ARESTADO sa National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Cedric Lee at ang co-accused na si Simeon Palma Raz, iniulat kahapon ng umaga. Kasama ng NBI na dumakip sa dalawa ay ang mga elemento ng lokal na pulisya sa isang barangay sa Oras Eastern Samar, dakong 11:15 a.m. kahapon. Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang dalawang akusado …
Read More »Masonry Layout
Sekyu nagbaril sa sentido sa harap ng ex-GF (Hindi matanggap na wala na sila)
Dahil sa sobrang selos nang malamang may iba nang nobyo ang dating nobya, nagbaril sa sentido ang isang sekyu sa Iloilo City. Kinilala ang nagpakamatay na si Raymond Grecia, 29, hiwalay sa asawa, ng Bgy. Jebioc, Pototan, Iloilo, nagbaril sa harap ng dating nobya na si Angeline Cerjero, isang lady guard, sa Ledesma St., sa nasabing lungsod. Nabatid na humingi …
Read More »24 leaders, royalty humugos sa Vatican (Sa Canonization nina JP II, John XXIII)
Mahigit 90 delegasyon mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo ang dadalo sa magkasabay na kanonisasyon ng mga dating Santo Papa na sina John Paul II at John XXIII. Kasama sa 90 ito ang 24 heads of state at royalty na sasaksi sa paghirang sa dalawang dating lider ng Simbahang Katolika bilang mga santo. Walang anunsyo ang Malakanyang kung …
Read More »Epal ni Ping sa P10-B pork barrel scam go sa Palasyo
HINDI sasawayin ng Palasyo si Presidential Assistant on Rehabilitation and Recovery (PARR) Panfilo Lacson sa pagsawsaw sa isyu ng P10-B pork scam dahil hindi ito sagabal sa tungkulin niya bilang rehab czar. “Pagdating kay Secretary Lacson he said that he actually eats Yolanda for breakfast, for lunch, and for dinner. Puro Yolanda din po ‘yung kanyang iniintindi, at perhaps, nagkaroon …
Read More »Protesta vs Obama ‘di pipigilan
HINDI pipigilan ng Malacañang ang mga militanteng grupo na mag-lunsad ng mga kilos-protesta laban sa pagbisita ni US President Barack Obama sa bansa, ngunit ipinaalala sa kanila ang “hospitality” ng mga Filipino sa mga panauhin. “Wala naman pong problema ang protesta, it is part of the democratic free state we live in. However, tayo bilang Filipino, kilala tayo sa ating …
Read More »Pasig river ferry station balik-ops
Balik-operasyon na ang Pasig River Ferry System bukas, matapos ihinto noong 2011. Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, sa unang araw, hanggang alas-12:00 p.m. lang ang operasyon, dahil may ipatutupad na restrictions sa ilang lugar pagdating ni US President Barack Obama sa Maynila. Pero sa mga susunod na araw, maglalayag ang anim na ferry boats mula …
Read More »‘Mentor’ ni Napoles sa pork scam ilalantad (Pork King itinanggi ni Abad)
NANINDIGAN ang kampo ni Janet Lim-Napoles na hindi ang negosyante ang nagplano, nagmaneobra at utak ng pork barrel fund scam. Ayon kay Atty. Bruce Rivera, bagama’t wala pang pinal na affidavit ang kanyang kliyente, nais nilang bigyang-diin na may mga taong nagdikta at nagturo kay Napoles para sa naturang mga transaksyon. “Noong pumasok siya sa scene, it was already there. …
Read More »Negosyanteng misis iniligpit ng mister, bayaw
NATAGPUAN ang bangkay ng isang ginang na negosyante na sinabing pinatay ng kanyang asawa at bayaw, sa San Juan City, nitong Abril 22. Sa ulat kay Supt. Adolfo Samala, Jr., Las Piñas – PNP, unang naaresto si Angelito dela Cruz, bayaw ng biktima, sa 412 Ipil St., Manila Doctor’s Subdivision, Las Piñas City nitong Abril 23, habang ang asawa ng …
Read More »Ex-chief security aide ni Kris new PAF chief
ITINALAGA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino bilang bagong commanding chief ng Philippine Air Force (PAF) si M/Gen. Jeffrey Delgado. Si Delgado ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sandigan” Class of 1982 at kasalukuyang Deputy Chief of Staff for Plans and Programs (J5) na nakabase sa Camp Aguinaldo sa Quezon City. Dati rin siyang chief security aide ng bunsong kapatid …
Read More »Fil-Am doc patay sa hospital attack sa Afghanistan
KABILANG ang Filipino-American doctor sa tatlong namatay sa pag-atake sa isang hospital sa Kabul, Afghanistan. Ayon sa Philippine Embassy sa Washington D.C., kinilala ang doktor na si Dr. Jerry Umanos, isang Filipino-American pediatrician mula Chicago. Agad na nagpaabot ng pakikiramay ang embahada sa pamilya ni Dr. Umanos. “Our condolences to the family of Dr. Jerry Umanos, the Filipino-American pediatrician from …
