwan para labanan ang mga rice cartel at tuluyan nang pababain ang presyo ng butil sa bansa. Sinabi ng isang source mula sa industriya na humiling na huwag banggitin ang pangalan, layunin …

Read More »

Megan Young itinanghal na first Pinay Miss World

MAKARAAN ang 63 taon, naiuwi na rin ng Filipinas ang inaasam na Miss World title matapos makoronahan kamakalawa ng gabi ang 23-year old Filipina beauty na si Megan Young. Ito ang kauna-unahang titulo ng Filipinas para sa prestihiyosong beauty competition bukod sa dalawang Miss Universe title, apat na Miss International, Miss Earth at Miss Supranational. Sa kanyang pagtanggap ng korona …

Read More »

P200-B target kaya ng BoC – Palasyo

UMAASA ang Palasyo na maaabot na ng Bureau of Customs (BoC) ang collection target na P200 bilyon kada taon sa pagkakatalaga ni Pangulong Benigno Aquino III ng mga bagong opisyal sa kawanihan. “Yung estimates po nila—as much as 200 billion pesos a year ang kaya palang i-collect ng Customs kung aayusin lang ‘yung pamamaraan nila sa operations,” ayon kay Communications …

Read More »

Bangkay ni Malik ‘wanted’

NASA proseso pa ng pag-validate ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa report na kabilang si MNLF Commander Habier Malik sa mga napatay sa Zamboanga siege. Ito ay matapos maaarekober ang militar at pulisya ng identification card ni Malik sa isa sa MNLF casualties nang magsagawa ng clearing operations ang mga tropa ng gobyerno. Ngunit ayon kay AFP …

Read More »

Mag-ina dedbol sa polio victim (Resbak sa bullying )

KALIBO, AKLAN – Paghihiganti ang pangunahing motibo ng 39-anyos polio victim sa brutal na pagpatay sa mag-ina sa Brgy. Tigayon, Kalibo, Aklan. Inamin ng suspek na si Michael Diangson na hindi niya pinagsisisihan ang pagpatay kina Emily Ruzgal, 45, at Jan Carlo Ruzgal, 16, pawang residente ng naturang lugar. Ayon sa kanya, palagi siyang binu-bully o pinapahiya ni Jan Carlo …

Read More »

CoP, 1 pa patay sa ambush

DALAWANG pulis, kabilang ang hepe ng estasyon, ang namatay habang isa pa ang sugatan matapos tambangan ng grupo ng armadong kalalakihan sa Brgy. Central, Arteche, Eastern Samar. Patay agad ang mga biktimang sina Arteche Eastern Samar Chief of Police Alberto Ayad at tauhan niyang si PO1 Julu Juliata. Habang sugatan naman si PO3 Glorioso Nebril. Nabatid na nagpapatrolya sa Brgy. …

Read More »

Protest caravan vs pork barrel isusulong ng transport group

MAGSASAGAWA ang militanteng transport group ng protest caravan ngayong araw laban sa pork barrel system, bilang tugon sa panawagang pagpapatuloy ng protesta laban sa korupsyon sa gobyerno. “Piston will head protests in Metro Manila and other provinces to voice out the concerns of drivers and the transport sector against the pork barrel and the (theft) committed by the Aquino administration …

Read More »

2 suspek sa pananaksak sa principal, timbog

NAARESTO ng mga elemento ng Pakil PNP ang dalawang suspek sa pananaksak sa isang elementary school principal sa Brgy. Bano, bayan ng Pakil, sa lalawigan ng Laguna. Ayon sa report ni Senior Insp. Jojo Sabeniano, hepe ng Pakil Police, kay Laguna PNP Provincial Director, Senior Supt. Pascual Munoz, Jr., kinilala ang biktimang si Arnel Macabasco, 47, principal ng Pangil Central …

Read More »

