Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Tirador ng Bombay utas sa pulis

PATAY ang 28-anyos lalaki nang makipagbarilan sa mga kagawad ng Montalban PNP nang maaktohan habang hinoholdap ang Indian National sa Rodriguez, Rizal kamakalawa ng umaga . Kinilala ni Supt. Samuel Delorino, hepe ng Rodriguez Police, ang napatay na si Marlon Garcia, 28, nakatira sa Blk. 9, L-65, Phase-1D, Kasiglahan Villa ng nasabing bayan. Ang suspek ay positibong kinilala ng biktimang …

Read More »

Tatay patay sa boga ng parak (2-anyos anak kritikal)

PATAY agad ang 38-anyos lalaki nang pagtulungang gulpihin at barilin ng pulis at kainuman ng huli, na grabe sa pagamutan ang 2-anyos anak ng biktima,  sa Sampaloc, Maynila, iniulat kamakalawa. Dead on the spot ang biktimang si Brendo Atibula , sanhi ng tama ng bala ng di batid na kalibre baril sa dibdib habang nabagok sa ulo ang 2-anyos niyang …

Read More »

Inaway ng ka-live-in lolo nagbigti

NAGA CITY – Problema sa relasyon ang itinuturong dahilan ng pagpapakamatay ng 72-anyos lolo sa Atimonan, Quezon. Kinilala ang biktimang si Wilfredo Dionela. Nakabitin sa puno ng mangga at wala nang buhay nang matagpuan ng mga residente sa Brgy. San Rafael ang naturang biktima. Bago ito, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang kanyang kinakasama. Ginamit ni Dionela ang lubid …

Read More »

100 bahay winasak ng buhawi sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Tinatayang higit sa 100 bahay ang nawasak at napakaraming punong-kahoy ang natumba nang hagupitin ng buhawi ang mga barangay ng Tinagacan at Batomelong sa lungsod ng General Santos. Inihayag ni Tinagacan Barangay Captain Dagadas Panayaman, pitong purok sa kanyang barangay na kinabibilangan ng Purok 2, 4, 5, 6, 7, 10 at 13 ang apektado ng nasabing …

Read More »

Palasyo abala sa Obama visit

WALA pang opisyal na anunsyo ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa itinerary ni US President Barack Obama, pero abalang-abala na ang Malacañang sa preparasyon. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, partikular na kanilang tinututukan ang aspeto ng protocol, security at media. Ayon kay Coloma, nakikipag-ugnayan na ang Presidential Security Group (PSG) sa Secret Service habang ang PCOO ang …

Read More »

2 todas, 15 sugatan sa bumaliktad na van

GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pagbaliktad ng van sa Brgy. Pagalungan, Polomolok, South Cotabato kamakalawa na ikinamatay ng dalawa katao habang 15 iba pa ang sugatan. Agad namatay sa insidente ang mga pasaherong sina Teodoro Pepito Jr. ng Lapu-Lapu City, Cebu; at Pablo Pinion, 47, ng Brgy. Pagalungan, Polomolok, South Cotabato. Ayon kay PO1 …

Read More »

31 patay, 123 sugatan sa Lenten incidents

UMABOT sa 31 ang bilang ng mga namatay habang 123 ang nasugatan sa iba’tibang insidente sa pagunita ng Semana Santa sa buong bansa. Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga namatay ay ang 13 katao dahil sa vehicular accidents, 16 sa pagkalunod, isa sa sunog at isa sa pamamaril. Pinakamarami sa mga …

Read More »

Ex-chairman arestado sa Black Saturday tupada

ISANG  ex-barangay chairman ng Tondo,  ang dinakip ng mga elemento ng Manila Police District (MPD) habang nagsasagawa ng tupada nitong Sabado de Gloria  sa Tondo, Maynila. Kinilala ang mga suspek na sina ex-barangay chair Randy Sy y Alejandro, 51-anyos, may-asawa, ng 504 Pitong Gatang st., Tondo, at apat niyang tauhan na sina Leonardo Medina, 39-anyos, binata, ng # 2 Lallana  …

Read More »

Power reserves sa Luzon nanganganib (Masinloc power plant bumagsak)