Read More »Manager binoga, banko sinunog
KALIBO, Aklan – Patay ang bank manager ng Rural Bank of Ibajay sa lalawigan ng Aklan makaraan barilin at pagkaraan ay sinunog ang banko ng hindi nakikilalang salarin kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Gabriel Manican, residente ng Poblacion Ibajay, Aklan. Base sa pahayag ni Senior Insp. Ariel Nacar ng Ibajay PNP, nauna silang nakatanggap ng impormasyong nasusunog ang …
Read More »Binatilyo dumayb sa mall todas
PATAY ang 17-anyos binatilyo nang tumalon mula sa ikatlong palapag ng SM Southmall, sa Las Piñas, iniulat kamakalawa ng hapon. Patay na nang idating sa Las Piñas Medical Center ang biktimang si Elthon Phillip Cabacungan, ng Block 19, Lot 7, San Francisco St., Metrocor Homes-B, Talon, sanhi ng matinding pinsala sa ulo. Sa ulat na nakarating kay Supt. Adolfo Samala, …
Read More »Mag-asawa inararo ng saksak, apo niluray
NAGA CITY – Isinasailalim na sa counselling ang magkapatid na nakasaksi sa pagpatay sa kanilang lolo’t lola sa Brgy. B-Titong sa Masbate City. Ayon kay Chief Insp. Edwin Adora ng Masbate City Police, kabilang sa magkapatid ang 19-anyos dalagita na halinhinang ginahasa ng dalawang holdaper. Batay sa salaysay ng magkapatid, dakong 6 a.m. kamakalawa habang abala ang lolo at lola …
Read More »2 tow truck company sinuspinde
DAHIL sa mga kasong “reckless imprudence resulting to damage to property” at pang-aabuso sa mga awtoridad, sinuspendi ni Metropolitan Manila Development Authority(MMDA) Chairman Francis Tolentino ang operasyon ng dalawang kompanya ng tow trucks. Suspendido ng tatlong buwan ang BNW Towing Services matapos maghain ng reklamo ang Jayross Lucky Seven Tours Bus Co., Inc., sa kasong reckless imprudence resulting to damage …
Read More »PH bibili ng armas sa SoKor
SA gitna ng alitan sa teritoryo sa China sa West Philippine Sea, bibili ng makabagong armas pandigma ang Filipinas sa South Korea bilang bahagi ng modernisasyon ng militar. “Sa pag-arangkada ng ating modernisasyon, inaasahan nating mapapa sa atin na simula sa susunod na taon ang mga bagong FA50 mula sa Korea. Gayundin, target po nating bumili ng walong combat utility …
Read More »Ex-CJ Corona, Chavit inisyuhan ng HDO
NAGPALABAS ng hold departure order (HDO) ang Sandiganbayan third division laban kina dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona at dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson. Ang HDO kay Corona ay may kaugnayan sa sinasabing kanyang ill-gotten wealth, at perjury dahil sa hindi pagdedeklara nang tamang yaman sa kanyang income tax returns (ITR). Habang ang HDO kay Singson …
Read More »MPD Balut station binato ng granada (Kotse ng station commander, motor nasunog)
BASAG ang mga salamin at nasunog ang kotse ni Manila Police District (MPD) Raxabago station commander Supt. Julius Anonuevo damay ang motorsiklo ng kanyang operatiba nang hagisan ng granada ng sinasabing riding in-tandem kahapon. (BRIAN GEM BILASANO) NATUPOK ang kotse ng station commander habang nadamay ang nakaparadang motorsiklo nang hagisan ng granada ang harapan ng himpilan ng pulisya kahapon ng …
Read More »Affidavit ni Napoles vs 200 gov’t off’ls ilalabas ni Ping (Kapag nilinis ni De Lima)
NAGBANTA si dating Sen. Ping Lacson na ilalabas niya ang sariling kopya ng affidavit ni Janet Lim-Napoles kung lilinisin o tatanggalin ng Department of Justice (DoJ) ang ibang pangalan na sangkot sa kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam, sa isinumiteng sinumpaang salaysay ni Napoles. “If it is sanitized, I will release to the public the list that I have. …
Read More »P3.2-B cash bond katapat ng apela ni Pacman sa CTA
PINABORAN ng Court of Tax Appeals (CTA) ang inihaing mosyon ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao na nagpapatigil sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pag-freeze ng kanyang mga ari-arian. Sa inilabas na resolusyon ng CTA, inatasan ang BIR na huwag munang ipatupad ang Final Decision of Disputed Assessment (FDDA) at pagkolekta sa tax deficiencies ni Pacquiao mula taon 2008 …
Read More »Cedric Lee nagtatago sa Cebu?
