LEGAZPI CITY – Huli sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng pulisya ang isang mataas na opisyal ng rebeldeng New People’s Army sa lalawigan ng Masbate. Kinilala ang naaresto na si Ronnel Arquillo alyas Ka Hapon at Ka Noli, 35, itinuturing bilang No.7 most wanted sa Bicol Region at may patong sa ulo na P 800,000. Nadakip si Arquillo sa …
Read More »Masonry Layout
Cebu mayor, 7 opisyal, 12 taon kulong sa graft
CEBU CITY – Hinatulan ng 12 taon pagkabilanggo ng Sandiganbayan ang isang alkalde ng Aloguinsan Cebu at pito pang opisyal makaraan napatunayan sa paglabag ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa maanomalyang pagbili ng aluminum composites noong 2007. Ang mga hinatulan ay sina Mayor Cynthia Moreno, municipal civil registrar, Bids and Awards Committee (BAC) chairman Pepito Manguilimotan; municipal budget …
Read More »Negosyante ginilitan sinunog sa sasakyan
DAVAO CITY – Dinukot at ginilitan ang isang kilalang negosyante sa Davao City at sinunog ang bangkay sa loob ng sasakyan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Ramon Sanny Garcia, may-ari ng Nanay Bebeng Restaurant. Ang biktima ay dinukot ng hindi nakikilalang suspek at sapilitang tinangay papuntang Sitio Bolton, Baluyan, Malalag, Davao del Sur. Pagkaraan ay natagpuan ang bangkay ng biktima …
Read More »Generals na nagbenta ng AK-47 sa Neps parusahan
TINIYAK ng Malacañang na parurusahan at hindi kukunsintihin ang mga opisyal ng PNP na nagbenta ng AK-47 sa mga rebeldeng NPA. Magugunitang nakatakdang kasuhan ng CIDG ang ilang aktibo at retiradong heneral na napatunayan may kinalaman sa pagpuslit ng high-powered firearms sa mga kalaban ng estado. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi maaaring palampasin ang ganitong katiwalian na …
Read More »Pork trial ikinakasa na ng Sandiganbayan
NAGHAHANDA na ang Sandiganbayan sa isasagawang pork barrel trial makaraan ibasura ng Ombudsman ang lahat ng mosyon ng pangunahing mga akusado sa kaso. Ayon kay Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, normal lang na may mga paghahanda dahil malaking kontrobersiya ang kanilang isasalang sa paglilitis. Kaugnay nito, mahigpit na ipagbabawal ang ano mang media coverage at live reports sa paglilitis. Gayonman, …
Read More »Drilon kontra sa aresto sa Senado (Plunder isinampa sa Sandiganbayan)
INIHAYAG ni Senate President Franklin Drilon kahapon, hindi niya hahayaan arestuhin ang kanyang kapwa mga senador na sangkot sa pork barrel scam, habang nasa sesyon ang Senado. Ayon kay Drilon, hindi niya pahihintulutan ang mga awtoridad na isilbi ang warrant of arrest sa loob ng session hall o sa Senado, bilang respeto sa institusyon. Ang Senado ay may sesyon hanggang …
Read More »P1.5-M shabu nasamsam sa babaeng tulak
IPRINESENTA sa media ni Quezon City District Director, Chief Supt. Richard Albano ang 670 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon, nakompiska mula sa suspek na si Jody Daranciang, 30, ng 23-B, Road 10, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City, ng mga operatiba ng District Anti-illegal Drugs – Special Operations Task Group (DAID-SOTG), sa pangunguna ni S/Insp. Roberto Razon, Sr. …
Read More »Starlet nagbenta ng condo sa ospital
DUMIPENSA ang starlet na si Krista Miller kaugnay sa pagbisita niya sa Sputnik Gang leader at convicted drug lord na si Ricardo Camata sa Metropolitan Medical Center noong Mayo 31. Nalagay sa kontrobersya si Miller sa nabunyag na pagdalaw niya lalo’t isa si Camata sa tatlong high profile inmates sa New Bilibid Prison na dinala sa ospital nang walang pahintulot …
Read More »Pamilya huli sa Marijuana