Naaktohang misis, kalaguyo kalaboso kay mister

SWAK sa kulungan ang isang ginang at kanyang kalaguyo makaraang maaktuohan ni mister habang nagtatalik sa Gen. Santos City. Napag-alaman sa imbestigasyon ng Alabel Police, matagal nang nagdududa ang mister na itinago sa pangalang Jay, na may ibang lalaki ang kanyang misis na itinago naman sa pangalang Mary Grace. Kaya’t nagpasya ang mister na sundan ang misis nang magpaalam na …

Read More »

Contractor sa DA at DPWH ipaTatawag ng Senado

Nais ni Sen. JV Ejercito na palawigin pa ang im-bestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa pork barrel scam at ipa-tawag na rin ang ilang contractor sa Department of Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highway (DPWH) na sinasabing nakakuha rin ng pondo mula sa Prioirty Development Assistance Fund (PDAF)  ng mga mambabatas. Ayon sa senador mula sa …

Read More »

Agrikultura sinalanta ng P10-B pork barrel scam (Imbestigasyon ng Senado itutok)

SA PAGPAPATULOY ngayong linggo ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa Napoles pork barrel fund scam, nagpaalala si Atty. Ariel Genaro Jawid, abogado ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na ituon ng mga senador ang kanilang pagsisiyasat sa agrikultura, “ang sektor na may pinakamalaking pinsala dulot ng pagnanakaw ng P10 bilyong halaga ng pondo ng bayan kaugnay sa …

Read More »

COA niratrat

PINAULANAN ng bala ang main office ng Commission on Audit (COA) sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon ng umaga. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director Sr/Supt. Richard Albano, dalawang bullet slugs ang narekober sa opisina ni CoA Assistant Director Nilda Plaras. “Iyong mga nandoon sa kabila, mga 6 ‘o clock, may narinig na apat na putok. So ang …

Read More »

PSC chairman, commissioner kinondena ng ALAM vs diskriminasyon sa tabloid reporters

ABUSADO, walang galang at hindi propesyonal ang dalawang opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa ipinaiiral nilang diskriminasyon sa mga miyembro ng media na regular na nagko-cover sa kanilang press conference. Inihayag ito ni Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap, matapos matanggap ang liham ng reklamo ni Danny Simon, sports reporter, laban kina PSC Chairman Ricardo Garcia …

Read More »

P6.6-M PDAF ibinili ng Jollibee foods (Mayorya niresbakan ni Jinggoy)

IBINUNYAG ni Senador Jinggoy Estrada na nakapagtataka kung bakit ginastos ang bahagi ng pork barrel ni Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales sa pagbili lamang ng Jollibee products. Ayon kay Estrada, lubhang nakapagtataka na pati ang Jollibee ay napasok sa PDAF gayong ito ay dapat na gastusin sa mga proyekto na pakikinabangan ng taong bayan. Ibinulgar din ni Estrada ang ilan …

Read More »

DoLE official sa sex-for-flight swak sa rape

Pinakakasuhan na ng National Bureau of Investigation  ng mga reklamong  kriminal ang opisyal ng Department of Labor and Employment na sangkot sa sex-for-flight scheme. Sa final report ng NBI, inirekomenda na maipagharap ng reklamong attempted rape at tatlong bilang ng reklamong “abuses against chastity” ang isang Assistant Labor Attache na naka-assign sa Embahada ng Pilipinas sa Middle East. Dahil sa …

Read More »

Mosque, bahay ng informal settlers, giniba (Demolisyon sa Baclaran)

MAKIKITA sa larawan ang nademolish na ang isang mosque sa Baclaran at Pasay na mapayapa naman na giniba ang nasabing mosque at walang tensyon na naganap dahil sa nagkaroon ng kasunduan ang moslem elder,both local,international at ang President ng Rajah Sulayman Lumba Ranao Mosque at Cultural Center Inc.na ang President ay si Abdelmanan D.Tanandato na malipat ito,na kung saan ito …

Read More »