CEBU CITY – Nakatanggap ng unverified reports ang National Bureau of Investigation Region 7 na nasa Cebu ang isa sa mga akusadong bumugbog sa comedian-actor na si Vhong Navarro. Ayon kay Cebu kay NBI-7 Regional Director Max Salvador, nagsasagawa sila ng pagsusuri kung gaano katotoo ang natanggap na ulat. Iginiit ni Salvador na gagawin nila ang lahat upang mahuli si …
Read More »Sanggol nalunod sa irigasyon (Ina nag-withdraw sa 4Ps)
NAGA CITY – Labis na naghihinagpis ang ina ng sanggol na natagpuan palutang-lutang sa irigasyon sa Goa, Camarines Sur kamakalawa. Ayon kay SPO1 Edmundo Trinidad, isang tawag ang natanggap ng kanilang himpilan mula sa Goa Infirmary Hospital tungkol sa batang nalunod na dinala sa pagamutan. Agad binirepika ng pulisya ang pangyayari at napag-alaman isang taon gulang na sanggol ang biktima. …
Read More »Selosang GF napatay sa bugbog ng ex-pulis
NAPATAY sa gulpi ng isang dating pulis ang isang babae nang umatake ang pagiging selosa kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Kusang-loob na sumuko sa pulisya ang suspek na si retired SPO3 Longino Catalan, 67-anyos, ng 3-B Rivera Compound, Talipapa, Brgy. 164 ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong murder. Agad nalagutan ng hininga sa matinding bugbog sa katawan at nabagok …
Read More »Utol patay, 2 kritikal sa amok na baliw
LEGAZPI CITY – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang 37-anyos lalaki habang dalawa ang kritikal makaraan mag-amok ang isang lalaking baliw sa Brgy. Buragwis sa lungsod ng Legazpi kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Revollete Boridor y Emata, kapatid ng suspek na si Ariel Nogales y Emata. Habang sugatan sa insidente si Orlando Nogales y Emata, 28, kapatid …
Read More »City Hall Take-over sa palengke ng Bacoor aprub sa vendors
Bacoor City, CAVITE – Nakahihinga na nang maluwag ang vendors ng Bacoor Public Market ilang buwan matapos i-take-over ng pamahalaang lungsod mula sa pangangasiwa ng isang pribadong grupo sa loob ng tatlong taon. Ayon sa Samahan ng Mangangalakal at Manininda ng Pamilihang Bayan ng Bacoor, Inc., labis-labis ang kanilang pagpapasalamat kay Mayor Strike Revilla dahil inaksyonan niya ang kanilang hinaing …
Read More »‘No Visa Policy’ ng Pinoys sa US, hoax
INILINAW ng embahada ng Filipinas sa Amerika na walang katotohanan ang napaulat na hindi na kailangan ng visa ng mga Filipino na tutungo sa Amerika. Ayon sa Philippine Embassy sa Washington, ‘hoax’ lamang ang naturang artikulo na inilathala sa website na “Adobo Chronicle.” “The embassy of the Republic of the Philippines would like to inform the public that there is …
Read More »