ARESTADO ang walong miyembro ng pamilya Arabia makaraan mahuli sa aktong nagbabalot ng marijuana sa kanilang bahay sa Purok 1, Camarin, Caloocan City, sa isinagawang raid kamakalwa ng gabi ng mga operatiba ng NPD-District Special Operation Unit (DSOU). (ALEX MENDOZA) Arestado ang walong miyembro ng pamilya Arabia, nang maaktuhang nagre-repack ng pinatuyong marijuana sa kanilang bahay sa Purok 1, …
Read More »Utol, misis ‘may relasyon’ inutas ni mister
INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Mandaue City, Cebu dahil sa pagpatay sa kanyang misis at sariling kapatid dahil sa hinalang may relasyon ang dalawa. Natagpuan nitong Huwebes ang bangkay ni Ashela Antipuesto na may tama ng bala sa dibdib sa kanilang apartment. Kwento ng mga kapitbahay ni Antipuesto, narinig nilang nagtatalo ang biktima at ang mister niyang …
Read More »3 anak ini-hostage ng amang ex-con
CEBU CITY – Tumagal ng siyam na oras ang ginawang negosasyon ng mga awtoridad sa isang ama na nang-hostage sa tatlo niyang mga anak sa Sitio Camalig Bato, Brgy. Tabok, Lungsod ng Danao, Cebu, simula kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Eduardito Durano, 49, walang trabaho, residente sa nasabing lugar at isang ex-convict. Ayon kay Sr. Insp. Cesar …
Read More »Kapatid ng DILG R-12 official, 1 pa huli sa drug ops
KORONADAL CITY – Arestado sa drug buy bust operation ng mga awtoridad ang half brother ng opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region 12 at isa pang pinaniniwalaang drug user/pusher, sa Prk. Pinagbuklod, Rizal Extension, Brgy. Zone 4, Lungsod ng Koronadal. Kinilala ang mga nahuli na sina Dominador Pasion Cabrido, Jr., half brother ni DILG-12 Assistant Regional …
Read More »16.39% pumasang bagong pulis
UMABOT lang sa 2,070, o katumbas ng 16.39% ang pumasa sa mga kumuha sa Philippine National Police (PNP) Entrance Exam ng National Police Commission (NAPOLCOM). Ang nasabing resulta ay mula sa kabuuang 12,631 examinees sa katatapos na PNP entrance examination noong Abril 27, 2014 sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ani NAPOLCOM Vice-Chair and Executive Officer Eduardo Escueta, ayon ito …
Read More »OWWA chief sinibak ni PNoy
SINIBAK ni Pangulong Benigno Aquino III si Carmelita Dimzon bilang administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ipinalit sa kanya si Labor Assistant Secretary Rebecca Calzado. Inihayag kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang pagtalaga kay Calzado ngunit hindi niya binanggit ang dahilan sa pagtanggal kay Dimzon. Magugunitang sa administrasyon ni Dimzon ay nasangkot ang ilang welfare officers …
Read More »Peste sa niyog kinasahan ng Palasyo
IPINALABAS ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon ang Executive Order 169 para sa pagpapatupad ng emergency measures sa Region 4 o Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at Basilan kasunod ng pananalasa ng coconut scale insect o peste sa niyog. Ang EO ay batay sa rekomendasyon ni Presidential Assistant on Food Security and Agriculture Modernization Francis Pangilinan. Sakaling hindi …
Read More »Tsinoy todas sa ice pick
SAMPUNG tama ng saksak ng ice pick sa katawan ang tumapos sa buhay ng Filipino-Chinese nang pagtulu-ngan saksakin ng magka-patid sa Pasay City, kama-kalawa ng gabi. Agad dinala sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Kristoffer Chan, 36, emple-yado, ng 1745 Cuyegkeng St., pero namatay habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor. Nasakote ng mga tauhan ng Station Investigation and …
Read More »Mason patay sa atake sa puso