Serial killer ng GROs arestado

KILLER NG MGA POKPOK. Bagsak sa mga tauhan ng MPD-Homicide Section si Joseph Labrador, 28, tinaguriang “serial killer” ng mga pokpok sa Avenida, makaraan pagsasaksakin hanggang napatay ang isang pick-up girl sa loob ng Carport Inn sa Sta. Cruz, Maynila. (BONG SON) KALABOSO sa mga tauhan ng Manila Police District Homicide Section ang suspek sa pagpatay sa isang babae sa loob …

Read More »

Kapakanan ng mamamayan, titiyakin sa framework agreement ng US at PH

Tiniyak nina Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Carlos Sorreta at Spokesperson Raul Hernandez na protektado ang mga interes ng estado at mamamayan sa negosasyon ng Maynila at Washington tungkol sa pagdaragdag ng bilang ng mga tropang Amerikano sa bansa. Anila, hindi rin mamadaliin ang fourth round of talks na magaganap sa Oktubre 1 at 2 sa Maynila para …

Read More »

Tindero ng ukay patay sa saksak (Ina ng namamalimos sinermonan)

Patay ang isang tindero ng ukay-ukay matapos sawayin ang batang namamalimos sa kanya sa Paco, Maynila, kahapon. Kinilala ang biktimang si Ramon Camotiao, 26, mula sa Imugan, Sta. Fe, Nueva Vizcaya, pansamantalang nanunuluyan sa pinagtatrabahuang RTW Surplus Center sa Casa Pension Compound, Pedro Gil St., corner Leon Guinto St., Paco, Maynila. Sa imbestigasyon ng pulisya at pahayag ng mga testigo …

Read More »

Stop waste, save rice isinulong sa kamara

Sanhi ng pagsirit ng presyo ng bigas sa gitna ng walang katiyakan sa suplay nito, magkatuwang na isinusulong ngayon ng Chairman ng Committee on Agriculture at ng Committee on Food Security sa Kamara de Representante ang pagpasa ng panukalang aampat sa paglobo ng nasasayang na bigas sa bansa na umaabot sa halagang P8.4 bilyon taon-taon. Nakatakdang ihain ng Chairman ng …

Read More »

Trader puputulan ng koryente, nagbigti

NANGAMBANG maputulan ng koryente ang kanyang bahay kaya nagawang magbigti ng isang negosyante sa Caloocan City kamakalawa ng umaga. Wala nang buhay nang makita ang biktimang si Ernesto Mata, ng Aries St., Gremville Subdivision, Barangay Bagbaguin. Batay sa ulat ng pulisya, 6:00 ng umaga kamakalawa nang matagpuan ang bangkay ng nakabigting biktima sa loob ng kanyang bahay. Isang kliyente ng …

Read More »

SK ‘nilusaw’ ng Kongreso

NAGKASUNDO ang mga miyembro ng bicameral conference committee na tumalakay sa pagpapaliban sa Sangguniang Kabataan (SK) polls, kahapon na bakantehin muna ang mga posisyon  sa youth council hangga’t hindi nakapaghahalal ng bagong mga opisyal. Sumang-ayon ang mga senador sa bicameral panel sa panukala ng mga miyembro ng Kamara na huwag panatilihin ang pag-upo ng incumbent SK officials makaraang mapagpasyahan ang …

Read More »

Barangay hall niratrat 3 patay, 1 sugatan

BINAN CITY, Laguna – Patay ang tatlong barangay official, na kinabibilangan ng dalawang incumbent barangay councilor, habang sugatan ang isang tanod matapos pagbabarilin ng apat armadong kalalakihan ang barangay hall sa Brgy. Mamplasan sa nasabing lungsod. Sa ulat ni Supt. Simnar Gran kay Laguna Police Prov. Director, Senior Supt. Pascual Munoz, Jr., kinilala ang mga napatay na sina Edwin Salosa, …

Read More »