SA harap nang nakaambang aberya sa supply ng koryente sa Luzon, bumagsak kahapon ang Masinloc coal-fired power plant sa Zambales. Ayon kay Department of Energy Electric Power Industry Management Bureau director Mylene Capongcol, tinatayang aabutin ng tatlong araw bago makumpuni ang nakitang leak sa boiler ng planta. Ang Unit 2 ng planta ay mayroong output na 300 megawatts ng koryente. …

Read More »

TRO extension vs power rate hike hiniling sa SC

ILANG araw bago ang pagpaso ng temporary restraining order (TRO) laban sa bigtime power rate hike ng Meralco, umapela muli ang mga militanteng mambabatas sa Supreme Court (SC) na palawigin ang pagpigil nito. Nabatid na P4.15 per kilowatthour ang power rate hike dahil sa paniningil ng mga generating company laban sa Meralco. Kasama sa mga naghain ng motion to extend …

Read More »

Umatras sa drag racing kelot tinodas (6 pa sugatan)

MATAPOS makipag-karera sa laro ni kamatayan, tinodas ang isang lalaki, habang anim ang sugatan, nang mamaril ang kaniyang tinalong kalaban, kahapon sa Quezon City. Patay na nang makarating sa Commonwealth Medical Center ang biktimang si Jacky Rajaroja, 22-anyos, ng Lot 2, Blk. 30, Tesalonian st., Jordan Plains Subd., Brgy. Sta. Monica, Novaliches. Kinilala ang mga nasugatan na sina Carl Webb, …

Read More »

MRT pumalpak na naman

Inihayag ng Metro Rail Transit (MRT) na nagka-aberya ang kanilang operasyon nang masira ang riles sa pagitan ng  North Avenue at  Quezon Avenue stations na nagdulot ng abala sa mga pasahero. Ayon kay MRT General Manager Al Vitangcol, dahil sa aberya, nagpatupad ng provisional service ang MRT na nagsimula dakong 9:35 a.m. na ang biyahe ay mula Taft Avenue Station, …

Read More »

‘Holy fish’ mabenta

DAGUPAN CITY – Malakas ang benta ngayon sa Pangasinan ng tinaguriang isdang dapa o mas kilala sa tawag na “holy fish” sa panahon ng Semana Santa. Napag-alaman, ang isda ay tinatawag sa lalawigan bilang “kera-ke-ray Diyos” o “tira-tira ng Diyos” dahil ito ang kinain ni Hesus noong muli siyang nabuhay ngunit hindi niya ito inubos kaya’t ibinalik ng mga Apostol …

Read More »

Kaso ni Garcia ‘di pinabayaan — Palasyo

PAALAM RUBIE GARCIA. Bago ilibing idinaan muna sa Mendiola ng iba’t ibang grupo ng mga mamamahayag ang kabaong ng pinaslang na reporter na si Rubie Garcia upang ipaabot kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang iginigiit na hustisya para sa biktima na pinatay sa kanyang bahay sa Bacoor, Cavite. (BONG SON) ITINANGGI ng Malacañang na binabalewala ang kaso ng pamamaslang …

Read More »

Sakripisyo, panalangin hikayat ng CBCP

DAGUPAN CITY – Ipinaalala ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates “Soc” Villegas ang kahalagahan ng paggunita sa Mahal na Araw, na ibinuhos ng Panginoong Hesukristo ang pagmamahal niya sa sanlibutan sa pamamagitan ng kanyang pagpapakasakit sa krus. Sa mensahe ng arsobispo sa Sambayanang Filipino ngayong Semana Santa, sinabi ni Bishop Villegas na ang …

Read More »

Surigao del Sur niyanig ng 4.8 magnitude quake

NIYANIG ng 4.8 magnitude  na  lindol ang ilang bahagi ng hilagang silangan ng Min-danao. Ayon sa ulat ng Phivolcs, naitala ang pag-yanig dakong 10:43 a.m. kahapon. Natukoy ang epicenter nito sa layong 88 kilometro sa timog silangan ng Tandag, Surigao del Sur. May lalim lamang itong 15 kilometro at tectonic ang pinagmulan. Kaugnay nito, nakapagtala ng intensity III sa Tandag, …

Read More »

Janitor nagbigti (Idol si kuya at ate)

PATAY na nang matagpuan ang 23-anyos janitor na  nagbigti sa loob ng kanilang banyo, sa Caloocan City kamakalawa ng tanghali. Kinilala ang biktimang si Johnson Ceilo, 23, janitor, ng #743 Barrio Concepcion Dulo, Brgy. 188 ng nasabing lungsod. Sa ulat ni PO3 Renen Malonzo, may hawak ng kaso, dakong 12:00 p.m. nang matagpuan ang naka-bigting katawan ng biktima sa loob …