PATAY na nang makita ng kanyang kabaro, ang 49-anyos mason, hinalang inatake sa puso sa loob ng barracks sa pinagtatrabahuhang konstruksiyon sa Sampaloc, Maynila iniulat kahapon Ayon kay SPO1 Rommel del Rosario, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, may anim oras nang patay ang biktimang si Samuel Rico Cubacub, ng 622 Cavo F. Sanchez , Mandaluyong City, bago natuklasan ng …
Read More »Tanda, sexy, pogi et al swak na sa Plunder (Mosyon ibinasura ng Ombudsman)
TULUYAN nang ibinasura ng Office of the Ombudsman ang lahat ng mosyon ng mga pangunahing sangkot sa pork barrel fund scam. Ayon sa resolusyon ng Ombudsman, nabigo ang mga respondent sa kasong plunder na sina Sens. Juan Ponce Enrile, Ramon “Bong” Revilla Jr. at Jinggoy Estrada na kombinsihin ang tanod bayan na isantabi ang mga kaso laban sa kanila. Wala …
Read More »Lover ni misis pinugutan ni mister
NANGHILAKBOT ang mga taong nakasaksi nang biglang tagpasin ng isang mister ang ulo ng isang lalaki na pinaghihinalaan niyang kalaguyo ng kanyang misis sa isang tindahan sa Sapang Palay, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Ronell Patangan, residente sa Magra Road, Brgy. Bagong Buhay, sa nasabing lugar. Ayon kay PO3 Christian Atendido, may …
Read More »Starlet ‘date’ sa ospital ng drug lord
NATUKOY na ng Department of Justice (DoJ) kung sino ang sinasabing starlet na pinapasok sa hospital room ng convicted drug lord na si Ricardo Camata nang dalhin ang preso sa bahay pagamutan noong nakaraang buwan. Ayon kay Justice Undersecretary Francisco Baraan III, si Krista Miller ang dumalaw kay Camata noong Mayo 31 sa Metropolitan Hospital sa Maynila. Sinabi ni Baraan, …
Read More »NBP jailguards isalang sa drug test
HINIKAYAT ni Senador Vicente “ Tito” Sotto III si Department of Justice ( DoJ) Secretary Leila de Lima na isalang sa drug test ang lahat ng jail guards ng Bureau of Correction sa New Bilibid Prison ( NBP) sa Muntinlupa City. Ginawa ni Sen. Sotto ang pahayag makaraan mapag-alaman na tuloy pa rin ang aktibidades ng illegal na droga sa …
Read More »Antipolo urban poor leader todas sa ambush
RIZAL – Patay ang isang urban poor leader makaraan tambangan habang sakay ng motorsiklo sa Antipolo City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Antipolo City Police chief, Supt. Arthur Masungsong ang biktimang si Francisco Abad alyas Ka Muchoy, 60, residente ng Sitio Mabolo, Brgy. Mambugan ng nasabing lungsod. Habang kaswal na naglakad lamang ang suspek makaraan siguruhing patay na ang urban …
Read More »P112-M Grand Lotto wala pa rin nanalo
PUMAPALO na sa P112,847,496 ang pot money sa 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO). Gayonman, wala pa rin nananalo sa nasabing halaga dahil hindi pa natumbok ng mga tumataya ang number combination na 11-28-08-33-24-14. Dahil dito, maaari pang lumaki ang mapapanalunan ng mga bettor sa sumusunod na mga araw. Ayon kay PCSO General Manager Ferdinand Rojas II, …
Read More »Tsinoy trader, 2 pa dinukot sa Tawi-tawi
ZAMBOANGA CITY – Patuloy ang paghahanap sa Filipino-Chinese businessman, kanyang anak at isa pang kamag-anak na dinukot sa Brgy. Chinese Pier sa Bongao, Tawi-Tawi. Kinilala ang mga biktimang si Joseph Bani, 41; anak niyang si Joshua, 21; at kamag-anak na si Hajan Terong, 51. Ayon sa maybahay ni Terong na si Elizabeth, noong Lunes pa nawawala ang mga biktima ngunit …
Read More »13-anyos tiklo sa bigong rape sa masahistang bulag
DAGUPAN CITY – Inireklamo ng isang bulag na masahista ang 13-anyos binatilyo makaraan ang tangkang pagsasamantala sa Lungsod ng Dagupan. Ayon sa biktima na hindi na nagpabanggit ng pangalan at nagtratrabaho sa isang mall sa Arellano sa nasabing lungsod, inalok siya ng lalaki ng P500 kapalit ng pakikipagtalik sa kanya. Una rito, lumapit ang binatilyong suspek sa biktima at nagsabing …
Read More »