Read More »

Itinatayong motel may permit — Brgy. Oranbo

KINOMPIRMA  ng  mga  opisyal ng Brgy.Oranbo, Pasig City na may barangay permit ang motel na itinatayo sa kanto ng Shaw Boulevard at Danny Floro Streets, sa lungsod. Ayon kay Boyet Macute Brgy. Secretary ng Brgy. Oranbo, may permit sa kanilang barangay ang itinata-yong establisyemento. Sa isang telephone interbyu, sinabi ni Macute na hindi puwedeng maitayo ang naturang establisyemento kung walang …

Read More »

Negosyanteng sangkot sa Inekon extortion case nagpaliwanag sa NBI

PERSONAL na dumulog sa National Bureau of  Investigation (NBI) ang negosyanteng si Roehl “Boyett” Bacar, pangulo ng Comm Builders Technology (Philippines) Corporation (CB&T), para linisin ang kanyang pangalan hinggil sa $30-M Inekon Group extortion case. Sa  panayam, sinabi ni Atty. Jerusha Villanueva, walang basehan ang pagsasangkot ni Czech Ambassador Joseph Rychtar sa kanyang kliyente sa panghihingi ng pera kapalit ng …

Read More »

Basted ‘nanunog’ ng bahay (Tinalo ng karibal)

ATTEMPTED arson ang kahaharapin ng lalaking nagtangkang sumunog sa bahay ng kanyang karibal,  nitong nakaraang linggo sa lungsod ng Taguig. Swak sa detention cell ng Taguig police ang suspek na  si Renato Bianzon, Jr., nasa hustong gulang, tubong Cavite city, nang masakote ng pulisya dahil sa pagtatangka niyang silaban ang bahay ng kanyang karibal na si Johnny Valdez sa Orchids …

Read More »

Arrest warrant vs Cedric, Deniece inilabas na

KINOMPIRMA ni Justice Secretary Leila de Lima na nagpalabas na ng arrest warrant ang Metropolitan Trial Court (MTC) ng Taguig laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at limang iba pa na kinasuhan ng grave coercion. Ayon kay De Lima, ang nasabing arrest warrant ay nilagdaan mismo ni Branch 74 Judge Bernard Bernal ng Taguig City MTC. Ang arrest warrant ay …

Read More »

Orasyon vs Bradley itinanggi ni Pacmom

PINALAGAN ni Mommy Dionisia, ang celebrated mother ni 8-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao, ang ulat na gumamit siya ng orasyon laban kay Timothy Bradley, Jr., habang nanonood ng laban ng dalawa sa MGM, Las Vegas. Mariin itinanggi ni Mommy D na gumamit siya ng “spell” o orasyon para matalo si Bradley. Paliwanag ng ina ng Filipino ring icon, pawang …

Read More »

Buraot kay Pacman itinanggi ng BIR

HINDI “binuraot” ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ang tagumpay ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao nang ipaalala sa kanya ang mga utang sa buwis, ayon sa Malacanang. Ito ang pahayag kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte hinggil sa paalala ni Henares kay Pacquiao kaugnay sa utang ng Pambansang Kamao sa BIR na mahigit dalawang bilyon …

Read More »

Napoles tumatagal sa ospital (Operasyon binibinbin?)

KUKWESTYUNIN ng prosekusyon ang tumatagal na pananatili ni Janet Lim-Napoles sa Ospital ng Makati (OsMak), at hindi pa rin naooperahan. Ayon kay Special Prosecutor Christopher Garvida, sa susunod na linggo ay matatapos na ang ibinigay na 26 araw ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 para maoperahan si Napoles. Para kay Garvida, kung hindi maisasagawa ang surgery ay mainam …

Read More »

‘President Roxas’ joke lang — Palasyo

JOKE lang at hindi pamumulitika ang pagtawag na “President Roxas” kay Interior Secretary Mar Roxas sa pagtitipon na namahagi ang kalihim ng halagang P2-B proyekto sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. Depensa ito ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa mga bumatikos sa tila maagang pamumulitika ng Liberal Party nang tawagin na “President Roxas” ang DILG secretary ni …

Read More »